hello mommas

Im single parent po. May anak akong babae and she's 3 yrs old pa lang. Iniwan kami ng papa nya nung pinagbubuntis ko pa lang sya ng 1 month, di na sya nagpakita or kahit magtext, biglang naglaho sya nung nalaman nyang buntis ako that time. Nung nanganak na po ako gumawa po ng fake marriage contract si papa ko at ibinigay sa midwife at sinabe nya sa midwife na sa Mindanao nagtatrabaho yung "mister" ko kaya hindi ko daw kasama at sa islam daw kami ikinasal dahil muslim daw yung lalake. Ngayon po ang nakalagay na father's name sa birth certificate ng anak ko ay Abdel Ampuan which is hindi nageexist gawa gawa lang ng papa ko. At ang surname namin ay Ampuan din. Bale naging Ella Ampoan Ampoan yung name ng anak ko dahil sa kagagawan ng tatay ko. Pwede ko pa kaya alisin na lang yung father's name at iwanan ko na lang na blangko yun? Hindi pa daw kase registered yung anak ko so mababago ko pa daw po yun. Pero may nagsabe saken na hahanapin daw po yung tatay kapag ipapa late registered ko yung anak ko dahil ang perma daw po ng tatay ang hahanapin Totoo po ba yun? Sana po may makasagot sa tanong ko. ??

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pwede pong hindi magdeclare ng name ng father po sa certificate of live birth ni baby po. Right niyo po un as a parent at nasa batas din po un. Kailangan lang po ng sign ng father kung surname ng tatay un gagamitin po. Pero gaya nga po ng sabi niyo po, iniwan po kayo ng father. Papalitan niyo nalang po un certificate of live birth sa lying in o hosp po na pinag anakan niyo po.

Magbasa pa
6y ago

Salamat po ☺