my situation

mejo mahaba, pasensya na. yung partner ko weekend lang sya umuuwe since sa manila sya nagwowork. every weekend umuuwe sya sa nanay nya (tita nya) lagi nyang dinadahilan na kesyo walang kasama nanay nya, mas kailangan sya ng nanay nya, kaya di nya ko mabisita. pero malalaman ko nalang kasama nya barkada nya, inaabot pa minsan ng madaling araw, worst umaga pa. ang dami nyang dahilan pag saken pero isang tawag lang ng barkada nya gora na kagad sya kahit luluwas sya ng madaling araw. i confronted him many times, pero lagi lang syang nagagalit na minsan lang daw naman, parang sinasakal ko na daw sya eh hindi pa nga daw kami kasal, bata pa daw sya at gusto nya mag enjoy. worst is, everytime na kakausapin ko sya ipamumukha nya saken na wala akong karapatan o magdemand kahit konti, na balanse lang naman daw yung binibigay nyang oras saken at sa nanay nya at kung hindi daw ako makuntento eh yung baby nalang namin aasikasuhin nya. konti lang naibibigay saken ng partner ko wala pang 1/4 ng sahod nya dahil nagsusustento sya sa nanay nya. I understand him naman na ayaw nyang iwan nanay nya, at bumabawe lang sya sa nanay nya, I respect that, pero yung treatment ng partner ko saken is getting worst everyday lalo na pag galit o mainit ulo nya, nahihirapan nako. almost 3 months na din akong nagresign sa trabaho ko dahil sensitive pagbubuntis ko at muntik ng malaglag baby namin, nakakaloka na, may isa pa akong anak na dapat sustentuhan since nagmimilk pa sya until now at malapit na ang pasukan. ano pb dapat kong gawen, keep me motivated mga momsh :(

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Twing nakakabasa ako ng ganito umiinit ang dugo ko sa inis. Yun mga ganyan klase ng lalake masarap bigyan ng mag asawang sampal para medyo magising sa katotohanan na may responsibilidad na sila at hindi na sila mga binata.. Yun kasama mo lang sya sa sarap pro pagdating sa hirap gusto ka ng takasan, at kung pananagutan ka naman parang utang na loob mo pa sknya yun.. Hays, magagawa mo nalang mommy ay ingatan ang pagbubuntis mo, isipin mo nalang lagi mga anak mo para maging matatag ka, yun mga ganyan klase ng lalake lalo. Mong pigilan lalo pang pumipiglas so instead pigilan mo sya pabayaan mo na sya, at kung makapanganak kana gawan mo ng paraan na makabalik ulit sa work. Kelangan mo yan pra madivert isip mo, para un oras mo ng pagiisip para nalang sa bata at sa work mo yun wala ka ng time para isipin pa yan partner mo at the same time may panggastos kayo. Mahirap ang pinagdadaanan mo at ang choice mo lang ay magpakatatag at mahalin ang sarili mo at ang mga anak mo..

Magbasa pa

Mas mabagal talaga magmature ang mga lalake. Proven and tested. Back when I had my panganay, nagaaway din kami kasi parang sabik na sabik pa sya lumabas kasama barkada nya. And then nagbigay ako ultimatum. Either aayos sya o hiwalayan na. Ayun umayos naman. May work din kasi ako nun kaya kung iisipin, kaya ko talaga buhayin magisa anak ko. Naalala ko nga, naaallergy anak ko sa Bonna at niresetahan ng Nan HA. Namamahalan sya kaya gusto nya i nestogen. Nagalit ako ng sobra sabi ko umalis ka na lang kung di mo kaya bumuhay ng anak. Ayun nagtino naman sya. Naging responsable na din. Paminsan minsan pinapayagan ko mag-gig or lumabas kasama barkada pero now na kakapanganak ko lang sa second child namin, nahalata ko, di na sya umaalis. Hands on naman na sya ngayon. Ako sayo mommy, umuwi ka muna sainyo. Bigyan mo sya ultimatum. Kapag humingi second chance, pagbigyan mo. Pero kapag sya pa naginarte, hiwalayan mo na talaga. Hindi na yan magbabago.

