Gusto ko na magka-baby at nalulungkot ako kapag may nakikita akong baby and preggy
I need your best advice pretty Mommies! ? Hello po mga Momsh! ? 2nd year college na ako and 21years old pero gusto ko na magka-baby kami ni boyfie. Hindi ako mamotivate, mainspired at hindi supportive mama ko sa ginagawa ko kahit na ang taas ng grades ko. ? Pero mga ate ko sinasabi nila at pinapakita nila na sobrang proud sila sa akin. Simula kasi nung bata ako papa ko kasama ko sa school at kahit sa anong activity never ako sinamahan ng Mama ko kaso namatay na rin si Papa 11years ago. Sa ngayon ang dahilan kung bakit gusto ko na magkababy kami ni boyfie dahil doon may panghuhugutan ako ng lakas at mamotivate ako makatapos sa pag-aaral atleast kay baby masaya ako, makita ko lang si baby mawala na pagod ko. Tinatamad na rin kasi ako mag-aral lalo na I am emotionally tired simula nawala papa ko. Tinutuloy ko lang kasi hinihintay ko marinig yung sabihin ni Mama "Wow! Ang galing mo ah." Kaso wala eh dedma. ?? Simula kasi nung nawala sya pakiramdam ko down na down ako kahit na alam ko na nandyan naman mga ate ko. Lalo na ngayon nalaman ko pa na hinihintay lang ako grumaduate ng mama ko tapos bubukod na sila ng step father ko. Never namin tinawag na papa yung step father ko. Lalo na ako Papa's girl kahit nagkakasakit ako hanggang ngayon mukhang bibig ko "papa sana kasama nalang kita." Gusto ko nalang pagtuunan ng pansin kung magka-baby man kami, gusto ko na mawala tong kalungkutan na to.