LUCKY ME

Im not here to boast or anything. I just want to share some good vibes. I feel so bless sa hubby ko. Alagang aga kasi ako. Lahat ng request ko binibigay, paggusto ko ng ganitong food lulutuan niya ako or kapag may nakita akong pic sa FB then isesend ko sa kanya pag-uwi niya dala dala na niya. Ang sweet sweet pa, kapag matutulog kami then minsan magkalikuran (hindi sa magkagalit, nakakangalay kasi na iisang position lang matutulog) he made sure na may part ng body nia na nakadikit sa akin, either his feet or yung kamay niya nasa tummy ko. I felt secured kapag ginagawa niya un. Kayo momshie, anong efforts ang ginagawa ni hubby na makes you feel LUCKY?

47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi nya ko hinayaang mapagod. Kahit gusto at kaya ko naman maglaba kasi may washing machine ehayaw nya. Mas gusto nyang magpalaba nalang kasi hindi ko daw kakayanin mahihirapan lang ako at ang ending sya lang daw tatawagin ko 😂 sa foods naman lahat naman binibigay nya kahit mahal go lang pero may time na hindi nalang ako naghahanap kahit nagtatanong sya kung may gusto ba ako kasi kelangan din mag ipon para kay baby hindi pedeng ubos ubos kami. Minsan sya na nagawa ng mga gawain ko like magwalis magpunas pero hindi lagi kasi kelangan ko rin daw magkikilos para hndi ako mahirapan sa panganganak. Kahit galing sya sa work minsan sya pa maghahain ng pagkain para samin magluluto bibili ng kailangan namin. lucky ako sa kanya kasi kahit first baby palang namin at kahit noon palang na hindi pa ako buntis ay marunong na sya maghandle ng isang pamilya at ngayong magkakababy na kami mas nagpupursige pa sya..Super lucky ako na sya ung father ng baby ko na makakasama namin. Na kahit na napaka ewan ng ugalu ko hanggang ngaun pinapapasensyahan pa rin nya ko at iniintindi.Pero lagi lang nya ko inaasar na umuwe nadaw ako pag labas ni peanut o kaya naman di nadaw nya ko papansin pag labas ni baby o kaya naman ang pangit ko daw HAHAHAAHAHAHA pero alam ko naman iniinis lang nya ko lambing siguro un 😂

Magbasa pa
VIP Member

Hindi perfect hubby pero pag nagagalit ako,inaalam nya talaga ang reason. Nakikinig sya,magsosorry kahit minsan ang babaw ng reason ng kinakainis ko tapos pinipilit nyang iimprove ang sarili nya base sa standard ko. Sobrang haba din ng pasenysa lalo na sa anak namin. Before ako ang nagsusupport sa parents ko at sa anak ko sa pagkadalaga financially pero sinalo na nya lahat. Palagi din nya kong pinupuri. Even nung time na pangit na pangit ako sa sarili ko dahil namamanas ako,palagi nya ako inaassure na maganda ako. Palagi din nya kong pinag luluto. One time ako ang nagluto,e di masarap at sinabi naman nya ng derecho kasi pranka talaga syang tao,nagalit ako at sinabi kong di na ko magluluto kahit kelan. Nagsorry sya at nagpromise na sya na daw magluluto palagi. So kanina kahit busy pa sya sa office nya (other room dito sa bahay),lumabas sya saglit para ipagluto ako☺️. Hahahaha. Marami pa kong dapat ipagpasalamat kay hubby,as in super. Kahit magkaiba kami ng culture (Korean sya),pinipilit nyang mag adjust para lang mag match kami. Pero syempre ginagawa ko din ang part ko😊

Magbasa pa

Same here super bless sa partner🤗c hubby ko hndi yan makkatulog pag hndi ako nkahiga sa braso nya at dapat nakaharap ako sa kanya pag natutulog kami😊taz minsan pag nakatalikod ako hinahatak nya ako paharap sa knya😀 kc minsan pag nakaharap ako sa kanya panay kiss nya sakin taz naglalambingan kami bago matulog,taz ssabihin ko sa knya ano ba yan nauubos muna ang labi ko kakahalik mo taz sabihin nmn nya ang sarap kc eh😂😂taz nong buntis ako ayaw nya na nagttrabaho ako kc baka daw mapano c baby😊😊😊taz lagi din ako pinagluluto taz lagi din ako binibili ng healthy food para daw ke baby😍😍😍kya nakkatuwa lang pag ganon ang hubby mo tudo effort xa sayo😍 taz ayaw din nya na nakkita akng umiiyak kc napaka walang kwenta daw nyang lalaki pag nakapagpaiyak xa ng babae😂😂😂nako wala na tlga ako masabi sa hubby ko super baliw na baliw xa sakin😂😂😂kya super thankful ako na xa ang naging ama nang anak ko❤😍😍

