problem sa in-laws
I have a problem sa asawa and in-laws ko. Alam ko, sobrang common na nito. Wala lang talaga ako mapaglabasan ng sama ng loob. Sobrang bigat na ng puso ko. Ayoko naman magkwento sa nanay ko sympre. OFW kasi asawa ko dati bago kami magpakasal. Yung parents nya, sa kanya nakaasa although may trabaho si mother in law at pasideline sideline si father in law. Sya din nagpaaral sa mga kapatid nya. Graduate na yung dalawa (yung isa may pamilya na din, nauna pa sa kuya nya mag asawa. Okay naman buhay niya) at yung bunso nag-aaral pa pero di naman na sya yung nagpapaaral (buti na lang!) Sympre simula nung mag-asawa kami, nag iba na. Lalo na ngayon na nagbubuntis na ako. Dati akong teacher sa private school pero pinag resign ako ng doktor dahil naging maselan ang pagbubuntis ko. So ang income ay mula lang sa asawa ko at sa konting naipon ko na ubos na ngayon. Naubos yun kasi, pinapalitan ko yung pera na binibigay ng asawa ko sa side nya. Umabot kasi sa point na said na said na kami pero nagbibigay pa din sya don. Kaya ang nangyare, nawiwithdraw ko yung pera na nakatabi sa bangko para naman makasurvive kami. Closed account na yun ngayon. Kasi literal na wala kami makain or walang pamasahe asawa ko papuntang work. Mas pinili kasi ng asawa ko na mag stay dito sa Pinas, kung ako lang sana mas okay na mag abroad sya ulit. Hanggang sa makaipon. Pero dahil sa LDR topic nyo, okay na din sakin na dito sya. Lalo na nagkaroon din sya ng magandang work dito. Di ako madamot, kapag nandun kami dumadalaw sa kanila, bumibili kami ng food para pagsaluhan namin. One time, nanghiram (pero wala ng balikan yun, alam ko) sila ng 1500 pero 1k lang nabigay namin, nakabudget na kasi yung pera. Ayoko na ulit mangyari yung masasaid kami tapos pag hihingi ng pabor asawa ko sakanila, ni 200 walang mapahiram. Kaya binabudget ko tlga. Kaya ang nangyari, nagbigay ako 500 at nagbigay asawa ko 500 from his allowance. Nilinaw ko sa asawa ko na hindi makatarungan na magbibigay ako ng 1k. Kaya nag decide sya na mag hati kami. Pumayag na ko, sige. Minsan din, inobliga asawa ko na bumili ng kalahating kaban ng bigas. Sinabi pa na dapat isang kaban yun. Utang na loob ko pa na kinalahati na lang nila. Nakakaloka! Yung lola at lolo, nanghihingi din ng pera. Yung kapatid din nanghihingi. Pag dumadalaw kami dun, nagpaparinig sa asawa ko "manager ka, wala kang pera?" Kasi mejo natututo na asawa ko tumanggi dahil pinapaliwanagan ko ng bonggang bongga yun. Kaya ko sana pagtiisan (pero alam kong hindi dapat), kaya lang nakikihati na nga sila sa pera na dapat samin lalo na malapit na ako manganak, nakakarinig pa ko ng kung anu-ano. Alam ko naman na may masasabi at masasabi talaga kahit ano pa gawin ko. Pero sukdulan na grabe! Nagcelebrate ako ng bday sa isang private resort, mga tropa ko nagbayad hati hati sila, pati sa foods. Ako din nakihati galing sa pera ko. Binigyan kasi ako ng cash ng kuya ko, regalo nya. So yun ang pinang ambag ko. Malaman-laman ko, habang kainuman ng father in law ko yung mga tropa ko, kung anu ano na sinabi about sakin. Sympre naman, kahit ano sabihin nya, sakin papanig yung mga yun, tropa ko yun e. Kesho, "ano na naman dala ni *my name*, sarili na naman nya?" Napahagulgol na lang ako e. Makapagsalita grabe. Di yata sya aware na kami nagbayad ng resort, pagkain na kinakaen nya at alak na iniinom nya. Gigil na gigil ako. Di lang yun mga sinabi nya. Hanggang ngayon, di pa din ata nila matanggap talaga na wala yung asawa ko para pang tustos sa mga gastusin nila. Sarap nila sakalin eh! Hanggat maaari gusto ko maging okay kami ng inlaws ko pero talaga naman jusko panginoon. Ayoko na sila makita talaga.