LJ profile icon
PlatinumPlatinum

LJ, Philippines

Contributor

About LJ

Here i come mummy, ill be back again in your tummy

Posts(5)
Replies(89)
Articles(0)

Sad STORY OF PREGNANCY

30 weeks and 4 days Baby boy First time Mom First Baby Sa buong journey ng pagbubuntis ko nito lang sumakit ang tiyan ko. Wala din akong spotting during that time..Biglang sumakit yung tiyan ko nung tanghali na yun.. pero nawawala din Parang lbm lang yung sakit niya. 1pm sumasakit na siya nawawala naman kaya ipimahinga ko nalang saka nadumi ako twice.. bandang 4pm sumakit na naman nag cr uli ako ala na kong maidumi nung huli kaya magpapaultrasound na sana ko para malaman kaso hapon na yun ala ng available na maguultrasound.. 6:30 pinahawakan ko sa lola ko na kapitbahay namin sabi ko bakit kaya sumasakit tiyan ko sabi niya ang baba daw nung baby kaya sumasakit tiyan ko eh manghihilot siya . Kaya tinaas niya si baby tapos nun tuloy tuloy na yung sakit 7pm sobrang sakit na kaya dinala na ko ng asawa ko sa hospital malapit dito samin nasa sasakyan palang kami naramdaman ko na yung ulo ni baby naka labas na hanggang sa pinapasok na ko sa loob ng ospital lumabas na si baby na walang buhay sabi ng doctor matagal na daw patay si baby sa tiyan ko. Buti daw di ako nalason, kala ko okay lang siya kasi nararamdaman ko pa lagi siyang nakabukol sa left side ng tiyan ko😭😭😭.. Iyak ako ng iyak sobrang sakit konti panahon nalang 2 months nalang halos mabubuo na namin yung 9 months.. I'll pray to God na bigyan niya ko ng lakas kasi hindi ko na kaya..Sana malampasan ko yung pag subok na toh sa buhay ko.. sa twing magigising ako wala akong ibang nararamdaman kundi sakit ng pagkawala niya. Alam ko may much better na plan si God for me. Hindi talaga siguro siya para sakin.. Pero napaka sakit pala mawalan ng anak sobra😭😭😭😭#1stimemom #firstbaby #lossmyBaby

Read more
Sad STORY OF PREGNANCY
 profile icon
Write a reply