Gusto ko na magka-baby at nalulungkot ako kapag may nakikita akong baby and preggy
I need your best advice pretty Mommies! ? Hello po mga Momsh! ? 2nd year college na ako and 21years old pero gusto ko na magka-baby kami ni boyfie. Hindi ako mamotivate, mainspired at hindi supportive mama ko sa ginagawa ko kahit na ang taas ng grades ko. ? Pero mga ate ko sinasabi nila at pinapakita nila na sobrang proud sila sa akin. Simula kasi nung bata ako papa ko kasama ko sa school at kahit sa anong activity never ako sinamahan ng Mama ko kaso namatay na rin si Papa 11years ago. Sa ngayon ang dahilan kung bakit gusto ko na magkababy kami ni boyfie dahil doon may panghuhugutan ako ng lakas at mamotivate ako makatapos sa pag-aaral atleast kay baby masaya ako, makita ko lang si baby mawala na pagod ko. Tinatamad na rin kasi ako mag-aral lalo na I am emotionally tired simula nawala papa ko. Tinutuloy ko lang kasi hinihintay ko marinig yung sabihin ni Mama "Wow! Ang galing mo ah." Kaso wala eh dedma. ?? Simula kasi nung nawala sya pakiramdam ko down na down ako kahit na alam ko na nandyan naman mga ate ko. Lalo na ngayon nalaman ko pa na hinihintay lang ako grumaduate ng mama ko tapos bubukod na sila ng step father ko. Never namin tinawag na papa yung step father ko. Lalo na ako Papa's girl kahit nagkakasakit ako hanggang ngayon mukhang bibig ko "papa sana kasama nalang kita." Gusto ko nalang pagtuunan ng pansin kung magka-baby man kami, gusto ko na mawala tong kalungkutan na to.
Hi sis! Naiintindihan ko sitwasyon mo ngaun. Alam kong mahirap pra sau lalo na sa mama mo na hndi mo fully nararamdaman ung pagmamahal at suporta sau. Gnyan din ako nung ako ay nag aaral actually 3rdyear lang natapos ko dhil sa kadahilanan na nagrebelde ako dhil nga sa family problem lalo na sa mama ko. Masyado kasing strict ang mama ko lalo na kapag may nagsusumbong lang sknya na kapit bhay nmin na may ksama akong lalaki tlgang bugbog abot ko saknya na halos ikamatay ko na lahat bwat pangbubugbog nya actually hndi alam ng papa ko yan date dhil plagi nsa work ang papa ko. Same tau sis im a papa's girl din dhil sknya ko lng nakita ang pagmamahal at suporta na gusto ko din hanapin sa mama ko. Mahirap din naging kalagayan nmin sa puder ng mama nmin dhil tatlong babae kami at isang lalaki. Pero niisa samin tlga wlang nkapagtapos ng pag aaral dhil same din na nagrerebelde. Hanggang sa nabuntis na yung ate kong panganay nagbago ang lahat at napansin ko rin na pti si mama nagbago simula nung lumabas na baby ng ate ko. Hanggang sa nabuntis ulit ate kong panganay actually dlwa na anak nya ngaun at hanggang sa ung isa ko nmng kapatid na babaeng sumunod ang nabuntis at nung lumabas na din baby nya mas nakikita ko habang tumatagal nagbabago na ang mama ko. Mas naging concern at maalalahanin na sya at tlagang pinapakita nya na saamin kng gaano nya tlga kmi kamahal at kaimportante kmi sknya, dun nmin naramdaman sa punto na kapag nagkakasakit na kmi ang mama nmin hndi natigil magturo saamin kng paano alagaan ang mga srili nmin. Plaging nangangamusta tumatawag saamin kse syempre bukod bukod na kmi ngaun. Hanggang sa nabuntis na din ako ngaun 10weeks 😊 tinuturuan na nya ako kng paano maging healthy at maayos ang paglabas ni baby. Kaya ngaun okay na kmi magpapamilya kaso nga lang watak watak nmn kmi dhil may kanya knya ndin pamilya. Yun yung lesson learn namin ngaun at narealize na siguro kya nging ganun saamin mama nmin dhil pasaway din kaming mga anak. maiintindihan mo din siguro mama mo sis kpag dumating sa punto na naging isang ina kadin. Kse dun mo na maiisip kya pla gnun sakin si mama kse may kasalanan at mali rin akong nagagawa nuon kya ganun. Makikita mo din po yn kpag ikw ay naging isang ina at tumatayo na lahat sa mga responsibilidad. Siguro ung sau sis need mo lng antayin na magbago ang mama mo lalo na kapag nagkababy kana. Mahirap ang magtanim ng sama ng loob sa magulang lalo nat hndi ntin alam na meron na pla taung maling nagawa saknila. Totoo ung kasabihan na kapag may ginawa kng hndi maganda sa magulang mo. gagawin din at ipaparanas din sau ng anak mo. Kaya ngaun palang sis sana gawin mo nlang always pray at magtiwala kay god na magbago mama mo sau kasi wlang imposible pagdting kay god. Kayang kaya nyang gawin yan kung magtitiwala ka lang sa kakayahan nya. Gnyn na ganyan ang ginawa ko nuon pray lang ako na pukawin ng panginoon ang puso ng mama ko pra magbgo at marealize nya din lahat ng pagkakamali nyang nagawa skin pero ngaun tignan mo nmn sis binigay nya ung matagal ko ng hiling sknya. Pero mas mahalaga ung humingi din tau ng tawad kay lord ksi alam nting hndi tau perpekto, nagkakamali at nagkakasala din tau sknya lalo na sa mga magulang natin. Mahalaga prin un pra mas lalo nya tayong tulungan sa lahat ng mga problema at karanasan na hndi maganda lalo na sau ngaun sis. Magtiwala ka lang sknya kng gsto mo na magkababy sis. Gnyan din ginawa ko almost 3yrs kming nag antay ng asawa ko dhil hirap akong magbuntis dhil irregular ako pero sa awa nmn ng diyos binigyan nya kmi ng blessing😊 at di tlga ako makapaniwala hanggang ngaun. Worth it tlga ang lahat ng pagdarasal ko sknya 😊 lagi nyang pinakikinggan ang panalangin ko😊kya mas lalo akong lumalakas at nagkakaroon ng pag asa. Gnun lang gwin mo sis👍 prayer lang ang makakatulong sau ngaun magtiwala ka at wag kang mawalan ng pag asa. Ibibigay nya din yan sau bsta wag ka lang madidismaya👍 ipagppray din kita na maging maayos na kau ng mama mo😊 katulad saamin.
Magbasa paLammo sis, continue your study first. Mas maganda ang nakatapos para kapag may baby kana hindi ka mahihirapan na maghanap ng work. I am 22 yrs old with a 3mos old baby girl. Six mos right after akong makagraduate nabuntis ako then while pregnant nagwowork parin ako pero inistop ko rin nung medyo nagselan ako. And as of now, ang challenging para sa akin yung naka-stay lang sa bahay esp. sa partner ko lang yung source of income naming tatlo. Yes, masarap sa feeling yung may baby ka. Super sarap! Pero later on, maiisip mo yung future niya eh. Ako, palaging nasa isip ko gusto kong makaipon for her future. Kaya ang laki ng advantage kapag tapos ka sa pag-aaral kasi anytime na gusto mong magwork ulit, hindi na ganun kahirap maghanap ng work for you kasi nga may tinapos ka. Gawin mong inspiration yung baby mo kahit wala pa siya sayo pati sa mga kapatid mo, sila yung kunan mo ng lakas para magpatuloy sa buhay 😊
Magbasa paAng tanong dyan. Ikaw ba nagpapaaral sa sarili mo? Self support ka lang ba sa pag aaral mo? Yung bf mo may trabaho na ba? Kaya mo na ba buhayin sarili mo or kaya ka na ba bihayin ng bf mo? Hind ka na ba umaasa sa mga magulang mo? Pagnakababy ka na kaya mo na ba sya buhayin? Kaya na ba kayo buhayin ng bf mo? Baka hihingi ka pa sa nanay mo ng panggatas pag nagkaanak ka na? Kasi kung kaya mo na buhayin sarili mo at di ka naumaasa sa ibang tao para makapagtapos ka ng paaral at hndi mo na rin plano manghingi sa mga magulang mo pagnakababy ka. Then go mag anak na kayo. Pero kung hindk nyo pa kaya buhayin mga sarili nyo. Nku mag isip kang mabuti. Baka wla ka maipakain sa anak mo or baka di ka makapagtapos ng pag aaral mo. Di madali ang buhah ngayon. Mag isip kang mabuti.
