please enlighten me, suko na ko. ???

Hi, im 25 years old now. Nag simula kami sa nagpakilala syang 18 sya and im 24 that time. Nagka inlove-an kami. Pero nadiscover ko na he's only 14 yrs old and super inlove na ko sakanya that time, he also has a girlfriend that time so i stopped. And then he pursue me, he broke up with his 3yrs ex and niligawan ako. Ginawa nya lahat ng mga bagay na mahihiling nang isang babae sa lalake, yung genuine love ganon na sobrang pinadama nya sakin na may halaga ako, since i came from a tragic past with my ex live in partner. (May baby na kami nung ex ko and yet tanggap nya pa din ako) so past forward ng konti, he became my world.. pero hindi ako tanggap ng pamilya nya. Hanggang sa tumatakas sya sakanila just to be with me, and then napilitan ang pamilya nya na tanggapin ako. And then his family sobrang sama nilegal kami pero pinaramdam sakin/samin na sobrang ayaw nila sa relasyon namin. And dahil nga sa bata sya bumalik sya sa ex nya coz yun yung convenient sakanya. And then after 2weeks binalikan nya ko ulit kase hindi nya kaya laging naghihiwalay kami kase dahil sa pamilya nya and sa hirap ng pagtakas nya and sitwasyon namin sa pamilya nya and then huling nagkablikan kami, he really fight para sa relasyon namin. Super late na like madaling araw tatakas sya makita at makasama lang ako. And then we found out na im almost 2mos preggy pero hindi nya ko iniwan sinuway nya parents nya and ginipit kami, my friend helped us pinatuloy kami sa condo like for 4mos. Nagsama kami tru meron or wala, hindi naman mahirap kase maayos sa condo. Maraming sinabe against sakin family nya like hindi nila kami matatanggap ng bata pero pinaglaban nya kami, hanggang sa hindi na kinaya mag stay sa condo. Kung saan saan kami naghanap ng matutuluyan and napunta kami sa novaliches squatter sobrang layo sa nakasanayan nya, nagkakasakit sya and ginagalis hindi sya sanay kase galing sya sa mayamang pamilya but he tried na magtagal kasama ako don meron o wala masaya kami, hanggang sa hindi na nya kinaya talaga kase halos wala na kami makain hindi ako nakakainom ng vitamins. Awang awa na sya sa sarili nya kase sobrang nakakaawa naman kami dahil garapata ipis langgam mga kasama namin sa pagtulog. Umuwi sya ng madaling araw at walang pasabi sobrang sakit. Iniwan nya ko sa sitwasyon na walang wala. Ngayon kasama na nya pamilya nya and masya sya kase nakabalik na sya sa luho nya and bigla syang naging cold. Nawala yung taong pinaglaban ako at minahal ako. Napagod din sya na ipaglban ako dahil sobrang ginigipit ako ng pamilya nya. There's this house blessing nila kase bago house nila bagong gawa and the family invited his ex and dun pa pinatulog, ginagawa nila lahat for him to regret sa mga bagay na nawala o possible na mawala. Pero he chose to stay sakin, sobrang sama ng loob ko sa pamilya nya. I know mali na mainlove ako sa mas bata sakin pero tao lang ako napamahal at nagmamahalan kami ang di ko lang matanggap bakit may mga tao na sobrang tigas ng puso. Sa ginawa nila na pang ggipit samin tuluyan na kaming naghiwalay. Sobrang sakit im 6mos preggy now. Sobrang depressed na depressed ako hindi ko alam gagawin ko, gusto ko kausapin mama nya pero i dont know where to start. Kung ano sasabihin ko at kung paano ??? sobrang sakit ??

105 Replies

Sumuko ka sa relationship niyo dahil wala namang patutunguhan. Nagkamali ka na sa unang live in partner mo pero di ka pa din ba natuto? Na discover mo ng bata pa siya and yet nagpadala ka pa din sa emotion? Mapapakain ka ba ng pagmamahal? Fine. Nagmahal ka lang, nabulag ka pero girl magising ka na dahil iniwan ka na sa ere. Hindi mo na masasabing kasama mo siya hirap dahil naglaho na nga ng parang bula diba? You have to be strong para sa mga anak mo. One day may lalaking tatanggapin ka at sila ng buo at hindi mo kailangan magmakaawa ng ganyan. Makakabangon ka din. Wag kang sumuko sa life. Mag concentrate ka muna sa sarili mo, sa baby at panganay mo dahil in the end of the day hindi ka nila ipagpapalit sa kahit sino/ano pa man.

Maling mali ka dito sis. Relate ako sa family nung bagets kasi ganyan din kami sa kapatid ko. Bata pa tapos nagsama na sila nung gf nya jusko di na sya nakapag tapos ng pagaaral sinira nya ang buhay nya at naghihirap talaga sya. Di namin sya binibigyan ng tulong para makipaghiwalay na sya sa gf nya at bumalik sya samin, ngayon kawawang kawawa kapatid namin halos di mo na makilala sobrang kapayatan kasi nagasawa agad hays. Sorry sis di sa pagiging matigas puso pero pag pamilya kasi di talaga namin kayang makitang nasisira buhay ng kapatid/Anak namin. Dapat inuna mo nalang yung 1st baby mo kawawa naman yang anak mo imbes sya intindihin mo inuna mo pang lumandi sa bagets kesa alagaan sya. Hays.

