Patulong po
Hello po, I'm 18yrs old and 2months pregnant. Hindi pa kasi alam ng papa ko na buntis ako and wala na po akong mama na mapagsasabihan namatay na po simula 4yrs old po ako. Patulong po pano ko po sasabihin natatakot po kasi ako. #1stimemom #pregnancy #advicepls #pleasehelp
Share ko lang experience ko, yung parents ko sobrang strict lalo na papa ko pero 19 ako nitong nabuntis ako takot na takot din akong magsabi non. Kahit gusto ko pero parang pinapangunahan ako ng takot at kaba hanggang sa umabot pa ng 6months yung tiyan ko ang galing lang kasi 6months na pero hindi malaki tignan tiyan ko at lumaki lang bigla nung nakaman na nila Papa, hindi pa sana nila malalaman kung hindi nakita ng ate ko yung milk for pregnant na nakuha ko galing sa pinag che check up-an ko. Ayun nalaman nila mama at papa pero iba yung reaksyon nila sa inaasahan ko. Hindi sila nagalit, ni sermon hindi nila nagawa sa'kin, mas nag alala pa sila kasi late ko na nasabi at baka mapano pa raw ako kasi nag lalaba at nag kikikilos pa ako sa bahay non. Maniwala ka hanggat maaga pa mag sabi kana sa Papa mo siya rin makakatulong sa'yo, basta kung sakaling nag aaral ka tuloy mo lang 💖
Magbasa paMalalaman at malalaman ng papa mo yan.. Kasi yan ang sekreto di mo malilihim lumalaki tyan mo eh.. Bago pa niya mahalata unahan mo na sabihin.. Oo magagalit siya pero matatanggap niya yan.. Apo niya yan e.. At maiintindihan ka niya lalo na wala kang mama🥺 basta pangako mo sakanya na aalagaan mo mabuti baby mo at kung nag aaral ka pa.. Pagpapatuloy mo pag aaral mo.. At isa pa asan na yung nakabuntis sayo? Iharap mo din kay pader
Magbasa paIkaw lang nakakakilala sa father mo. Siguro itaon mo nalang na good mood cia. Kasi girl there’s no easy way to say that. Kahit mag pa party ka pa bago mo sabihin if magagalit tatay mo. Magagalit yan. Better get it over with. Para mabilis din cia maka get over.
sabihin mo po sa papa mo kc karapatan ng papa mo na malaman yn....mahirap pong nagtatago sa magulang ..oo iniisip natin ma magagalit cla pero ung galit nila pangsandalian lng yan kc ank ka nya ...
Di ko alam kung ano diskarte mo jan kasi malamang baka magalit lang din yan kahit ano pa way ng pagsabi mo. Pero halos lahat naman din natitiis ang anak. Sa una lang yan magagalit, importante kasi guidance ng parents lalo na at medyo bata ka pa nabuntis.