Magbasa pa

I think pwede naman pagbalansehin yan e. He can be a supporting partner sayo and have his own social life PERO kailangan nyong dalawa na magusap ng masinsinan na walang kwentahan at bangayan. Walang lalaki ang may gustong nakakarinig ng nagging at the same time hindi mo naman rin siguro gusto maging nagger. Hirap kasi ang mga lalaki to understand how women think and process. Madalas kasi tayo ang panay mag worry at nakakaintindi ng sitwasyon lalo na pag may mga red flags na. Just be transparent with your partner without being overbearing kasi di nya maiintindihan ng lubos yung point mo kung ang negative ang bato sakanya ng information. Para kang naghain ng masarap na adobo pero hindi kaaya ayang kainin. Tyagain mo na para makuha mo yung gusto mong atensyon at suporta from the bf. Kaya mo yan sis! Kulang lang kayo sa MAAYOS na communication.

Magbasa pa

I'm sorry to say.. he's not into you. Wake up and move on. Save yourself and wag ka na dumepende sa kanya.. Alam mo kasi... ang lalaki kung talagang mahal ka nya.. ikaw ang uunahin nya. Sayo siya uuwi kasi gusto ka nya makita. Parang d normal na mas gusto nya mag stay ng mas matagal sa nanay nya kaysa sa makasama ka? Unless na lang bonjing sya? Sa mga sinasabi mo kasi na kesyo wala ikaw karapatan sa kanya kasi hindi pa kayo kasal... plus sa bata na lang ang pag usapan ninyo... hindi ba red flag na yun na wala siya talaga balak tuluyan ka? Again sorry... I hope na maka meet ka ng taong mag mamahal talaga sayo unconditionally. ❤

Magbasa pa
VIP Member

ang lalaki sis matagal mag mature hindi tulad natin mga babae na once nagpakasal nagkaanak alam na natin agad priority natin kumbaga iisa ang goal. Hintayin mo na lang sis magma mature din yan at maiisip din kayo ng baby mo, wag mo na lang i nag or sakalin sa pagbabawal mo. In the mean time pag nakapanganak ka na at meron mag aalaga sa side mo magtrabaho ka or bussiness kahit sari sari store para malibang ka pero kung ayaw mo na talaga at sa tingin mo hindi na magbabago iwan muna. If his not worth it then leave kesa araw2 ka stress. Opinion ko lang sis. God bless.

Magbasa pa

The truth is hindi pa siya handa iwan buhay binata niya. Its up to you sis kung kaya mo siya itolerate at mag tiis hanggang mag mature late kasi mag mature ang mga lalaki pero hindi parin dahilan yun kasi may anak na siya mas understandable kung sa Nanay niya lang ang pinagkakaabalahan niya maliban sayo kaso hindi ginagawa niyang excuse ang mother niya para makatakas sayo. Kung ako tatanongin mo hayaan mo nalang siya. Wala siyang kwenta.

Magbasa pa

Sis di pa yan fully matured,sa kanya na nanggaling na bata pa sya means hindi nya priority yung pagkakaroon ng pamilya though sinabi din nya na susustentuhan nya yung bata parang hanggang dun lang yun di pa sya ata ready magkapamilya which is nangyare na. Mahirap yan sis pero kung puro sakit na lang natatanggap mo mas maigi na hiwalayan mo na lang sya,hindi din maganda sa mga buntis ang nai-stress kase makakasama kay baby.

Magbasa pa

Nako kung ganyan asawa ko d na ako nagpaanak ng isa pa para kung dumating ung time na mauntog na ako sa katutuhanan isa lang anak ko sa kanya. Just saying mamsh ha. Reason nya bata pa sya hindi pa sya pwde pakialaman ano un ok lang ku pag.may kailangan sya physically??? Physically mag isip isip ka mamsh for yourself

Magbasa pa

Buti nalang hndi kami umabot sa ganyan..mabarkada ang lip ko pero pag sinabi kung hndi pwede at ayoko.. Sumusnod naman..siguro sis hndi pa sya ready kasi mas uunahin nya barkada kesa.sayo

Dont worry mamsh! my situation is worst than yours. Sa sobrang worst maiiyak ka nalang. Kaya mo yan. Kung kinaya kong labanan kakayanin mo rin 😊 be positive lang!