Hiwalay muna kaming matutulog -- ngayong gabi. Totoo nga, in marriage, it's not always rainbows and butterflies. Kahit gaano pa kayo nagmamahalan, meron pa ding di mapagkakasunduan. No matter how kind and patient your husband/wife is, maiinis at maiinis pa din.
I'm looking at him right now. He's sleeping soundly. He didn't even say a single word before he decided to sleep. Nakakainis noh? Tapos ako dito, di makatulog. Dami ko naiisip. Palayasin ko kaya to bukas ng umaga? Umalis kaya ko bukas ng walang paalam? Gusto kong makabawi.
Pero sa totoo lang, namiss ko siya ngayong araw. We would normally talk about how our day went before going to bed o di kaya naman maghaharutan saglit. Gisingin ko na lang kaya siya tapos bigla kong yakapin? Maiinis kaya siya?
Haaay. I love my husband. I know I do because he still drives me literally crazy. Hindi ko na siya gigisingin ngayon, hahayaan ko muna siya matulog. Magpapamiss muna ko.