My experience as a working student and a mum 🥹

Hello, Ito ang experience ko bilang isang working student na nanay Sa umaga gigising ako ng 4am swerte na yun kung nakatulog ako ng kaunti dahil 1 month old pa lang si baby minsan walang sleep. By that time mag hahanda at plantsa na ako ng damit ng partner ko at mag luluto minsan o kaya bibili aa labas ng almusal. Matatapos ako ng pag asikaso sa kanya siguro 7am or 7:30am dahil sa sobrang dami nyang utos minsan ayaw nya pa yung inihanda kong damit kaya ulit na naman sa simula. Ultimo cotton buds na abot kamay na lang nya at cream ako pa mag papahid sa paa nya. 7:30 to 8:30 mag start na ako nyan kumilos sa bahay para bago umalis ay ok na ang lahat, kahit na andito ang mama ko sa bahay namin ay ayaw ko syang pagudin dahil tinutulungan nya ako kay baby sa pag bantay pag may pasok ako. By 9am nakaalis na ako papasok na sa school. Madami akong naiiwang kung ano anong gamit ko dahil aa dami kong iniisip. 4th year college na nga pala ako at OJT na pag lunch break dun ako nag nanakaw ng tulog di na ako kumakain aa bahay na lang para tipid kasi lagi nag hahanap ng sukli ung partner ko sa baon ko di nya alam na ang mahal ng pamasahe. Sa School dun na din ako nag wowork check check ng email sabay na, ang sweldo ko ay pambayad ng bills at rent sa house all in walang tira hehe. Pag uwi ko ng bahay iisip na ako nyan ng ulam aasikasuhin ko na ulit ang bahay nakakauwi ako mga 3 or 4 padating na si partner nyan dapat nakahanda na din ang mga damit nya at nakahain na pag kain nya by that time. Pag dating ng 5 ako na nag aalaga kay baby tapos andami pa din utos ng partner ko hanggang sa makatulog na sya. Ako gising pa din hanggang umaga. Minsan 2 hours lang sleep ko kaya akoy dinadala sa clinic palagi pag ojt kasi madalas parang nahihilo na ako sa pagod at puyat. Hindi ako nag rereklamo mahal ko kasi sila, 1 week pa lang yata after ng manganak ako CS pa yun ay ganito na ako kumilos na ako agad. Minsan nakakaiyak dahil sa pagod pero ganun siguro talaga. Pahingi na lang ng prayers na sana makagraduate na ako 😊 mababa kasi tingin ko sa sarili ko kahit dami kong sakripisyo. Ayun lang ❤️

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hugs and prayers sayo, mommy. But I hope that sooner or later, you'll have the means and courage to leave your partner. I'm not saying that people are incapable of changing for the better but if and when they do, it will NOT be because you wanted them to. We can't really change other people no matter how much we try or love them, or kahit ipagdasal mo pa sila. Sila lang ang makakagawa noon sa sarili nila, at KUNG gugustuhin nila. For your own and your child's sake, I suggest you leave your partner (I assume hindi pa naman kayo kasal). The mere "status/ label" of you having a partner, and your child having a father is nothing. Don't let other people's opinion of you define your happiness. Ang tanong: is your partner the kind of husband/ father that you want in your life? Kung lalaki anak mo, baka gayahin nya lang tatay nya paglaki nya. At kung babae naman anak mo, baka isipin nya na ok lang na ganyan trato sa kanya ng mga lalaki. Yung ganyang asal ng mga lalaki ay quite common but is NOT normal. Marami pa pong matitinong mga lalaki dyan na magmamahal sayo nang tama. Learn to love yourself first and know your worth. So that if and when the right person comes, you'll be ready to accept him in your life. And even if he doesn't, I actually believe that it's better to be Single than to be in a relationship with the wrong and toxic person. Isipin mo, wala na ngang ambag sa buhay mo, pabigat pa. Ano yung sense? He's not worth it. Hugs ulit sayo and kudos sa pagiging mabuting ina, anak, estudyante... at partner na rin (although he doesn't deserve you). Good luck and God bless po sa inyo 🙏

Magbasa pa