Usapang financial
Hindi sinasabi sa akin ng asawa ko yung sahod nya at kung magkano na ang savings nya. Ang pera nya, pera nya lang. Sa tuwing pinag uusapan namin ang tungkol sa pera nagagalit siya. Ang hirap ng wala kang sariling pera.

Same situation with my ex-husband. I was financially bullied before. Di ko din alam how much sahod nya at tuwing kelan sya sumasahod. Kailangan ko maghanap ng work kahit manganganak na ko and after a week of giving birth need ko agad maghanap ng trabaho. Pag nag go-grocery or SNR kami, sagot nya ang grocery ng parents nya but yung sakin, kailangam ko bayaran sakanya lahat ng kukunin ko. Pera nya, pera nya lang. Pero pera ko, kailangan lagi ako may ambag at lagi dapat nauubos money ko na kasama sya. It came to a point na kahit barya nya, tinatago at iniipon ko pero hinahanap at binabawi nya rin even 5-10peso coins. May joint account at nagtayo din sila ng business ng parents nya. Ayun, after a year of a useless marriage... Iniwan ko na. And that was the best decision ever.
Magbasa pa