VIP Member

Menor de edad mumsh. Child abuse and exploitation pwede ikaso ng magulang sau. Kahit bali baligtarin natin mundo at kahit saang korte makarating wala pang kapasidad ang boylet mo magdecide para sa sarili nya. Kahit sabihin mo na pinili ka niya at sinamahan. Sana nag-isip ka muna bago kayo nagsiping. Intindihin mo na lang ang pinagbubuntis mo at yung isa mo pang anak. Magsumikap ka para sa kanila. Nararamdaman ng baby yung nararamdaman mo. I hope may natutunan ka sa relationship niyo bilang padalawa mo na yan. Ngayon maguguluhan ka pa talaga kaso emotional ka ngayon. Pero ifocus mo sarili mo sa magiging future niyo ng pinagbubuntis mo at ng isa mo pang anak. Keep safe.

Jusko po, ang anak ko going to 14 yrs pa lang pero gusto ko ako muna lahat magdedesisyon sa buhay nya para matupad mga pangarap nya sa buhay. Bilang isang magulang lahat ng makabubuti sa anak gagawin, kahit na mainlove pa siya sa isang tao, kung ndi makakabuti sknya un kokontra ako sa pagiibigan nila. Tska sis mas may isip kna sana inisip mo na ndi ka pa kayang buhayin ng 14 yrs old, ikaw nlng sana nagkusa na lumayo sa relationship nyo at isa pa masyado pang maaga sa batang un na pumasok sa isang serious relationship at mkipagsex. Hays. Alagaan mo nlng sis ang anak mo at buhayin mag isa, magparamdam ka nlng sa tatay nyan kapag nkagraduate na at my work na

Be practical sana.. tinry nya naman magtiis kasama ka pero parehas lang walang mangyayari sa inyo kung itinuloy nyo pa.. ang bata pa nya kailangan pa ng gabay ng magulang kahit cguro sino hindi rin sasang ayon..kung kapatid ko un baka tutol din ako. Kasi imbes na mag aral muna para pagdating ng araw hindi nya maranasan maghirap. Marami naman jan ibang babae, marami pa syang dapat i explore. Alam mo naman na ung tama at mali dapat ikaw na lang naghandle ng maayos kasi ikaw ung mas matured na mag isip, simula ng malaman mo na 14 pa lang pala. Child abuse pa un diba? cguro kung lalaki ang 25 tas babae ang 14,baka kinasuhan na ng magulang.

VIP Member

Aminin natin na minsan kahit alam ntin na mali na pinapasok pa natin kc dun tau nging masaya pero alam nmn natin ung kahiginatnan sa huli kaya payo q sau.. Andyan na ung way pra mag move on isipin mo nlng baby mo blessing yan eh malay mo sya mging daan na matanggap ka nila or ndi nmn eh yan mging way na mging matured ang pagiisip ng pamilya ng lalaki ..masyado syang bata at sya pa lalaki galing pa sa maluhong pamilya.. sabi nga nila d ka bibigyan ng pagsubok ng Diyos ng ndi mo kaya kaya fight girl kaya mo yan pairalin ang isip ndi ang puso..😊🙏🏻👍🏻

I guess, maraming pagsisisihan si guy about sa nangyari sa inyo/sa kanya kapag nagkaisip na talaga siya. Sobrang bata pa niya para sa ganyang bagay. Yan tuloy naging batang ama. Ikaw po na matanda, dapat ikaw mismo nagpapayo sa kanya. Parang mag ate nga lang dapat kayo sa lagay niyong yan. Marami pa siyang pwedeng marating. Sana inisip niyo muna ginawa niyo. Kasi sa mata ng marami, maling mali kayo. Di sukatan ang pagmahahalan para sa magandang kinabukasan. Aanhin mo yung pagmamahalan na meron kayo kung alam niyong gugutumin lang kayo niyan.

VIP Member

Totoo po ba ito? Pasensya na po parang pang tele drama. Grabe po siguro ang sakit pero PLS leave them be. Hayaan mo sia at sila. What do you expect from a 14yr old bou. Sorry Momma. Oo marunong magmahal pero iba ang lalaking marunong magtaguyod. (Opinyon ko po. Pasensya na kung masakit). Hindi ka mahal ng taong yan kung ipagpapalit ka niya para sa convenience nia kahit alam niang may naiwan siang responsibilidad. Ni wala bang suporta pinansyal o anuman? Kung kaya mo umuwi ka muna sa pamilya mo dun ka humugot ng lakas. Manalangin palagi.

I can't blame the parents. Lahat naman gusto ano ang best para sa anak natin. In fact mabait pa nga sila kasi pwede ka nilang ipakulong if they want to kasi 14 years old pa lang ang bata. He's just 14. Nasakanila pa rin authority over your bf. Sana nung nalaman mong 14 pa lang, nilayuan mo na talaga. Kahit yung kapakanan na lang ng bata ang inisip mo kaso nagpabuntis ka pa. 😠 Sana gumamit ka na lang contraceptives iha. May anak ka na sa una e. Ano ba yan. Wait ka muna ng 4 years pa para malegal yung bf mo. Haha. Good luck. Kawawa mama mo sayo.

Trot. Thats child abuse. 😂

Kase alam mo na at the first place na bata yan at ikaw mas matanda sana hndi mo kinonsinte sana ikaw ang nangaral sa kanya na ke bata bata mo pa lumalandi ka na mag tapos ka muna kaya pag aaral...alam mo bata tapos maiinlove ka...isip bata pa yan kase nga kita mo 14??? Child abuse ka. Wala ka magagawa jan lalo pat nasa poder pa ng magulang yan...mag sarili ka nlng tutal 25 ka na pala....its your fault...hndi mo pwede idahilan eh kasw nainlove ka...kahit na 18 pagpapakilala nya sayo still napaka bata ..nakapag tapos na ba? Lol

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles