Ang nanay ko

Most common problem natin ay yung mga in-laws natin pero sa part ko, sa nanay ko ako mismo nahihirapan. I'm an adopted child. Since bata pa lang ako, alam ko na yun. Yung adopted father ko, namatay when I was 2 pa lang so lumaki ako ng walang tatay. Di naman naging problem yun sakin kasi i don't feel incomplete naman. Yung adopted mother ko, tough sya. Very strong personality. Pero i know, defence mechanism nya lang yun. Nakkwento nya kasi na dati daw, ibang iba ang trato ni inang(mama nya) sa kanya. Di sya favorite ganon. Tapos yung tita ko, favorite. Parang naging issue nya yun kasi kahit hanggang ngayon, nababanggit nya pa din yun. Successful din si mommy, graduate sya ng BS Chem tapos ngayon, nag bbusiness sya then may mga apartment. Masasabi talaga na stable sya kahit maaga sya nabyuda. Di sya hands-on samin ni kuya (adopted din). Kasi busy sya mag business habang lumalaki pa lang kami. So, si kuya ko lumaki sya na mahina. Parang walang sariling desisyon, ganon. Basta parang weak sya. Nag asawa sya by 19. Ako naman, bata pa lang independent na. Kaya ko sarili ko at ako na nag aasikaso sa sarili ko kahit bata pa lang ako although may katulong kami sa bahay. Masasabi din na maldita ako in a way kasi di ako nagpapaapi. Total opposite kami ni kuya. Si kuya, tahimik lang oo lang ng oo susunod lang yun. Ako, pumapalag. Kaya mas pinapaboran si kuya. Konting hingi, bigay. Ako di ako sanay humingi at nagpapatulong. Ewan ko ba, ganon na ako lumaki. Nakagraduate ako ng educ at nakapasa na ng LET bago ako nagdecide na mag settle. Ngayon, may asawa na ako at buntis na din. Nandito kami sa puder nya. Kasi wala akong choice. Wala kaming sapat na pera para bumukod. Talagang nilunok ko nlng pride ko e. At times, iniisip ko bakit ba ako nagpakasal agad hahahaha eh pero gusto ko naman na talaga mag settle at di naman ako papayag na mag anak lang ng walang kasal. Sympre di maiiwasan na may masabi sya. Kasi madami talaga syang nasasabe. Yung early months ng pagbubuntis ko, lagi ako umiiyak kasi ineexpect ko na nanay ko sya eh dapat may support man lang kahit emotional support ganon. Pero wala. Nandito kami sa bahay nya pero parang hangin lang kami. Nagtatago pa sya ng pagkain. Nakakaloka! Parang di makatao yun. Diba, malaman mo buntis anak mo tapos gipit, the least you can do is suportahan sya kahit wala na financial eh, emotional man lang. Kaso nakakasama ng loob mga ginagawa nya. Then chinichismis nya pa kami sa mga friends nya sa church. Kaya ako, lumayo din tlga ako sa kanila kasi sympre diba iba na yung tingin nila samin. Kasi yung husband ko, ofw yun bago kami ikasal. Eh, naubos pera pangkasal at nagbigay din sya sa family nya. Dapat kasi aalis din sya ulit kaso nabuntis ako at ayaw na nya umalis so dito na sya naghanap ng work. Eh sympre, di naman mahire agad diba. Mga 2 months pa bago sya nahire. So gipit tlga. Yung time na naglilihi ako, may mga dumadalaw dito sakin tapos nagdadala ng foods. Thank God for friends like them huhu. Nabedrest kasi ako at pinag resign ako ng doktor sa work ko bilang teacher dahil stressful daw yun masyado sakin. So stay at home lang tlga ako. Dahil nga strong personality nanay ko, di sya naniniwala na di ko kaya magwork. Well, kaya ko naman pero delikado sa bata kasi dinudugo ako nun e. Tsaka doktor na din nagsabi. Pero kht bed rest ako, kumikilos pa din ako dito sa bahay, naglalaba ako ganon. Pero buti naawa yung kasambahay namin, sabi nya sya na daw maglaba ng damit namin ng asawa ko. Buti pa sya, char! So ayun nga.. one time nagkkwentuhan kami ng mga bisita about sa paglilihi. Kasi yung ibang friends ko, naging maselan tlga pagbubuntis nila. Ako, di naman masyado bukod sa bedrest lang ako. Pero sa mga pagkain, amoy, wala naman masyado. Ayaw ko lang kako ng chicken joy eh fave ko dti yun. Bigla sumingit nanay ko. Sabi nya di daw totoo yung paglilihi nasa isip lang daw namin yon. Sa isip isip ko, di kasi nya naranasan diba. Di sya nagbuntis kaya di nya alam. Naiinis ako sa ugali nya sa totoo lang pero tinitiis ko na lang kasi bahay nya to e. Tsaka naiintindihan ko din pinanggagalingan nya. Siguro di nya nafeel na mahal sya ni inang kaya nagmananifest ngayon. Nakakaawa din kasi madami sya pera pero prang di naman sya masaya talaga. Lagi kasi nya kinocompare yung naging buhay nya sa naging buhay ni tita(fave ni inang). Kahit pag nag-uusap kami nung kasambahay namin, kahit si kuya, ang sinasabi lang nila intindihin ko na lang si mommy. Eh ano pa nga ba, diba. Alam din nila ugali ni mommy e. Lagi ako sinasabihan ng asawa ko na, pag lumabas na si baby, wag maging ganon yung environment. Na wag ako tumulad kay mommy. Ayoko naman talaga.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Medyo torn ako sa mama mo. Between her experiences and her reasons in life. Pero to make it easier for you pakisamahan mo muna for the meantime habang nandiyan kayo sa puder niya bilang pag tanaw ng utang na loob nadin at galang sakaniya. Pag lumabas nasi baby for sure may ipon nasi hubby mo at makakapag bukod kayo. Seek karin ng help sa kuya mo if ever kailangan mo/niyo ng tulong. Kasi baka yung sinasabing weak na kuya mo noon eh, siya pa ang mag stand strong for you. Wala namang masama... Try mo lang. Sometimes, kahit gaano pa tayo katapang we still need people in our life, you just need to learn kung sino ang pakikisamahan sa hindi. We all have our own battles and weaknesses so make sure if you need a helping hand don't mind your ego. It's a matter of life and death.

Magbasa pa

Hi sis! Although talagang nakakagalit un ginawa ng mother mo na pagtaguan ka ng food at mas ginagawa pa nyang mas hard pa un siwasyon mo knowing na mas need mo nga sya ngayon. Pero hayaan mo na lang anyway sya pa din ang nagpalaki sa iyo. Tama din si sis na pag talaga hindi nakaramdam ng pagmamahal or lumaki ng may gslit sa puso nagiging bitter sa pagtanda. Kaya nakita muna outcome hayaan mo na lang sya malay mo pag lumabas na si baby mag iba ugali nya..

Magbasa pa

Siguro ganyan talaga ano pag di ka lumaki na di mo ramdam ang pagmamahal ng nanay mo. Di mo din alam paano magmahal ng anak, galing man sayo o hindi. Hayaan mo na lang momsh, wag ka masyado papastress. Kung kaya nyo mag ipon para makapagbukod go. Parang hindi maganda na lalaki yung bata sa ganyang environment, ang bitter ng mother mo eh.

Magbasa pa