I got infected by COVID-19. I had symptoms like runny nose and pananakit ng katawan. I had to be isolated from the rest including my 19-month old boy. Right now, he’s with lola ang tita (in-laws) but we are in the same house. Maririnig ko sila sa labas sometimes kumakatok sa kwarto, looking for nanay. Sa madaling araw, nagigising kasi gusto ng dede. Iiyak na lang. Or panunuorin ng TV ng lola. Alam kong wala sila magawa since sila din nag aasikaso sa aming mga infected dito sa bahay. Kaya naman ung bata maghapon din nanunuod lang ng TV. Minsan naririnig ko pa, “Ano ba yaaaan?” “Ano na naman yan?!” In hysterical way. Nawawalan sila ng patience sa anak ko. I meant nawawalan din ako ng patience, but I always explain to my son why this why that. Naririnig ko lang “that’s bad” Waaa! I want to say, “hindi ka bad, anak.”
Ang haba ng quarantine period, ang dami kong worry para sa anak ko. Baka makadevelop ng habit after 14days. Haiy gusto kong hilahin ang mga araw. 🥺😞