144 Replies
Kami rin sis mga almost 2yrs din kmi ng antay,,minsan nga na ppresure na din ako ksi gustong gusto na din tlga namin..ngpa consult din kmi sa doctor..ngbgy ng vitamins both kmi vitamins e at folic acid ska pang ovulation medicine ittake mu ito sa 2nd day ng menstruation mo..ska sympre pray din kmi now biniyayaan n kmi 8weeks pregnant na ako😊 kaya hayaan mu sis wag mu msyadong isipn pati si husband mo ksi kmi ganun eh nung hinayaan n nmin ito..pregnant na😊😊
Ganyan na ganyan ako sis.. Nakunan din ako dati, ung saya nmen nalaman ko na preggy ako pero ilang araw lang kinuha din agad.. ,tapos kapag naggrocery kame ni hubby kapag nakita nia ang diaper ssbhin sa susunod bibili din kame nian, tatawa tawa lang ako pero alam ko sa loob masakit.. Pero ito after 6months preggy na ko ulit,18weeks&6days na ko ngayon.. tiwala lang sis, pray lang ng pray ibibigay din yan sau 😊😊goodluck sau sis wag ka mawalan ng pag asa..
Cge sis thanks sa advice.. huh.. gawin ko yan
Hi Sis, kami ng partner ko nagpunta ng Cebu sa Simala Church Hindi ko naman sukat akalain na buntis na ko nun grabe kapag talaga naniwala ka at nanampalataya sa kanya talagang magbubunga lahat ng mga prayers mo. :) BTW tga Obando Bulacan dn ako at minsan sinama ko si partner ko para makisaya at makipiyesta... Have faith d ka nya papabayaan, at pag dumating yung panahon n yun worth the wait talaga. :) Just keep on praying and praising God. ❤❤❤
Thank you sis
Hi sis, cheer up , wag ka po malungkot, ganyan rin po kami ni hubby, hindi rin natuloy ang baby namin nun nov 2018, now po I'm 34 yrs old and 20weeks preggy na 😊. My adv is lagi ka mag pray kasi baka may reason si God bakit hindi natuloy si baby mo noon. Then 2nd visit your OB again, if you are in manila I recommend Capitol Medical center and look for Dra. Mallari, sya OB ko, she helped me pano ulit mabuntis.Good luck and take care po😊
God bless and good luck po sa pagbuo ng family nyo. 🙂
Twice din ako nakunan mommy july 2018 at march 2019 taz nitong july 2019 lng nabuntis ako ulit, kapapanganak ko lng last week. 29 years old narin po ako ngayon, bata ka pa naman, ang high risk pregnancy is pag 35 years old above na. Maghintay ka lng po ng tamang time, kasi ganyan din ako nun worried ako sa age ko. Pray ka lng po ang be positive always. Wag mawalan ng pag asa at iwas po sa stress. Nakakaapekto din po un sa fertility. Godbless po mommy 🤗
Thanks mamsh.. oo nga cguro di pa tlga time..
I feel you sis..monthly din akong ganyan..lahat ng symptoms nga na maaring buntis ako monthly iniisip ko..pagsore ng breast,pag cramps ng lower abdomen, pagkahilo and etc. Pero sa isip ko lang pala yun, at naiistressd ako every month about sa kailangan buntis ako..delayed lagi mens ko. At pag nagPT ako negative and the day after magkakaron nako..🥺😭😭😭Sadness, but lets keep our faith on him..bibigyan din nya tayo😊🙏🙏🙏 God bless
Wala nga sis..pag ok na saka ako papacheck up uli..mahirap din kasi makipagsapalaran sa labas ngayon..wala din siya ngayon. Kaya miracle na lang talaga pag ako peggy sis😊
Hi Ms. Lalaine. In God's perfect timing darating po yan. Kami ng fiancée ko, we have awaited more than one year to become pregnant. Napakataas ng pananampalataya namin noon until now. Then we do calendar method din tapos it comes out positive na ako after a deep prayer. Basta wag mawawalan ng pag asa. Tiwala lang kay God. Ibibigay niya yan. Be healthy lang kayo lagi at iwas stress. Ngayon Im 20 weeks and 4 days pregnant na po.
Congrats ... thank.you sis.. oo nga di ko na rin aabangan... hehe
12days late na ko kinakabahan ako kasi magagalit byenan ko pag nabuntis ako ulit kasi namatay ung first baby ko nungnov ako nanganak hindi naman kami nagrerelease ni hubby sa loob, posible pa rin kaya mabuntis kahit puro sa labas kami nagrerelease ng asawa ko? sobrang kabang kaba kasi ngayon dahil nga 4months palang ako nakakapanganak, hindi naman ako makapagpt dahil covid di kami makalabas ng mister ko hindi din makapagutos.
Anong app ginagamit mo sis??
I know the feeling sis kasi napagdaanan ko din yan. From monthly nag-pt na negative to postive nga nakunan naman ako. Take care of yourself, huwag masyado pastress kasi nakakaapekto din and always pray. Ilift niyo lahat kay Lord, siya nakakaalam kung ano ang tamang panahon para sa inyo. Ienjoy ninyo ang isa’t-isa habang dalawa pa lang kayo. Pag dumating na siya, lahat ng oras niyo nakalaan sa kanya. God bless you.
After miscarriage, may ob nag-advise sa akin to take folic acid.
Although di naman kami nahirapan ni hubby, mas maganda din if magiging physycally fit kayo pareho. We started going to the gym two months bago ko nabuntis. Sobrang nakatulong yung exercise and healthy diet lalo na if sabay kayo 😁 30 ako momsh while my husband is going 32. First baby din namin ang happy na fit kami dalawa, di naging mahirap saka di na ko nakunan unlike last year na unhealthy si hubby.
Thank you sis..
Lalaine Caro