Hello soon to be mommies!

I’m 6w2d pregnant. Meron po ba dito na katulad ko na nakita sa Ultrasound is with gestational sac containing a yolk sac with no embryo? This is my 2nd pregnancy & I had a miscarriage sa 1st pregnancy 🥺🥺 Hopefully this will be our rainbow baby.

Hello soon to be mommies!
17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pray lang momshie.. iwasan ang stress at positive lagi ang isipin.. miscarriage din ako sa 1st baby last March 2022.. lmp ko june 20, august 5 nag test ako ng afternoon positive agad.. 5times ako nag test until August 8 positive lahat .. hindi agad ako nagpa check kasi iniisip ko nun na baka maulit ulit blighted ovum ko nun kaya monitor ko muna yung sarili ko.. tulad nung pintig sa leeg ko 😅, kino-compare ko yung pintig dati sa ngayon.. yung skin ko parang nag dry,. yung tummy ko biglang naging mabalbon.. tapos august 15 nagka spot ako once kaya kinabukasan nag decide na ko magpacheck up.. ayun base sa lmp ko 8weeks and 1day, dahil sa irregular ako simula nung nakunan .. aog ni baby 5weeks and 6days with 153bpm

Magbasa pa
2y ago

Tip lang mi, esp if galing sa miscarriage, the earlier na magpacheck, the better. Mas maigi maka take agad ng vitamins, pampakapit pag ganon.

Ganyan na ganyan yung sa ultrasound ko 5weeks ako non. With yolksac lang no embryo pa.. Binigyan lang ako ng vitamins ni OB at pag uwi nagpray lang ako at kumain ng maayos.. Kahit nakakaworry naman talaga.. Think positive lang..at after 2weeks ayun nakita na si baby ko with heartbeat na... Pray ka lang mii at sundin mo si OB.. After 2weeks nyan makikita mo na din si baby😊 too early pa din kasi ang 6weeks

Magbasa pa
VIP Member

Normal pa yan mi. 1st pregnancy ko din miscarriage. Preggy ulit ngayon 20wks na. Nung 6wks utz ko din ganyan din result. After 2wks utz ulit, may heartbeat na. Iwas stress mi. Always think positive. Malaking bagay yung positive mindset kasi kahit gano pa kaliit si baby affected na yan sa nararamdaman mo. Claim it mi. Magiging okay ang lahat ☝🏻🙏🏻

Magbasa pa

same po sakin 6 weeks palang no embryo so no heartbeat of course.. pinabalik ako 1-2 weeks bumalik ako saktong 8 weeks para sure.. and praise God may narinig/nakita ng heartbeat.. super naiyak ako sa sobrang happy . and now 6 months na po tiyan ko . advice ko lng po wag kau magpaka stress at pagod at pinaka the best is to pray...🙏

Magbasa pa
TapFluencer

normal siguro kasi early ko din nalaman na buntis ako pero pinaghintay pa kami till 8 weeks bago mag pa tvu since mataas nga daw ang chance na hindi pa makita si baby and wala pang heartbeat, tinake ko lang tuloy2 yung mga prenatal vitamins and bedrest muna, then pagbalik namin ayun nga healthy ang heartbeat count and size niya

Magbasa pa

Same po sa case ko. 6 weeks po nag pa ultrasound po ako, ganyan din po result. Then sabi ng OB ko masyado pa daw kasi maliit kaya hindi pa mkita kaya recommendation nya another tvu in 8weeks. Pagbalik ko po ng hospital okay na po, nakita na si Baby😊👼 #firstTimeMomHere

Be positive. Isipin at kausapin mo si baby na kumapit lang at wag bibitaw sayo dahil mahal na mahal mo siya. That’s what I did, and thank God i’m 18w now after having miscarriage last april.

6 weeks is developing stage pa lng Po mie, usually mga 8 weeks Po dpt magpatransv. Ang unang check up ko Po was 5 weeks then pinabalik aq sa Ika 8 weeks for transv

2y ago

Okay lang din naman magpa tvs ng maaga mi esp if may budget naman. Para nakikita din if wala naman problem.

me po :) 6weeks nag pa transV po kaso wala pang baby ,bumalik ako ng 8 weeks ,thank God my heartbeat na ,now 13 weeks na po ako ❤️

1st TVS ko (5weeks) may Fetus na pero wala pang heart beat. Pagbalik ko (6weeks and 3days) may hearbeat na po, normal heart rate. 121bpm

2y ago

pareho tayo momshi sakin din 6w2d me heartbeat na lakas lakas pa nakaka tuwa makita ung heartbeat nya ♥️♥️