Estrange IL

How are you dealing with your in-laws? Mapa- MIL, BIL, SIL pa yan.

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Basta di ako uupo hanggat di maayos bahay di pa nakakakilos, wala problema sa MIL ko basta makita nya malinis bahay kasi mahal na mahal nya bahay nya pinaghirapan nila mag Asawa :) Isang Anak lang Hubby ko kaya wala pakikisamahan na kapatid pero yung FIL ko dun ako nahirapan palagi ako badtrip sa kanya kami kasi magkasama sa bahay nagwowork Hubby ko saka MIL ko, sya dating OFW di na umalis nag stay na dito kaya kami magkasama sa bahay, madalas nakakarinig ako bumubulong or nagsusumbong sa MIL ko. Hanggang sa pinagsabihan sya ng Hubby ko na tratuhin kami dalawa ng naaayon sa edad namin sabihin mali namin hindi yung bulong sya ng bulong at sumbong ng sumbong sa MIL ko. Ngayon mabait na FIL ko sakin alam nya di ako kikilos pag di ko kaya yung gawain sya mismo gumagawa masipag naman sya at natakot din atang di ko pahawak apo nya kaya bumait bigla sakin 😂. Di kasi nila alam na Buntis ako nung First trimester ko medyo nainis ata sila sakin kasi di ako kumikilos palagi ako nahihilo at tanghali bumangon ayaw pa sabihin ng Hubby ko. Nung nalaman nila bumait na sakin naintindihan nila bat ang takaw ko at ang tamad ko pa hahaha 😂 Mga mag sesenior citizen na din kasi next year In-laws ko tas nagiisang anak pa Hubby ko tagal nawalan ng Bata dito sa bahay nila at nakikihiram lang sila ng Baby sa kapitbahay kaya wala pa kami balak bumukod hayaan ko munang maenjoy nila Apo nila habang Baby saka kami bubukod ☺

Magbasa pa
2y ago

Aheheh congratulations. Buti ka pa.