My little angel in heaven.

Hindi pinlano pero biglang dumating. Gusto ko ishare sa inyo yung nangyari sakin at sa baby ko. Wag kayong makampante if sa center lang kayo nagpapacheck up monthly, dahil sa center na pinagchecheck upan ko ang kinukuha lang nila monthly at weight, height, bp at tatanungin kalang if may gamot ka pa. June 3 nag paultrasound ako para malaman ko na yung gender ng baby ko nalaman ko nga kung ano gender nya pero ang sabe sakin kulang daw sa tubig at maliit yung bata. At nung sinabe ko midwife sa center saamin ang sinabe lang sakin ay uminom ng maraming tubig sinunod ko naman lahat nang pinagawa sa akin. Pero chineck nung doctor sa hospital na pinuntahan namin di naman naka indicate don na kulang sa tubig yung bata, okay naman daw lahat ng nakalagay don. Pagkatapos ko magpaultrasound non siguro mga isang linggo lang di ko na maramdaman yung baby ko na gumagalaw pero naninigas lang sya. Nag aalala na ako to the point na palagi na akong nagtatanong sa iba. Ang sinasabe lang nila normal lang daw yon at lumalaki na yung baby sumisikip daw sa loob ng tummy, pero di pa din ako kampante sa mga sinasabe nila nagtatanong ako din ako dito. Hinintay ko pa ulit magcenter non nagpunta ulit ako at tinanong ko kung normal lang yung hindi nararamdaman pero naninigas lang at ang sabe hindi daw normal at magpaultrasound daw ako. Sobrang kabado na ako non, kinabukasan nagpaultrasound na agad ako at sobrang sakit marinig na wala na daw yung baby ko. Nakadapa na daw sya at wala na daw heartbeat sobrang sakit ginawa ko lahat ng pinapagawa sakin agad, sinunod ko lahat bakit nangyari yon? Hindi ko lubos isipin na mawawala na lang sya bigla saakin. Nung araw na din na yon nagpunta na kami sa hospital, inadmit agad ako para mapalabas na yung baby. Tinurukan ako pangpahilab para daw mainormal ko kasi 7months palang kaya ko daw inormal yon kasi paliit palang. Sobrang sakit para saakin kasi manganganak ako pero yung ipapanganak ko wala ng buhay. Dati excited ako sa panganganak pero nung manganganak na ako nawala yung excitement kasi wala ng buhay yung ilalabas ko. Ang sakit sakit kasi nakaready na lahat ng mga gamit nya nalabhan ko na lahat ng damit nya naplantsa ko na din. At makukumpleto na yung mga gamit nya, kaso wala nang gagamit ng mga yon kasi iniwan nya na ako. Sobrang sakit. Mahal na mahal kita anak palakasin mo si nanay ha? Ikaw nagturo saakin magmahal ng totoo ikaw nagpapalakas saakin paano na ako neto? Mag iingat ka dyan mahal ko.

581 Replies

condolence po..relate po ako sau momsh..ngyari n rin po yn sakin..kaya ngayon sa ob n ako ngpapa check up para sure ako n every mo.nakkita ko ang baby ko sa monitor ni doc..kc dati sa lying in lng ako ngpapa chek up,un nga po,wala n rn.palang buhay ang baby sa loob ng tiyan ko,sbi ng midwife my heartbeat p dw,un pala ung pulso ko ang naririnig nila

Hi, i feel you. I've been there too 2013. Pagkulang po ang tubig ni baby sa loob, prone sa infection si baby. Kaya malaki ang risk na mawala ang baby. Hoping na naagapan agad. We've learned our lesson and we will use it to make us strong. Keep the faith. God has a great plan for us, not to harm us but to give us hope and good future. God bless.

bigla tuloy ako napahawak sa tyan ko, ako sa center lang din nagpapacheck up pero lagi ko chinecheck kung gumagalaw sila, and sa center namin may doctor naman na susukatan nia ang baby, sadyang may mga center lang talaga na walang paki o basta masabing nacheck up lang. condolence sis . kaya mo yan, smile for baby kasi kasma na nia si lord ❤️

Lakasan nyo lng po loob nyo ..siguro nd pa para sa inyo si baby ..kc ako namatayan na dn ako ng anak panganay ko 5months namatay cia pero nailabas ko na cia at ung pangatlo ko nakunan ako...nd ako nawalan ng pag asa na mg karoon ulit ng baby now mag kakababy na dn ulit ako thanks kay god dhl binigyan nea ulit ako ng isang anghel ..

Condolence mommy. ramdam ko rin sakit ng mawalan ng anak . ako din premature baby ko . kinuha din sya saamin. iniisip ko nalang na baka hindi pa talaga para saakin yun at pinahirap lang ng Diyos. 😢 pray hard mommy na sana makaya mo yunh sakit at sana biyayaan din kayo uli 😊. fighting!! kaya mo yan. ako ngayon preggy na uli .

VIP Member

sorry for your lost..naiiyak po aq habang binabasa ko post niyo..my 2nd baby po kasi was born premature..kala po namin mawawala din samin..yung feeling lang ng muntik siyang mawala masakit na..😥 i cant imagine how painful po yung sa inyo..sending prayers..your baby is now an angel and im sure he/ she will be guiding you..

Naiyak ako. Condolence sis. Kaya ako takot ako magpa check up sa center. kapag may konting nararamdaman punta ako kaagad sa OB ko pa ultrasound. Bumili din ako ng doppler para ma monitor ko yung heartbeart ni baby kahit nasa bahay lang ako. I feel your pain. God will heal u momsh. May anghel ka ng nakabantay sau sa langit.

condolence mommy. during my pregnacy di talaga ko nakampante na sa center lang mag pa prenatal. dahil nga covid bawal ang kapa sa buntis height weight bp lang din kinukuha then tetanus. kaya nag pa prenatal ako sa private clinic to have peace of mind tlaga dahil gusto ko marinig heartbeat ng baby at movements nya.

condolence po. nagworry tuloy ako. 😕 i had my first prenatal check up sa private clinic but since nagtitipid kami and unexpected ung baby namin, we transferred sa community health center sa amin which is general check up lang tlga ung ginagawa. should i go back or continue my prenatal check up sa OB tlga?

lying in as long as OB ang nagchecheck up much better, kse iba pg doctor tlga ang nag aalaga sa ating mga buntis😊, ang pera pwedeng kitain nyan, ang buhay ni baby isa lng wag nating hayaan mapahamak.

Naiyak ako mommy sa story mo ... ganyan din kasi ako pinangank ko sya 9 months full term kaso iniwan nya rin kmi mag 1 week plang since nilibing nmin sya .. 1st bby ko sya bby girl and tlgang pinangarap ko mag ka bby kaso.kinuha rin sya ng maaga 😣 .. stay strong mommy .. may balak ang Diyos saatin ..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles