Just a woman... taking for granted

Hi I just want to share lang po, feeling ko kase need ko ng ilabas po ito, parang sasabog na dibdib ko. dati nung wala pa kong asawa, feeling ko naiintindihan ko yung mga lalake na nangangaliwa (hindi yung lihitimong babaero talaga huh) sabi ko nun, ang relasyon babae ang nagdadala, hindi maghahanap ang lalake kung okay ang partner nila.. hay! yes may ganong reason but not all. mag 15yrs na kame ng partner ko, 2 years ng kasal, 3 yrs old eldest namin when we decided to get married po kase, pinagbigyan ko na maglive in muna kame, iba kase once na makasama na kayo sa bahay e, dun nyun talaga makikita ang ugali ng isa't isa. nung magbf gf kame, mabibilang lang sa daliri ng isang kamay yung nagcelebrate kame, opss hindi pa yata celebrate, kahit batiin ka lang tuwing anniversary nyo. yes nandun na ko, bakit ako magrereklamo kung una palang (magbf/gf) ganon na... akala ko kase kapag kinasal kame iba na e.. kasal un e.. hindi naman po ako materialistic na tao, batiin mo lang ako okay na ko,. kaso wala e, ganon pa rin, syempre bilang babae, hinahanap mo yun, gusto ko na ngang masanay e, kaso hindi pa din e.. nakakapagod lang, sama ng loob., anung gagawin ko, ang sakit lang., inoopen ko naman sa kanya na makiramdam naman sya, minsan lang e ?. kaya ko un kaso pati ba naman yung pagiging nanay ko hindi ko mafeel na naaappreciate nya, yes, mother of two po ako (5 yung eldest, 6months yung bunso) Mother's day last May tapos tumapat na wedding anniversary pa namin. pinapasok ko sa isip ko na kahit wag na kong batiin ng anniversary namin, yung mother's day nalang sana... that day, natapos ang araw wala akong narinig na kahit ano na galing sa kanya (buti nalang yung anak ko binati ako, 5 yrs old lang un huh). ang sakit, 2 na anak namin, hindi naman ako pabayang ina, asawa, pero bakit parang hindi ako maappreciate, batiin man lang sana ako ng asawa ko?? okay naman sya, mabait lalo na sa ibang tao, mas inuuna ang iba kesa sa pamilya nya... mabait syang kaibigan matulungin... sa kaibigan, d nga nya natatanggihan e... pero Samantalang ako, like nung weekend lang sabi ko ibili naman kame ng cake kase 6mos na yung bunso namin, wag na daw, ang init, kakatamad, pero nung gabi may nagyaya lang sa kanya gora na, ang Saya diba?. anung gagawin ko, pinakasalan ko e... puro nalang ako inis, sama ng loob...( sinabi ko naman sa kanya before na malamang kapag ako nadeads na walang sakit isa lang ang sisisihin ko sya lang.) un na nga, hindi lahat ng pangangaliwa ng lalake (except lihitimong babaero) partner nila ang may kasalanan, like sa sitwasyon ko, kung hindi lang nangingibabaw sakin yung pamilya at buong pamilya para sa mga anak ko, bibitiw ako, mapa pagod ako sa pag intindi, kung di ko lalawakan ang isip ko at sarili ko lang iisipin ko wala, sira na... kumakapit ako dahil oo mahal ko asawa ko e at higit sa lahat para sa mga anak ko. hindi ko na iniisip ang sarili ko. isa pa po, working nanay ako, pasalamat nalang wfh ako so naaalagaan ko mga anak ko, kaso yung kahit 1 araw na pahinga lang sana d ko magawa, pag sasabihin ko na napapagod ako, sasabihin nya pang hindi lang ako ang napapagod, sya din. oo nandun na tayo, imbis na magpahinga ka paguwi mo e tatambay ka pa, kung minsan iinom pa (actually everyweek) so lasing ka, tapos kinabukasan may hangover ka, panu pa ko matutulungan. sa pag aalaga sa mga anak ko kaya ko un e, kinakaya ko, duty ko un bilang isang ina.. pero sana maramdaman ko naman na pinahahalagahan din ako... hanggat kaya ko ginagampanan ko pagiging asawa e, kahit di ako marunong magluto nagaaral ako, YouTube, nagluluto ako.? minsan nakakainggit yung mga ina/asawa na nireregaluhan ng mga partner nila, sabi ko nga okay na ko na batiin lang, wala na kong hahanapin.. kase dun alam kong pinahahalagahan din ako?... Thank you, wag po kayong magalit, gusto ko lang I share, wala naman akong mapagsasabihan e...

