What's th ebest decision?

I tell you the real story behind my pregnancy.. I hope wag nyo ko muna e judge at e bash.. Ito po ang main reason po, yung boyfriend ko nabuntis nya ex nya (nauna po ex nya saken) Di pa namin alam na nabuntis nya pala ex nya.. Nung kami na , as other couples do we experienced sex, he was my first and at the time goes by nag bunga yung di namen enexpect.. Stressed at depressed po sya ngayon kase 2 na kaming buntis ng ex nya.. At sabi pa nya at kilala ko naman ang family nya kase ka sosyo ng parents ko ang ama nya sa business namen. "Baka daw mamatay ang ina nya pag nalaman to".. Gumagawa talaga sya ng paraan para mawala baby namen ? gustong gusto nya po na mawala muna kase, dami pa nga kmi dapat unahin specially sa pagkamit ng mga pangarap ko at pangarap nya. At dami pa po na main reasons po.. Pero, saken po I want to pursue it pero natatakot po ako sa disappointments at sasabihin ng parents ko at mga tita's na tumolong saken sa pag aaral ko, nakatapos na po ng college po, bago lang po ako naka grad.. Hope po maiintindihan nyo po ako. at need ko po advice

85 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same here... Kakagraduate ko lang din.. Tapos almost 7 months na yung nalaman ng parents ko.. At first nagalit ung mama ko, ung papa ko nadissappoint kasi panganay ako ah, panganay din na apo s side ng papa ko..sobrang dissapointed sila sa akin.. Pero ano daw magagawa nila. Pamilya nila ako sino tatanggap sa akin kundi sarili kong pamilya.. Ung papa ko super supportive sa akin ngayon.. Tapos ung mama ko din.. Ung bf ko nagcheat sa akin nung 4 months na.. Nalaman ko na may karelasyon say na iba na halos 8 months na Sila thankful pa rin ako kasi pinili my kami ni baby though pinapili Nya ako kung itutuloy ba namin o Hindi I decide na ituloy.. Tapos lately nalaman ko na may muntik nalg mangyari sa kanila ..nagalit ako at the same time I'm happy kasi Di natuloy kung nagkataon pareho kaming buntis ng ex nya.. I know na martyr ako pero wala eh Mahal ko kaya tinanggap ko at ayaw Kong mawalan ng ama ang anak ko. Right now we're happy.. Naghahanap started ng work tapos excited na sa paglabas ni baby.. Kaya sis ipagpatuloy mo yung pagbubuntis mo kasi blessing yan.. Ako kasi kahit na muntikan na kami maghiwalay dahil sa babae priniority ko kung ano ang mas makakabuti sa baby ko. Isipin mo anak mo m. Walang kamuwang muwang tapos gusto mong mawala.. Payo ko sis. Be strong at magpray ka Kay God hingi ka ng guidance He will help you like He did to me.. Kung di ka panagutan at least may family ka. Your family will be disappointed but then they loved and cherished you..you can do it.. Tanggapin Mo langsasabihin nila deserved moyun.. After you give birth at Kaya mo na Mag work ka.. Ganun yung plan ko para kahit papano maibsan ung sama ng loob nila sa akin.. Kaya mo yan.. Feel free to talk to me

Magbasa pa