Magbasa paHi po. If ako po sa posisyon nyo tatapusin ko muna ang schooling ko pra sure na may ipoprovide ako sa baby ko. You're 21 pa lang naman and currently studying pa. Don't be sad and don't compare yourself sa siblings mo, nevermind mo po lahat ng negative sa mind mo and keep pursuing your studies. Yan po yung gawin nyong motivation,yung di ka napapansin ng mama mo,yung comparison,etc. ,gawin mong challenge yan sa self mo. If gsto nyo lng po magkababy for the attention,kawawa lng po si baby. I'm not telling na yun talaga purpose mo. Sinasabi ko lng po na focus nyo muna mapabuti self mo bago po kayo magdecide magka baby. Don't rush things po at dadating din yan in God's perfect time. Sigurado di gusto ng papa mo na nakikita kang malungkot. Laban lang sis!💪
Magbasa paTapusin mo muna pag-aaral mo. Ako nabuntis last year, 20 years old at graduating student. Yung asawa ko 22 years old and classmate ko sya. Akala ko nun hindi na ako pag-aaralin ng magulang ko. Nahirapan kami mag budget sa checkup and vitamins ko at pang araw-araw na gastusin namin ng asawa ko. Nag oojt din kaming dalawa that time. Nahihiya naman din kami humingi pa sa magulang namin. So pinagkakasya lang talaga namin yung allowance na binibigay samin. Iisipin mo pa yung mga gamit ni baby. Masaya magka baby, pero mas okay parin pag nakapag tapos at stable na kayo ng asawa mo. 😊
Magbasa paKung nagaaral ka pa tapusin mo muna ang pagaaral mo, eventually kapag nagkaroon ka ng family mabigyan nyo ng bf mo ng magandang future. May mga bagay na makakapaghintay like ang baby kapag dumating yung right time mas magandang handa kayo pareho ng bf mo. Huwag ka magpadala sa lungkot at dahil hindi ka napapansin ng mama mo instead gawin mo ang best mo para makapagtapos ng pagaaral, kung hindi ka man napapansin ng mama mo ngayon darating din ang time na maaappreciate nya mga ginagawa mo. Focus ka muna sa studies.
Magbasa paThank you momsh, lahat tayo dumadaan sa ganyang stage may problem sa family at naiinlove. Hindi ako perpektong anak pero mas pinili kong makapag tapos muna para sa future ng magiging pamilya ko, as of now I am happily married with 2 kids.😊
(in my opinion) mali po na gusto mo na magka baby Just to pass away the sadness that you're in to. its unreasonable. lalo nat bf mo pa lang. goshh beter find another activities or hobby to take away that blues. better focus on ur study and dont mind their feedbacks. what will matter most is to finish ur study find a stable life get married so that your future baby will have a beautiful life. (dont get me wrong em tryin to help here 😊)
Magbasa paMuch better kung tapusin mo muna pag aaral mo sayang yung panahon wag ka muna magmadali sa mga bagay na ndie kpa handa. I think attention ng mama mo ang kailangan mo not a baby. Ang hirap ng buhay ngyon lalo na kng wala kang natapos at trabaho pano mo nlng bubuhayin si baby lalo na daming needs na kkailanganin. Sgro mas magiging proud si daddy mo if makakatapos at makikita niyang okay buhay mo kahit na nasa heaven na siya :)
Magbasa paAng bf mo ba may stable source of income? Yes i understand yung sinasabi mong diskarte. Hindi lang ikaw ang dumaan don sa pagbusiness etc. Pero iba pa rin ang may natapos. Kung kaya mong pagsabayin ang pagaaral, business at anak so why not? Pero isipin mo muna ano bang TOP PRIORITY mo? Hindi mo yan kayang pagsabaysabayin. Ang savings nauubos yan lalo na kapag may baby ka na. Kung savings lang ang magsusustain. Iconsider mo pa ang business hindi araw araw maganda ang kita. You also need protection for your baby. Please consider pa ang inflation ng savings mo. Hindi mo alam kung kelan darating ang mga di inaasahang pangyayari. The question is are you prepared enough? Kung gusto mo ng baby isipin mo yung kapakanan ng baby. Hindi madali ang magkababy. Like you i started having small businesses the only difference nagtapos ako. We're both 30, and we have plans already before pa dumating si baby. We have protection (life insurance) before God gave us the blessing. Kasi hindi pa siya dumar
Sa totoo lang napaka mali naman ng reason mo parq magkaroon ng anak.. humahanap ka ng magbabawas sa kakulang na nararamdaman mo sa sarili mo parang ginagawa mo lang xa panakip butas -_- im sorry pero parang nd ako supportive sa reason mo
Tama kahit nkapagtapos ka nmn gnun din mahirap prin mag hanap ng trabaho. Hndi nga lahat gnun kadali. Pero nandyn ang diyos natin pra tulungan tau. Agree ako sau sis wag ka nlng maniwala sa mga negative thoughts lalo ka lng pabababain nyan.
isipin mo muna kung pano nyo bubuhayin? may stable job na ba kayo? hindi biro ang gusto nyong pasukin. ang pagkakaroon ng baby ay hindi lang puro saya dahil malaking responsibilidad ang pagiging magulang ☺