Magbasa pa
TapFluencer

Perfect na sana eh. Kaso minsan hindi talaga binibigay lahat. Okay naman hubby ko. Kahit hindi pa ako buntis, hatid sundo sa work, kapag umulan or sandstorm lalabas siya ng office para masundo or mahatid ako, buy all the foods I want, pag may gusto ako kahit may pera ako siya bibili 😂. Tapos when I was pregnant, wala akong ginagawa, siya lahat linis sa bahay, luto ng pagkain, maglaba,mag grocery, bumili ng mga vitamins ko, every visit sa ob, labtest,lagi ako sinasamahan kahit may work siya lalabas siya para samahan ako, binibili lahat ng pagkain na gusto ko tapos idadaan saakin. Tapos ngayon siya pa din lahat eh ngayon full time mom ako so wala na ako pera ayun every month binibigyan nya ako ng pera. At siya pa din nagawa lahat as in wala akong iisipin at wala ako problema lahat ng needs namin ni baby anjan lahat. Kasoooo hindi lang talaga SWEET ang hubby ko kaloka! 🤣😛😛 walang kasweey sweet sa katawan! Haha

Magbasa pa
VIP Member

Magkaiba lang tayo momsh..ako kahit busy sya mag ml basta matutulog na ko gusto ko may part sa kanya na nakadikit sakin..ewan ko ba parang panatag ako kapag ganun tsaka less takot narin kasi super active ng pandinig ko ngayong preggy ako kaya mabilis ako magulat kapag may kalabog habang tulog ako.. Kapag nakatihaya naman sya matulog tapos tatalikod ako kasi nga nakakangalay diba automatic tatagilid din sya tapos yayakap hahah kinikilig lang ako sa part na yun parang may sensor sya na kapag tumalikod ako sa kanya tatagilid din sya at yayakap 😁😁 Then nung time na naglilihi ako kahit 10pm na antok na ko pag nag crave ako sa hotdog at hot choco ng 7/11 talagang walang pag dadalawang isip alis agad sya.. Lucky Misis here 😊😊

Magbasa pa

Nung bago palang kami sweet sya, maalaga pakiramdam ko nun Lucky Me, masaya ako nun.. hanggang sa nanganak ako pero eto katagalan parang di na ganun kasweet pero alam ko na di sya magloloko so for me Lucky pdin naman ako. kase kung iba yan pwedeng di nya ko pananagutan nung nalaman nyang preggy ako se nasa Isabela sya nun umuwi sya se wala kasama nanay nya dahil kamamatay lang ng tatay nya pero mas pinili nya samahan ako.. so dun palang dn nakita ko na Lucky pdin ako. sinasamahan nya ko magpacheck up pag rd, palagi nilulutuan, sya dn naglalaba pag rd nya o tulong kaming 2.. kahit di nya sabihin palagi alam ko naman mahal nya kami ni baby ❤❤❤

Magbasa pa
VIP Member

True! I feel blessed everyday for having a husband who is caring and thoughtful. Ttanungin p ako nyan kung anong ulam ang gusto ko. Naka depende s gusto ko kng ano pagkaen nming mag asawa. Tatlo lng kmi s bahay ksama baby nmin. Halos sya n gmgwa ng gawaing bahay ksi mas naka focus ako ky baby. Sya nglalaba, nagluluto, namamalengke, hugas ng plato, as in lahat. Lahat ng ggwin nya, ipapaalam pa nya sakin khit nsa loob lng ng bahay. Hndi sya nakakalimot mag I Love You everyday, may ksama pang kiss. Nagguilty n nga ako ksi feeling ko hnd ko sya napag sisilbihan bilang asawa.

Magbasa pa

akla ko about sa noodles ung post😂😂, LUCKY ME CHICKEN TO, GANIAN DIN C HUBBY EVERY TIME GUMGLAW C BABY GINIGISING AKO, KHIT LARO SYA NG LARO SA GABI BINBNTYAN NIYA AKO, KPAG NAIIHI AKO TATANUNG NIYA GUTOM K NA B?? BAWAT GLAW KO NAGIGISING SYA😍, PAGKGISING KO NAGLULUTO N SYA NG BREAKFAST NEVER SYA NAGREKLAMO SA UTOS KO, SUPER LAMBING NIYA, NASOBRAHAN SA PAGLILIHI😂, SYA KC NAGLILIHI HINDI AKO, TRIP NIYA PLAGI PAGGIGILAN MUKHA KO, ILONG TAPOS KHIT TULOG AKO KISS NG KISS SA MUKHA KO, SINISERMUNAN KO NGA MINSAN NGIGISNG AKO BIGLA KAKIKIS NIYA😂

Magbasa pa

Ganyan din hubby ko. ❤ Consistent, never pumalya. Never naging sakit ng ulo. Mas nagiging sweet everyday and lalo ngayong preggy ako. ❤ Wala naman akong paglilihi talaga pero gusto kong kumain ng nakikita ko sa FB, madaling araw pipila na sya sa palengke para maibili and maipagluto ako ng gusto ko kahit sinasabi kong wag na para di na sya lalabas. ❤ Same as pagbili ng gamot and milk namin ni baby, palagi nyang tinatanong and chinecheck kung meron pa ba kasi ayaw nyang mawawalan ng stock. Blessed tayo may asawa tayong mapagmahal and maalaga. ❤

Magbasa pa
VIP Member

Lucky to have a husband at the same time as my best friend. He is a very responsible father nd husband aside from providing the needs of our family, he also shows us how much he loves us. Feel ko everyday na super love niya ko, minsan nga tinutukso kong patay na patay ka sakin no? Sabay kami tawa. Everyday theirs an I love you, a kiss and a hug. For a quiet long years of being married nagagala pa din kami gaya nung mg bf gf kami. Kung ano kami noon ganon padin ngayon. Blessed, and let us always pray for our husband and children.

Magbasa pa