Just a woman... taking for granted

Hi I just want to share lang po, feeling ko kase need ko ng ilabas po ito, parang sasabog na dibdib ko. dati nung wala pa kong asawa, feeling ko naiintindihan ko yung mga lalake na nangangaliwa (hindi yung lihitimong babaero talaga huh) sabi ko nun, ang relasyon babae ang nagdadala, hindi maghahanap ang lalake kung okay ang partner nila.. hay! yes may ganong reason but not all. mag 15yrs na kame ng partner ko, 2 years ng kasal, 3 yrs old eldest namin when we decided to get married po kase, pinagbigyan ko na maglive in muna kame, iba kase once na makasama na kayo sa bahay e, dun nyun talaga makikita ang ugali ng isa't isa. nung magbf gf kame, mabibilang lang sa daliri ng isang kamay yung nagcelebrate kame, opss hindi pa yata celebrate, kahit batiin ka lang tuwing anniversary nyo. yes nandun na ko, bakit ako magrereklamo kung una palang (magbf/gf) ganon na... akala ko kase kapag kinasal kame iba na e.. kasal un e.. hindi naman po ako materialistic na tao, batiin mo lang ako okay na ko,. kaso wala e, ganon pa rin, syempre bilang babae, hinahanap mo yun, gusto ko na ngang masanay e, kaso hindi pa din e.. nakakapagod lang, sama ng loob., anung gagawin ko, ang sakit lang., inoopen ko naman sa kanya na makiramdam naman sya, minsan lang e ?. kaya ko un kaso pati ba naman yung pagiging nanay ko hindi ko mafeel na naaappreciate nya, yes, mother of two po ako (5 yung eldest, 6months yung bunso) Mother's day last May tapos tumapat na wedding anniversary pa namin. pinapasok ko sa isip ko na kahit wag na kong batiin ng anniversary namin, yung mother's day nalang sana... that day, natapos ang araw wala akong narinig na kahit ano na galing sa kanya (buti nalang yung anak ko binati ako, 5 yrs old lang un huh). ang sakit, 2 na anak namin, hindi naman ako pabayang ina, asawa, pero bakit parang hindi ako maappreciate, batiin man lang sana ako ng asawa ko?? okay naman sya, mabait lalo na sa ibang tao, mas inuuna ang iba kesa sa pamilya nya... mabait syang kaibigan matulungin... sa kaibigan, d nga nya natatanggihan e... pero Samantalang ako, like nung weekend lang sabi ko ibili naman kame ng cake kase 6mos na yung bunso namin, wag na daw, ang init, kakatamad, pero nung gabi may nagyaya lang sa kanya gora na, ang Saya diba?. anung gagawin ko, pinakasalan ko e... puro nalang ako inis, sama ng loob...( sinabi ko naman sa kanya before na malamang kapag ako nadeads na walang sakit isa lang ang sisisihin ko sya lang.) un na nga, hindi lahat ng pangangaliwa ng lalake (except lihitimong babaero) partner nila ang may kasalanan, like sa sitwasyon ko, kung hindi lang nangingibabaw sakin yung pamilya at buong pamilya para sa mga anak ko, bibitiw ako, mapa pagod ako sa pag intindi, kung di ko lalawakan ang isip ko at sarili ko lang iisipin ko wala, sira na... kumakapit ako dahil oo mahal ko asawa ko e at higit sa lahat para sa mga anak ko. hindi ko na iniisip ang sarili ko. isa pa po, working nanay ako, pasalamat nalang wfh ako so naaalagaan ko mga anak ko, kaso yung kahit 1 araw na pahinga lang sana d ko magawa, pag sasabihin ko na napapagod ako, sasabihin nya pang hindi lang ako ang napapagod, sya din. oo nandun na tayo, imbis na magpahinga ka paguwi mo e tatambay ka pa, kung minsan iinom pa (actually everyweek) so lasing ka, tapos kinabukasan may hangover ka, panu pa ko matutulungan. sa pag aalaga sa mga anak ko kaya ko un e, kinakaya ko, duty ko un bilang isang ina.. pero sana maramdaman ko naman na pinahahalagahan din ako... hanggat kaya ko ginagampanan ko pagiging asawa e, kahit di ako marunong magluto nagaaral ako, YouTube, nagluluto ako.? minsan nakakainggit yung mga ina/asawa na nireregaluhan ng mga partner nila, sabi ko nga okay na ko na batiin lang, wala na kong hahanapin.. kase dun alam kong pinahahalagahan din ako?... Thank you, wag po kayong magalit, gusto ko lang I share, wala naman akong mapagsasabihan e...

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

😣Ang lungkot nmn.. true ung sinabi mo.. Hindi tlga perfect mga partner ntin pero Malay mo may tinuturo lng satin si Lord.. tignan n lng ntin sa positive way.. Hindi siya bastos sayo at sa anak mo, d k sinasaktan or minumura, may 2 Kang healthy at sweet n anak 😍 n love n love ka.. Ang hirap Po tlga mging Ina nkakapagod nuh? Minsan gustong gusto mo n lng mag Isa or phinga para makahinga k din, pero dmi mo p gagawin at wla k nmn iba maasahan . . Wag k mag alala d k Po mag Isa pag d mo n kaya Kay Lord k Po mag confide and bbgyan k Niya Ng rest and strength. Pag s knya umasa nag tiwala d k mbibigo marami siyang ituturo sau and tutulungan k Niya n gumaan problem.

Magbasa pa
5y ago

Siguro nga magkaiba yung love language namin. sadyang di nya kayang Iexpress yung feelings nya. sabagay when his grandmom died yr 2012 yata un, dinaan nya lang sa paginom (un kase yung nagaalaga sa kanya) tapos ramdam ko yung bigat yung lungkot nya, kaya nung umuwi kase nun sa kanila, kinausap ko, inaasar ko pa nga e, na sabi ko ilabas nya yung sakit na nararamdaman nya, iiyak nya, ang tagal bago sya napaluha.. un yung 1st time ko nakita na naiyak sya (7yrs na kame nun) pinilit ko pang umiyak