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, lahat tayo gusto ng buong family. For me, I think you are trying to do your part. Tntry mo makipag communicate sa kanya pero he is so insensitive. Sa panahon ngayon, hindi na laging "gusto ko ng buong pamilya", minsan isipin mo rin worth mo. Lalo na if may anak kang babae. Syempre ang magiging standard ng anak nyong babae sa lalaki, is yung tatay nya. If hindi nya nakikita na binibigyang halaga ka ng tatay nya, iisipin nyang okay lang yun. Iisipin nyang okay lang magtiis, magsettle for less atleast buo ang family. But still, sa dami ng iba pang problema isa to sa manageable pa. Keep on reaching out your partner and also, have a positive outlook in life. Be strong kasi ikaw ang role model ng mga anak nyo. Always pray. Ask for peace of mind and His guidance towards sa relationship nyong mag asawa. It will work mommy. Maaayos pa yan.

Magbasa pa
4y ago

and also pray for your hubby's improvements - yung mga bagay na gusto mo sana. Masarap din sa feeling yung inaalagaan πŸ™‚

😣Ang lungkot nmn.. true ung sinabi mo.. Hindi tlga perfect mga partner ntin pero Malay mo may tinuturo lng satin si Lord.. tignan n lng ntin sa positive way.. Hindi siya bastos sayo at sa anak mo, d k sinasaktan or minumura, may 2 Kang healthy at sweet n anak 😍 n love n love ka.. Ang hirap Po tlga mging Ina nkakapagod nuh? Minsan gustong gusto mo n lng mag Isa or phinga para makahinga k din, pero dmi mo p gagawin at wla k nmn iba maasahan . . Wag k mag alala d k Po mag Isa pag d mo n kaya Kay Lord k Po mag confide and bbgyan k Niya Ng rest and strength. Pag s knya umasa nag tiwala d k mbibigo marami siyang ituturo sau and tutulungan k Niya n gumaan problem.

Magbasa pa
4y ago

Siguro nga magkaiba yung love language namin. sadyang di nya kayang Iexpress yung feelings nya. sabagay when his grandmom died yr 2012 yata un, dinaan nya lang sa paginom (un kase yung nagaalaga sa kanya) tapos ramdam ko yung bigat yung lungkot nya, kaya nung umuwi kase nun sa kanila, kinausap ko, inaasar ko pa nga e, na sabi ko ilabas nya yung sakit na nararamdaman nya, iiyak nya, ang tagal bago sya napaluha.. un yung 1st time ko nakita na naiyak sya (7yrs na kame nun) pinilit ko pang umiyak

VIP Member

same here.... ganyan siguro talaga, may mga lalake na hindi sweet at di nagpapakita ng emosyon sa asawa, oo nakaka inis kasi parang di ka inaappreciate bilang kabiyak nya, lagi kasi tayong nag e expect ng regalo at sweet words mula sa asawa natin... hinahayaan ko nalang kahit inggit na inggit din ako sa iba. wala akong magagawa.. ASAWA KO NA TO EH ang importante nalang sakin di sya magpabaya sa pagkain namin at needs namin ni baby, ok na yun! bahala siya... buti nalang may family ako at friends, sila nalang kinakausap ko kesa magpaka depress sa asawa πŸ˜…

Magbasa pa
4y ago

oo keep your married life & problems private... basta wag magpaka depress momshie 😊 isipin mo may ibang tao pa na nagmamahal sayo 😊 kung pwede lang mamasyal oara malibang din konti eh... hmm

Momshie dapat sbihin mo sa kanya ang feelings mo sa nangyayari.mag open ka sa kanya.mahirap n sarilinin mo ang mga ng yayari.always remember this the success of marriage is give and take. Sa pagsasama indi puede isa ang nag sacrifice at isa ang ng benefit you earn and create a happy and peaceful marriage/family by both of you will sacrifice and both of you are beneficiary of all of this bcoz you and husband are one. God blessed

Magbasa pa
4y ago

yes po, sinasabi ko naman s kanya kaso minsan parang nakikipagusap lang ako sa hangin. basta mailabas ko din po sa kanya yung hinanaing ko, sakit kase sa dibdib e.

I'll pray po para sa hubby nyo mommy na sana MA appreciate lahat ginagawa nyo sa marriage at family nyo.. 😒I feel pity in you po. DarAting din araw mommy makita din nya Yan.. Mabuti nalang your blessed with your lovely kids. Keep going mommy.. ❀️❀️❀️

4y ago

thank you. and hoping po ako one day, siguro nakikita naman nya yung ginagawa ko pero di nya kaya o I pakita yung appreciation... sadyang may ganong lalaki siguro. ka inggit lang talaga minsan yung mga wifey na may supportive hubby...

Same tayo ng situation momshie