PT share ko lang experience ko...?

I Just wanna share.. ung monthly ka nag aabang kung magkakamenst ka pa ba o hindi.. tapos magtry ka mag pt ang result negative ???.. ung gustong gusto nio ng magkababy pero wala..ung matagal na kayo nagsasama pero di kayo magkaanak.. nabiyayaan ka ng isang beses pero nakunan ka ung pagdating sa hospital sasabihin ni doc sorry wala na.. parang nagunaw ung mundo nmin mag asawa. nasa point na ko na nadedepressed na ko.. ung hubby ko monthly nagaantay ng result.. may times pa na hihimas himasin ung tummy mo khit wala nmang laman.. may moment din na pag nag grocery kami..dumadaan si hubby sa diaper section tapos magbibiro na kunwari kukuha sya ng diaper tapos tatawa na lang kmi pero deep inside masakit kasi wala naman kaming baby.. going to 34 na si hubby ako nman going to 29 this year. May minsan pa na nangangarap sya na ung anak nmin kasama na nmin sa kotse tuwing aalis kmi... tanging shitzu na lang ung naging baby nmin.. masaya nman kaming nagsasama pero alam nmin na may kulang samin.. Kaya sa mga girls jan na nabibiyayaan mag kaanak alagaan nio po..wag nio po ipaabort o ipaampon.. di lahat kasing swerte nio na mabibigyan ng anak.. I know God has a purpose.. By the way nag PT ulit ako today morning when i wake up..and still negative..??

PT share ko lang experience ko...?
144 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh. Alam mo po ganyan din kami ng hubby ko dati. Tagal narin naming naghihintay 😥 Minsan narin kaming nabiyayaan pero that time wala pa kasi akong kaalam alam sa pagbubuntis kaya nawala sya samin. Tapos ganyan rin kame kinikiss nya tiyan ko kasi akala nya buntis ako. Nakakaiyak kasi alam ko sa sarili ko na wala naman talaga. Nagbibiruan lang kame. Pero alam mo mommy? Di kami sumuko. NAGDADASAL KAMI LAGI NA SANA BIGYAN NA KAMI NG ISANG ANGHEL 💓 At yun na nga mamsh. 12weeks nako ngayon 😇 Thanks to god.. 🙏 Wag kayo mawawalan ng pag asa. May plano si god 😇 Pray lang mamsh.

Magbasa pa
6y ago

Tiwala lang kay god 😇