Let me tell u my story, sis. Naghiwalay kami ng ex ko at naging sila ng babaeng nagcomfort sa kanya nung nagkakalabuan kami. Turns out na di pa moved on si ex sakin. LDR kami. Nung naging sila, halos dun na din sya tumira sa gf nya dahil MAS CONVENIENT dahil malapit sa work. Co-workers sila, btw. Sila pa rin pero sinasabihan ako ng ex ko na kapit lang daw ako dahil babalik sya sakin, kailangan nya lang daw kasi ng PERA. May anak kami ng ex ko kaya ginagamit nyang alibi yun para sa pakikipag vidcall at check in sa hotel namin. Nung umpisa nakakayanan ko pang kumapit dahil kala ko naghihintay lang sya ng tamang timing para makipaghiwalay, dahil ayaw nya daw na madamay ako sa pagbreak nila. Then nung january lang, yung sustento na binigay nya sa anak namin, galing pala sa pera ng gf nya. Dun na ko natauhan. Ayoko ng lalaking makakasama ko habang buhay e nasisikmurang magprovide sa anak ko galing sa panggagamit ng ibang tao. Walang konsensya, walang prinsipyo, walang pagsisikap para kumita ng sapat na pera. Wala na ko ngayong pake Kung mabuntis nya pa gf nya o pineperahan nya pa or what. Bumitaw na ko, sustento na lang sa anak ko yung koneksyon namin. Ngayon, choice mo naman Yan sis Kung makikipaghiwalay ka sa kupal na yan o ito-tolerate mo yang kalokohan nya habang buhay. Hanggang ngayon umaasa pa rin sya sakin at pineperahan nya pa rin yung gf nya na ecq pa naman ngayon Kaya nagkapatong patong daw mga bayarin nya.
Magbasa pa
Hoping for a child