My little angel in heaven.

Hindi pinlano pero biglang dumating. Gusto ko ishare sa inyo yung nangyari sakin at sa baby ko. Wag kayong makampante if sa center lang kayo nagpapacheck up monthly, dahil sa center na pinagchecheck upan ko ang kinukuha lang nila monthly at weight, height, bp at tatanungin kalang if may gamot ka pa. June 3 nag paultrasound ako para malaman ko na yung gender ng baby ko nalaman ko nga kung ano gender nya pero ang sabe sakin kulang daw sa tubig at maliit yung bata. At nung sinabe ko midwife sa center saamin ang sinabe lang sakin ay uminom ng maraming tubig sinunod ko naman lahat nang pinagawa sa akin. Pero chineck nung doctor sa hospital na pinuntahan namin di naman naka indicate don na kulang sa tubig yung bata, okay naman daw lahat ng nakalagay don. Pagkatapos ko magpaultrasound non siguro mga isang linggo lang di ko na maramdaman yung baby ko na gumagalaw pero naninigas lang sya. Nag aalala na ako to the point na palagi na akong nagtatanong sa iba. Ang sinasabe lang nila normal lang daw yon at lumalaki na yung baby sumisikip daw sa loob ng tummy, pero di pa din ako kampante sa mga sinasabe nila nagtatanong ako din ako dito. Hinintay ko pa ulit magcenter non nagpunta ulit ako at tinanong ko kung normal lang yung hindi nararamdaman pero naninigas lang at ang sabe hindi daw normal at magpaultrasound daw ako. Sobrang kabado na ako non, kinabukasan nagpaultrasound na agad ako at sobrang sakit marinig na wala na daw yung baby ko. Nakadapa na daw sya at wala na daw heartbeat sobrang sakit ginawa ko lahat ng pinapagawa sakin agad, sinunod ko lahat bakit nangyari yon? Hindi ko lubos isipin na mawawala na lang sya bigla saakin. Nung araw na din na yon nagpunta na kami sa hospital, inadmit agad ako para mapalabas na yung baby. Tinurukan ako pangpahilab para daw mainormal ko kasi 7months palang kaya ko daw inormal yon kasi paliit palang. Sobrang sakit para saakin kasi manganganak ako pero yung ipapanganak ko wala ng buhay. Dati excited ako sa panganganak pero nung manganganak na ako nawala yung excitement kasi wala ng buhay yung ilalabas ko. Ang sakit sakit kasi nakaready na lahat ng mga gamit nya nalabhan ko na lahat ng damit nya naplantsa ko na din. At makukumpleto na yung mga gamit nya, kaso wala nang gagamit ng mga yon kasi iniwan nya na ako. Sobrang sakit. Mahal na mahal kita anak palakasin mo si nanay ha? Ikaw nagturo saakin magmahal ng totoo ikaw nagpapalakas saakin paano na ako neto? Mag iingat ka dyan mahal ko.

My little angel in heaven.
581 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

bigla tuloy ako nagworry im 20weeks preggy active pa nman ako sa gawaing bahay .. hays pero si baby sobrang kulit kaya kapag pagod ako di sya naglilikot tulog lng din sya .. nappraning nako kpg ganun . tpos haplusin ko sya tas kinakausap hayun mgrerespond sya ..

Condolence po😭😭😭😭pakatatag ka sis😢😢♥️♥️at laging manalangin.. at hilingin sa Diyos na ang mga pag subok mo ngayon na nararanasan at pain dyan sa puso mo ay malampasan mo..♥️♥️kaya mo yan at mag tiwala lang..at pray always♥️

nasa pag aalaga po yan., at 2 times ka na po pala nagpa ultrasound at ob pa nagsabi na kulang ka po sa tubig., at alam naman ng center magbasa ng result at wag naman po natin sisisihin ang center yan lang po masasabi ko momsh. condolence po.

condolence poh..nadanasan ko din poh yan..sobrang sakit..ung naramdaman mo sya nung una tapos all of the sudden wala na agad...until now natatakot padin ako lalo na at buntis ulit ako..eh last june lng nung nakunan poh ako😢😢stay strong mommy kaya mo yan

VIP Member

D nman kc sa pag anu.iba talaga kapag nagpa checkup ka lang sa center kc ako ganun dn sis,d nga sinasabi kung kelan ako babalik ulet,or pulsuhan man lang basta resitahan lang ng vit at tulad ng sinabi mo bp lang.kaya nga gusto ko lumipat ng clinic na meron ob

May tinakdang oras ang lahat momsh. Pasalamat na rin tayo na kahit maikli lang yung time na pinahiram sila sa atin ni Lord, marami tayong natutunang mga lesson. Hindi natin sila kakalimutan. Now may angel na tayo sa heaven. - from a mom na nagkamiscarriage

VIP Member

Condolences mommy! Walang salita ang makakapag-alis ng sakit ng isang inang naulila sa anak 😭 Sobrang sakit pero kailangan natin tanggapin na wala na 😓 Anghel na sila sa langit 👼 Magpalakas ka po 🙏 Ipagdadasal kita at ang baby angel mo 🙏❤️

naranasan ko din Yan mami 2013 baby boy ko p nman .. 2007 may girl na ko tax sumunod Yan at 2015 at 2019 puro na girl..6 m.o. din un sken..so sad pero God will give us a new life after that..naiyak ako KC naalala ko BBY boy ko na sna 😭😭😭

Mommy hug kita. I feel you Mommy. Been there too. Maybe may ibang plan si Lord. Please ingat ka always. Keep urself healthy para soon okay ka na ulit mag buntis. That's what I did. 3 times ako namatayan ng anak. May God heal ur broken heart.

VIP Member

Condolences mommy, nakakaiyak naman po yung nangyari kay baby😭 ify po.. Ako kahit healthy si baby everytime na maiisip ko palang na magkakasakit na, nasasaktan na agad ako.. Hanggat maari ayaw kong magkasakit baby ko hanggang paglaki.