????

I need ur advice ndi q kc alam ang dapat qng gawin...i have 2 child n kkapanganak q lng last august.nlaman q naki one night stand ang asawa q s babaeng ngwwork s bar..the scenario is dat day ngpaalam xa inom pero uwi din mga 8pm.pero d thing is mga past 2am n xa nkauwi at mga 3am ng pumasok s haus.ask q san xa galing sbi npasobra dw inom nya at nkatulog s sasakyan.pero pagtanggal ng mga damit nya nkita q kismark s leeg at dib2 una todo deny p xa..inaway q xa pero sbi nya bhala dw aq s iicipin q.natulog xa at aq nghehele ng baby..d aq mpakali masama ung kutob q..pagkababa q ky baby check q cp at pants nya.at dun q nkita ung resibo ng hotel kng san nkaipit ung sukli..nanghina aq s nkita q at ng tgnan q xa ulit pati pala labi nya namamaga at parang namuo ng dugo..d q npigilan sarili q ginicing q xa at tinanong deny parin xa d dw skanya..until nagwala aq at sbi babasagin q cp at ask s ibang tao or s kasma nya uminom..dun n xa umamin..dahil dw s kalacingan nya kaya dw nya ngawa..kwento nya uminom dw sila s haus ng kawork nya at medyo tamado n rw cla pero imbes n dumireso uwi ay dumaan p cla ng bar at dun nga ngtable xa..(at ang sbi un dw ung pnka1st n ngtable xa)d dw nya maalala kng xa or ung babae nagyaya..pagpasok ng hotel pinag antay p nya ung kasma nya s labas at pagkatapos ay hinatid p ulit ung babae s bar bago cla umuwi..d thing is s klacingan dw eh d n dw nya alam ang knyang gingawa..d q alm kng paniniwalaan q b xa..posible po b ung kalacingan n rason nya kya d n nya alam gingawa nya..pero bkit nagawa p nyang mgdrive at pagantayin ung kasma nya s labas at ihatid ulit ung babae pabalik ng bar..pinapauwi q xa skanila pero ayw nya..d q xa kinakausap at after 5 days humingi xa ng tawad bgyan q raw xa ng chance n itama ung pgkakamali nya..i ask bkit ngaun lng sbi ala dw kc xang mukhang ihaharap s ginawa nya..pero un dw ung totoo lacing lng dw tlga xa at un ang pgkakamaling nagawa nya n humantong p s puntong ganun..as of now nguusap nmn n kmi pero d prin panatag ung loob q s cnbi nya..lagi aqng npaparanoid pg 6pm ala p xa haus lalo n pg gingabi xa s work..Gustong maniwala n ndi sknya mga mamshie..kc nga ung mga kissmark d nya alam n nilagyan xa tas un resibo nasa bulsa ng pants,iniicip q f alam nya bkit p paparesibo ung pgcheck in tas d p nya tinapon f ever..at un ung pinkaunang pgpasok nya ng bar n nagtable xa..ang d q lng kayang paniwalaan ung rason nyang kalacingan dhil kng tutuusin ay dati n xang nalalacing..at rason maxadong kapaguran dat day..hayyy d q tlaga alam iicipin q..kng d q nmn xa bgyan ng chance or mghiwalay kmi..pano mga bata ayaw qng lumaki cla n alang ama or broken family klalabasan..lumaki aqng kumpleto ang family tas paparanas q s mga anak q ang d kumpleto..???

77 Replies
Magsulat ng reply

Ipacheck mo muna te. Mamaya nagkaHIV yan. Hindi din rason ang agiging lasing para lang makapanloko ka ng tao. Lasing ka o hindi, may konsensya ka parin, may pamilya syang nag aantay pero nakuha nya pang makipag inuman? Anong klaseng kaibigan ba ang sinasamahan nya at kinukunsinti sya sa mga katarantaduhan nya, sabihin mo sa asawa mo hindi masamang pumili ng kaibigan.. Ako man nasubukang malasing pero hindi totoong hindi ko na alam ang ginagawa ko, mas lalakas lang loob mo pero wala kang amnesia-- hindi nagshshut down ang utak mo. Para sa mga bata choice mo talaga ang mag stay, baka sakali din naman na ipakita nya talaga sayo na nagsisisi sya pero kung hindi po, wag mong hayaan na ganyanin ka. Dapat makita mo manlang sincerity kahit pag uwi sana na maaga at panunuyo.

Magbasa pa

kaya lang naman sya nag sorry kasi nahuli mo na sya. otherwise, you will never know. tsaka di po totoo na di alam ng ginagawa kapag lasing. nalasing na ako ng sobra sobra. aalm na. alam ko ginagawa ko. mas wild pa nga kapag nakikipag sex ng lasing. maaaring libog lang lang talaga kasi nga lasing e. mas mabilis kasi ma turn on kapag lasing lalo na sa lalake kasi hahawakan lang sila at ma aarrouse na sila. pwedeng di niya ulitin, pero madali din namang umulit nang di mo na malalaman sa susunod. kung mahal mo, patawarin mo. pero kapag pinatawad mo, never bring it up ever. wag isusumbat sa susunod na panahon kasi baka maging toxic pag sasama niyo kapag ganon. forgive and forget.

Magbasa pa
VIP Member

Kalokohan yang sinasabing pag nalasing walang maalala.. ilang beses na ako nalasing ng sobra sobra .. pero wala ako makalimutan.. palusot nya lang yon.. kong talagang mahal ka nya at may respito sya sa relasyon nyo isipin niya ang pamilya niya.. Wag mo siya sanayin na okay lang ginawa nya . Magalit ka at ipakita sa kanya na mali ang ginawa niya.. bastusan lang .. may asawa syang tao nakikipag one night stand sa ibang babae.. wala siyang respito sayo at sa pamilya mo . Kong ako sayo lumayo kanalang muna sa kanya at hayaan mo sya mag sisi sa nagawa niya.. pag makita mong nag sisi n sya mag usap Kayo ng masinsinan at mag bigay ka ng mga kondisyon..

Magbasa pa

para po sa akin iintindihin ko po c mister lalo na po kung talagang hindi cia nakakasiping sa inyo ng matagal pero hindi ibig sabihin non kakalimutan ko ang ginawa nya. kalokohan ang sabihing dahil lasing cia, ke lasing alam ang ginagawa. pero hindi ko rin cia hihiwalayan karapatan ng mga anak ko yun, ano cia nagkasala na nga cia palalayain ko pa.magtrabaho cia para sa suporta ng mga anak at hindi ko hahayaan na maging malaya para magawa ulit ang kasalanan nya at kahit kelan d na cia makakasiping sa akin hanggang d cia napapatawad at may katibayan na malinis na cia. pasencia na po yun po ay opinyon ko lang just incase na mangyari sa akin..

Magbasa pa
1y ago

kung saakin ngyari yan, that night pa lang nag alsa balutan na kami ng mga anak ko.. kasi di ko kaya yung ganung emosyon, habang nakikita ko ang asawa ko sisikip lng ang dibdib ko sa galit .. mali ay mali kahit sang anggulo mo tignan.. hindi ko kaya magbigay kaagad ng 2nd chance kahit para na lng sa mga bata.. dahil kung gagawin ko yun parang everyday may sumasaksak sa puso ko.. baka mabaliw pa ako..

sa bible, ang tanging saligan sa pakikipaghiwalay ay pakikipapid o pakikipagtalik sa hindi asawa.. nasa isa parin, kung ang pagpapasya kung mananatili siya sa isang relasyon.. based mommy sa experience ko at experience ng asawa ko, kapag nalasing ang tao, nawawala ang kontrol sa katawan pero naiintindihan parin ang nangyayari.. hindi pwedeng gawing reason ang kalasingan bakit nagawa niya ang ganoong bagay, dahil may consent siya sa nangyari.. kahit may tama na raw ng alak ang lalaki, kung malaki respeto niya sa asawa niya, hinding hindi raw magagawa yun at kusang iiwas...

Magbasa pa

Kawawa ka at ang mga bata. Ipacheck up mo sya te, ikaw narin dapat siguraduhin mo na wala pang nangyayari sa inyo mula nung nahuli mo sya. Nakakalungkot na lahat ng butas papasukin makalusot lang. Magkakasakit ka dyan ate. Hindi natin masabi na first time nyang ginawa, baka madaming beses na di mo lang nahuli. Kung first time yan makikita mo sa itsura nya, medyo balisa, kabado e sa kwento mo parang sanay na magsinungaling e. Isipin mong mabuti kung anong makakabuti sayo at sa mga bata, kung magsasama ba kayo ng walang affection anong epekto nun sa mga anak nyo.

Magbasa pa
VIP Member

momsh, alam nia ung ginawa nia kahit lasing p cia, s ofc kc mga boys dn lage ko kkwentuhan tpos pag may boys night out cla magkkwento cla kinabukasan kng ano nangyre pati mga nka table nila and kng nadala nila plabas ng bar, sabi ko nga pag lau nahuli ng asawa nyo, tpos sagot lng nila lage hindi cla papahuli. Cguro momsh, mas ok n pag pray mo n lng dn c hubby mo tpos kausapin mo cia n ayusin nyo and help k nia n bumalik ung twala mo s knya pra s family nyo po, mahirap kc pag mlalate cia uwe hindi k n mapapakali kya kelangan n tulungan k nia😊

Magbasa pa
VIP Member

Walang excuse to justify his actions. Kahit lasing alam ang ginagawa, ang mahirap kasi diyan baka maulit many times. Kung hindi nga kayo maghihiwalay pero di naman kayo ok makikita ng mga anak niyo na ganyan ang relasyon niyo hindi ba mas mahirap na lumaki sila na ganun ang understanding sa isang family relationship? Pag nag stay ka you need to be mentally and emotionally strong enough to cope with the trauma and to move forward together. Pag isipan mo maigi mamsh. Much better kung magpa counseling kayo ni mister mo it will help

Magbasa pa

Top of it let say lasing nga sya nkipag one night stand pdin sya nangyri na baga nangyari wala na mggwa. Tanggapin m nalang or ayun nga iwan mo. E kung maulit pa or mahuli mo pa e ibang usapan na At ewan ko kung may mag aaggree sakin trivia ko lang base samin at specially sa asawa ko pag sobrang lasing ng asawa ko sa knya na mismo nanggaling at naobserve ko naman sya ilang beses na! Hahaha ang lalake pag sobra lasing sobrang tagal na bago labasan. TMI! At hndi na sya tumitigas ng consistent yun ay kung sobrang lasing tlga!

Magbasa pa

ang sakit sa dibdib nyan momshy.. mabigat masyado kasalanan ng asawa mo.. mahirap patawarin, need ng time para mag hilom.. imagine, may ngyari saknila ng babae na nag wowork sa bar.. paano kung may hiv yun, suggest lng po.. pa'hiv test muna sya para mkasigurado .. wala ko mapapayo momshy dahil iba padin pag ikaw ang nasa sitwasyon na ganyan.. pero naniniwala ako in time mag hihilom din yan, basta mag effort lng si husband.. pero kahit siguro maging ok na kayo, di mo parin makakalimutan yan, dhil nag mark na yan sa puso mo..

Magbasa pa