galit

paano pag nahuli mo mismo na may ginagawang mali tatay mo at yung katulong? ano mafefeel nyo? parehas may pamilya naman, parehas di hiwalay sa asawa. kakatihan lang. nakakagalit bilang isang anak na nahuli namin parehas ng kapatid ko. nawala ang respeto ko sa tatay ko, at ang tatay ko pa yung galit nung nakita ko. hindi pa pde malaman ng nanay ko na nasa ibang bansa at baka mapatigil yung kapatid ko sa pag aaral, mahihirap ang nanay ko magsuporta samen magkapatid. nananakot pa yung tatay ko na once na magsumbong kami, lalayas na sya dito sa bahay. at yung katulong palayasin na din sa bahay, tapos wala daw maglalaba, magluluto..etc. ngayon nangingibaw ang galit sa puso ko. hays naaawa ako sa nanay ko. ?

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

You should tell your mom ASAP. maawa naman kayo sakanya. Karapatan niya yon bilang asawa. Siya na nga yung nagpapakahirap magtrababo tapps lolokohin pa siya ng katulong and tatay niyo tapos ililihim niyo pa sakanya? Sobrang sakit naman non bilang isang ina. Kapal naman ng katulong na yan. Dapat pinagsasampal niyo yan para kusang lumayas, baka jan pa napupunta yung mga pinaghirapan ng nanay nyo sa ibang bansa. Please lang po tell her asap.

Magbasa pa

Parang mas kailangan nyong sabihin sa nanay nyo kung anong ginagawa ng tatay nyo. Kasi kung hindi nyo sasabihin, parang mas binetray nyo yung nanay nyo. So kung lumayas ang tatay at ang katulong nyo? Hindi nyo ba kayang maglinis, magluto etc? Kasi nagpapakahirap din naman ang nanay nyo sa ibang bansa. Bhayaan nyo yung tatay nyo harapin yung consequences sa mga ginagawa nya. Malaki na cya at alam na nya kung ano ang tama at mali.

Magbasa pa

I'd rather tell my mom tbh. Mas nakakaawa un mom mo na wala sya kaalam alam sa katarantadohan na gngwa ng dad mo. So what kng aalis un maid? madame pa pwdng mgng maid jn sa house nyu and if kaya nyu naman un gawaing bahay wag na kayu mag maid. dagdag gastos at palamunin sa bahay nyu.

sabihin mo na po sa mother nyo... truth hurts but truth will set you free... mas masakit sa pakiramdam ung malaman mo pati mga anak mo pinag lihiman ka... parang pinagkaisahan ka... yung wala ka pala mpagkakatiwalaan.... alam mo ung pakiramdam na ganun momsh? kaya sabihin mo na...

VIP Member

Sabihin mo sa mama mo. Saka about sa katulong madami kayong makukuhang bago sino tinakot nya. Mukhang nasa legal age ka na rin at alam mo na ang tama. My karapatan kang mgsumbong sa mama mo kasi anak ka kesa yung magbubulag bulagan ka pati mma mo nyan magagalit sayo.

VIP Member

Kailangan malaman ng nanay mo, sabi mo nga kawawa naman sya, wag mong hayaang mabuhay sa kasalanan ang pamilya niya. Pwede niyo sya makasuhan ng child abuse kase nakita niyong 2 ng kapatid mo yung ginagawa nila.

VIP Member

sabihin mo sa mama mo ano na lang mararamdaman non pag sa iba pa nya malaman. Hayaan mo umalis tatay mong gago kesa naman sa kabit nya mapunta pinaghirapan ng nanay nyo.

Sabihin mo sa nanay mo sis. Ano naman kung lalayas tatay mo? Palayasin mo din ang katulong niyo. Mga walang respeto.

Let your mom know by hook or by crook..

Nakakaawa naman ang mother mo sis kung mananatili na wala syang alam.