masama daw magbreastfeed??

Hello po mommies. Paano nyo po hinandle yung MIL ninyong ayaw kayong magpabreastfeed? Buntis pa po ako. Ganito po kasi yun. Sabi ni MIL wag na wag ko daw ibreastfeed yung anak ko kasi may masamang effect daw yun. Nagkombulsyon daw kasi mga anak nya nung binreastfeed nya. Kasama dun hubby ko na anak nya. Bale yung pinaka grabe yung bunso nyang anak na pina breastfeed nya. Pinasuso nya daw tapos bigla rin daw nagkombulsyon tapos di na naging normal. Di na natutong maglakad, makapagsalita, and etc. Sort of wala talagang alam. 25 years old na sha pero she can't even respond to anything. Like wala talaga. Nakahiga lang sha whole day. Walang reaksyon sa mga bagay. Ewan ko sa MIL ko. Naniniwala siya na dahil sa breastfeeding kaya nagka ganun anak nya. Wala pa po talaga akong nabalitaan na masamang epekto ng breastfeeding. Paano ko kaya ieexplain sa kanya? Thanks po. Sana masagot.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

most likely iba ang causes nung sinasabing nyang effect sa breastfeeding. with this case, stand your ground if you really want to breastfeed. you can also watch together webinars about breastfeeding.

3y ago

Yes mommy. Magpapa dede talaga ako no matter what. My child my rule.

Explain mo po sa kanya ang importance ng breastfeeding, not to judge feel ko po close minded na ang MIL, Sana pina tingin nya muna sa specialista yung anak nya.

3y ago

Oo nga momsh. Bahala sha. My child my rule. Feel ko kaya nagka ganun anak nya dahil sa genes.