My little angel in heaven.

Hindi pinlano pero biglang dumating. Gusto ko ishare sa inyo yung nangyari sakin at sa baby ko. Wag kayong makampante if sa center lang kayo nagpapacheck up monthly, dahil sa center na pinagchecheck upan ko ang kinukuha lang nila monthly at weight, height, bp at tatanungin kalang if may gamot ka pa. June 3 nag paultrasound ako para malaman ko na yung gender ng baby ko nalaman ko nga kung ano gender nya pero ang sabe sakin kulang daw sa tubig at maliit yung bata. At nung sinabe ko midwife sa center saamin ang sinabe lang sakin ay uminom ng maraming tubig sinunod ko naman lahat nang pinagawa sa akin. Pero chineck nung doctor sa hospital na pinuntahan namin di naman naka indicate don na kulang sa tubig yung bata, okay naman daw lahat ng nakalagay don. Pagkatapos ko magpaultrasound non siguro mga isang linggo lang di ko na maramdaman yung baby ko na gumagalaw pero naninigas lang sya. Nag aalala na ako to the point na palagi na akong nagtatanong sa iba. Ang sinasabe lang nila normal lang daw yon at lumalaki na yung baby sumisikip daw sa loob ng tummy, pero di pa din ako kampante sa mga sinasabe nila nagtatanong ako din ako dito. Hinintay ko pa ulit magcenter non nagpunta ulit ako at tinanong ko kung normal lang yung hindi nararamdaman pero naninigas lang at ang sabe hindi daw normal at magpaultrasound daw ako. Sobrang kabado na ako non, kinabukasan nagpaultrasound na agad ako at sobrang sakit marinig na wala na daw yung baby ko. Nakadapa na daw sya at wala na daw heartbeat sobrang sakit ginawa ko lahat ng pinapagawa sakin agad, sinunod ko lahat bakit nangyari yon? Hindi ko lubos isipin na mawawala na lang sya bigla saakin. Nung araw na din na yon nagpunta na kami sa hospital, inadmit agad ako para mapalabas na yung baby. Tinurukan ako pangpahilab para daw mainormal ko kasi 7months palang kaya ko daw inormal yon kasi paliit palang. Sobrang sakit para saakin kasi manganganak ako pero yung ipapanganak ko wala ng buhay. Dati excited ako sa panganganak pero nung manganganak na ako nawala yung excitement kasi wala ng buhay yung ilalabas ko. Ang sakit sakit kasi nakaready na lahat ng mga gamit nya nalabhan ko na lahat ng damit nya naplantsa ko na din. At makukumpleto na yung mga gamit nya, kaso wala nang gagamit ng mga yon kasi iniwan nya na ako. Sobrang sakit. Mahal na mahal kita anak palakasin mo si nanay ha? Ikaw nagturo saakin magmahal ng totoo ikaw nagpapalakas saakin paano na ako neto? Mag iingat ka dyan mahal ko.

My little angel in heaven.
581 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same case tayo, I was delivered my first baby last Nov.23,2019 hindi ko pa delivery date nung time na yan kac sa ultrasound Dec. 19. Yung Saya at Excitement napalitan ng Sakit na sana panaginip nalng lahat. Super excited kami ng husband q kac nga first baby namin na almost 2years naming inantay. First apo din sa side q๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ... Hangang ngayon, still moving on sa sakit na nararamdaman nmin . But still glad na kahit kunting mga panahon na nakasama namin sya at napefeel q bawat kilos niya sa tiyan q blessed naq dun atleast naging nanay ako for a short period of time. Pero may Sana.....

Magbasa pa

condolence po.. sa panganay ko na 2yrs old and sa new born ko ngaun , Center & private clinic ako nagpapa check up .. kasi natatakot ako pag di namkmonitor monthly.. gusto ko nakkita ko sila palagi.. tsaka advice saakin na pag nasa 6-7 months kana wag ka hihiga ng naka flat,kasi dun nakukuhanunh still birth or pagkamatay ng baby sa tyan.. dapat naka tagilid palagi. sa may left side para tama ung nakukuhanh oxygen ni baby at maayos ang blood flow.. mahilig din ako magbasa ng kung ano ano bout sa pagbubuntis.. malalampasan mo din yan mamshiee.. angel na ngaun sa langit ang baby mo..

Magbasa pa
4y ago

saan ka nanganak mommy? kasi ako center lang sa 2nd baby ko

same case momsh ng nangyari sa baby ko 7 months din ng nawalan siya ng heartbeat. sobrang sakit๐Ÿ˜ข wag ka mawalan ng pag asa mommy babalik din siya sayo. si baby ko bumalik na uli sa akin 2 months preggy na uli ako at lagi ako nagpapacheck up at ultrasound nag order na nga din ako ng doppler para everyday ko nachecheck hb niya. nakaka praning na kasi ngayon ayoko na ulit mawalan kaya puro private doctor na ko ngayon. okay lang magastusan basta safe and healthy si baby๐Ÿ˜โค๏ธ pray without ceasing ๐Ÿ™๐Ÿ™ God is our healer and redeemer ๐Ÿ™๐Ÿ‘ผ๐Ÿ‘ผ

Magbasa pa

kinakabahan tuloy akom nagsspotting po kasi ako ang mild cramps. pero 2 days lang tumatagal spotting ko konti lng tlga parang patak lang. nagpacheckup ako inultrasound and sinabe na baby girl daw. pinadinig din sakin amg heartbeat wala naman sinabe pang iba about sa heartbeag or ano man kaso mnsan naninigas tummy ko halos araw araw tas nawawala rin agad. pnapakiramdaman ko dn baby ko kung nagalaw pa sya sa loob. sana maging safe ang baby ko at mailabas ko sya sa kabuwanan ka ๐Ÿ˜ข naiyak ako bigla next week papchek nlng ulit ako to monitor. Firat baby ko po kasi.

Magbasa pa

Condolence po๐Ÿ™ nakunan din aku last year nag stop din heartbeat nya without any symptoms...nakaready din mga gamit nya..now that i'm 7 months pregy uli dku maiwasan ung takot na nararamdaman ko nun..masakit mwalan ng anak naka ready na uli mga gamit baby ko now sana magtuloy tuloy na'to at wag na kunin ni Lord skin...kaya palgi ko inoobserbahan ung pag galaw nya sa tummy ko ngaun, ...awa ng panginoon malikot nmn na sya at panay ang mga kicks๐Ÿ˜Š wag mwalan ng pag asa po my plano ang diyos at soonest mapapalitan din yan

Magbasa pa

Sorry to hear and condolence sayo mommy, first 5 months ko lying in lang ako nag pa pacheck up, same situation height, weight, bp, tanong kung may gamot pa ang laging ginagawa tapos may bayad pa, buti nalang naliwanagan at napayuhan ako ng mas maaga as sa ospital na ko lagi nagpapacheck up hanggang manganak, super no worry ko kasi mga doktor sila unlike sa centers at widwifes, kaya mga mommies out there na pregnant palang, dont risk your pregnancy po, make sure na dun tayo sa mas professional, para sayo at sa baby mo naman eh

Magbasa pa
4y ago

depende monsh kung may doppler sila. may center kasi na wala.. tulad ng dito sa amin.. kuhain lang BP mo, bigyan ng gamot.. yan lang..

same here pareho tayo pero mas masakit ang sayo dahil sobrang laki na nya at ilang buwan nalang at mailalabas mo na sya..condolence makakaya mo yan.. nakaya ko kahit sobrang hirap.at ngayon nga pag lipas ng ilang buwan na nawala ang baby ko may panibago nanamang baby ang ipinagkaloob sakin..i'am 12weeks pregnant .wag ka mawalan ng pag asa nandyan lang ang Panginoon lagi tayong binabantayad at binibigyan ng mga pag papala na hindi natin lubusang inaasahan.โค๏ธ๐Ÿ™ be strong mamsh๐Ÿ’ช

Magbasa pa

Condolence ๐Ÿ˜”๐Ÿ’” 1st pregnancy ko din nawala ang baby ko sobrang nadepress ako pero di ko sinisi si God bakit nangyari yun .. nagtiwala ko sa kanya nagpray na balang araw bibigyan nya ulit kami ng anak after a year Thanks God I'm 32 weeks pregnant na po ngayon ๐Ÿ˜Š wag ka mawawalan ng pagasa isipin mo may baby angel na kayo sa heaven ๐Ÿ˜Š and for sure pag dumating yung time na mabubuntis ka ulit yung baby angel mo igaguide nya yung baby mo like me ๐Ÿ˜Š Pray lang po wag mapanghinaan ng loob โค๏ธ

Magbasa pa

same po, ayaw na din po nang mama ko na dun ako sa center manganak , kasi sa unang baby ko hindi po nila ako nilinasan nang dugo sa loob may mga na iwan pa pala, sana pina refer na nila ako at na raspa, huli na nalaman ko nag ka hemorage ako at maraming dugo ag nawala akala ko katapusan ko na, awa nang dyos binigyan nya pa ako nang buhay pra mkita baby ko, ngayon 6 yrs old nsya at buntis ako 13weeks sa pngalawa ko kaya ako ngayon nag PRIVATE OB talaga ako, at gusto ko din na sa ospital nlg manganak.

Magbasa pa
VIP Member

condolence mommy ๐Ÿ˜” wala kami ss lugar para sabhin sayo na ok lng yan .. dahil ang totoo sy hindi. mgpalakas ka mommy, pagalingin mo sugat sa puso mo. nwala man c baby mo, im sure meron at meron pring drating .. lahat naman may dahilan kung bakit ngyayari ang mga bagay bagay. bsta wag lang susuko at mwawalan ng pag asa. pray ka lang mamsh pasasaan pa at malalagpasan mo rin ang pagsubok na bnigay sayo. nasukat kung kaagano ka katatag. kaya ipakita mo kay baby na mas strong kna ngayong tao/nanay.

Magbasa pa