What's th ebest decision?

I tell you the real story behind my pregnancy.. I hope wag nyo ko muna e judge at e bash.. Ito po ang main reason po, yung boyfriend ko nabuntis nya ex nya (nauna po ex nya saken) Di pa namin alam na nabuntis nya pala ex nya.. Nung kami na , as other couples do we experienced sex, he was my first and at the time goes by nag bunga yung di namen enexpect.. Stressed at depressed po sya ngayon kase 2 na kaming buntis ng ex nya.. At sabi pa nya at kilala ko naman ang family nya kase ka sosyo ng parents ko ang ama nya sa business namen. "Baka daw mamatay ang ina nya pag nalaman to".. Gumagawa talaga sya ng paraan para mawala baby namen ? gustong gusto nya po na mawala muna kase, dami pa nga kmi dapat unahin specially sa pagkamit ng mga pangarap ko at pangarap nya. At dami pa po na main reasons po.. Pero, saken po I want to pursue it pero natatakot po ako sa disappointments at sasabihin ng parents ko at mga tita's na tumolong saken sa pag aaral ko, nakatapos na po ng college po, bago lang po ako naka grad.. Hope po maiintindihan nyo po ako. at need ko po advice

85 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nagpositive pla pt mo beh...Mahirap tlaga sabihin yan sa parents... Kasi ako dati din napagdaanan namin ung part na kailangan namin aminin na buntis ako.... sobrang hirap tlaga pero nung nalaman nila nung cnabi na namin...para akong nakahinga ng maluwag...Pero syempre nagalit din sila... Yung papa ko nga nun nagwala pa sya kc cnakto ko tlaga na sabihin nung nandto na sya OFW kc parehas magulang ko and may fam na din sila parehas... Bale Broken Fam kami... Nagalit mga tita't tito, mama ko papa ko pero yung lola ko kalmado lang (sya yung nagpalaki samin)... Ang dami nilang sinabing masasakit na salita pero d na ako sumasagot sa kanila nun... Kaya pag umamin ka hayaan mo lng sila magsalita ng magsalita kahit masakit tiisin mo... Kasi pag humupa nmn na yung galit nila susuportahan ka pa rin nmn nila and after all graduate ka na din naman po... Syaka mamahalin din nila yang baby na yan kasi apo nila yan lalo na pag lumabas na si baby... Yung tipong galit na galit sila sayo dahil nabuntis ka mawawala yun pag nandyan na si baby... :) think positive lng syaka nasa bf mo nmn yan kung cno yung aalagaan nya sa inyo eh... kung iwan ka tandaan mo lagi nandyan parents mo... d ka nyan iiwan...

Magbasa pa
6y ago

Im proud to his ex, she's strong enough to face the consequences without the father. Who knows? Baka sinabihan din sya ng boyfriend mo na ipaglaglag ang baby. Kung sayo nga na gurlfriend nya, sinabe nya, sa ex pa kaya? Baka kaya hindi na nag paparamdam yung ex nya. Once kase na sinabe ng ama ng anak mo, na ipaglaglag ang magiging anak nyo, alam mo na dapat sa sarili mo kung anong klaseng lalake yan. Opinion ko lang naman to mamsh. Mag isip isip ka, hindi porket sinabe na ikaw ang mahal, ikaw na talaga. Lalake yan. Four months ng preggy yung ex nya? Gano na ba kayo katagal? Worst baka pinagsabay pa kayo nyan