Okay lang ba na itago ang regalo ng ex kahit may asawa na?
Moms, dads, okay lang ba na itago ang regalo ng ex kahit may asawa na? Hindi ba ito magiging problema? Comment your thoughts!

Idk pero tinapon ko na lahat. Since worn out na at wala lang, wala na syang value for me. Hahaha siguro dahil mas valuable na si Husband. Siguro ganun yun momsh. If you still hold on the things from your ex. You still value the time you spent with him/her?
Para sakin okay lang itago or i keep lalo na pag maganda ang material na binigay pero alam naman ng hubby ko kung saan nang galing yung bagay na yun. para sure na wala kaming problem bi hubby iniwan ko sa mama ko yung gamit na yun pang display nila ☺️
hindi ko na sya ikeekeep kahit may value pa sya. hindi naman kami ganoon kagahol sa materyal na bagay. pamigay ko na lang sa iba. kasi kung yung mister ko ay ganon, hindi ko magugustuhan yun. kaya para hindi nya gawin sakin, hindi ko rin gagawin sa kanya.
depende kung useful pa. and depende kung may meening paba yun sa asawa mo or ikaw nlng ngiisip ng kung anu ano. open mo sa asawa mo kung ayaw mo tinatago nys o ginagamit gift ng ex nya. ksi if importante sknya nararamdaman mo tatapon nya yun o ipapamigay
If something na nagagamit/napapakinabangan like pen, book, etc. , why not? D issue naman sakin un. Pero kung mga stuff toy etc. Tanong bakit? Walang rason para ikeep. Pero since wala naman kaming ganon saming magasawa kaya d applicable samin to. 😂
Praktikal po kasi ako if no more feelings to hide naman it's okay for me kasi my mga ginagamit p rin akong bigay ni ex like mga stuff toys. And as long as walang magiging problema sa mag-asawa why not to use it kaysa ibalik o itapon sayang din. hehe.
ok lang naman. ang hindi ok eh yung maging sobrang icherish pa rin yung gamit. kung regalo, di regalo. walang special treatment like di pwedeng gamitin ng iba, di pwedeng mapalagay ng basta sa laundry basket, hindi pwedeng mawawala! may iba pag ganon
It's ok to keep it, my EX is a part of my life. It doesn't mean naman na kaya ko tinatago pa is gusto ko pang makipag balikan. I keep it for the memories, memories that thought me lessons that I apply in my present relationship.
Kumporme sa EX. Pag alam mong ang asawa mo ay may issue sa EX mo, better tapon na, ibalik or ipamigay bilang respeto sa feelings ng asawa mo. Pero kung ang EX mo at asawa mo ay in good terms naman, why not? Lalo na kung useful naman yung binigay.
50/50. depende kasi yan sa haba ng understanding ng asawa mo. kung wala lang sa kanya if may naitabi kang gamit ni ex y not to keep it. pero if yon lagi yong magiging reason para maging uncomportable siya. itapon na lang.iwas issue.




