Kahati sa attensyon
I cant help, feeling ko tuloy may ibang pamilya asawa ko, even though family niya naman talaga iyun. Here's the story, 3 days ang day off niya kung maaari lang sana sa 3 days na yun pumirme siya d2 sa bahay but no, nagpapaalam sia kung pwede siya pumunta sa kanila. Ang kinatatampo ko nagseselos ako sa attensyong binibigay niya sa mga bata niyang pamangkin. Nagseselos ako kasi may anak na kaming 2 months old pero feeling ko mas malambing siya doon sa mga pamangkin niya. Pag-uwi niya sa bahay magkukuwento siya na kukulit daw ng mga bata pero nakakatuwa. Samantalang dito sa bahay minsan na nga lang niya makarga ang baby namin kasi parating nasa akin. Naiinis pa ako kasi kapag umiiyal baby namin di niya talaga bubuhatin hanggang di umiiyak ng malakas. Yung ate niya, nanay ng tatlo niyang pamangkin is single mom and walang trabaho ngayon. Naiinis din ako sa kanya kasi inaasa niya sa asawa ko ang pagbuhay sa mga anak niya di na naman naghahanap ng trabaho para makatulong. Then nagreuest yung ate niya ng phone, palihim siyang nagloan para mabili ito. Pero nalaman ko din dahil nabasa ko sa messenger niya. His reason magagalit daw ako kaya di niya pinaalam sa akin. Nagtampo ako kasi ako noong nagrequest sa kanya ng crib, cabinet (lalagyan ng damit ng anak namin), at breast pump wala lang din, in the end ako din bumili. Para naman sa baby namin ung pinabibili ko. Pero di niya ako mapagbigyan samantalang yung mga pamangkin niya balak niyang bilhan ng tablet para daw sa online class (public) kahit pwede naman modular kung wala talagang pera para sa gadget. Napapaisip ako hanggang kelan may kahati sa attensyon yung anak ko sa kanya kasi kung di niya kayang ibigay yung buong attensyon niya mas mabuti pa yata sanang wag nalang. Sinabi ko na sa kanya dati, kahit mag-isa lang akong anak ng nanay at tatay ko, madami akong nakahati sa attensyon nila at aruga dahil sa mga pinsan ko na pinaalaga sa mama ko ng tita ko. Sabi ko sa kanya ayokong maranasan ng anak namin yun. Kasi sa akin, 100% priority ko ay anak namin, di ko lang alam sa kanya.