Sister-in-law and errands
Hindi pa ako buntis ako na taga bayad nang mga bills namin at nila. Ang dami kong pinupuntahan na banks para mag deposit para sa mga loans. Which is okay lang naman. Ngayon, mag si6 months na ang tyan ko. Ako pa din ang nagbabayad nang mga bills. Traffic at pila (kahit priority) ang problem ko. Noon okay lang, pero ngayon hindi na. Naiinis ako na hindi sila gumawa nang way para mag adjust naman para sa akin. Mauutusan? Hindi ko naman pwedeng utusan Nanay at Tatay ko kasi hindi naman nila alam ang gagawin at malabo pa mga mata. Kapatid ko? Masyadong malaking pera ang winiwithdraw ko sa banko, ayaw ko siyang pahawakin nang malaking pera dahil kapag nawala. Wala kaming pangpalit. Asawa ko? Nasa abroad pati mga in laws ko. Yung sis in law ko naman currently nasa US. Kaya ako lang nandito sa bahay. Gusto ko lang po ilabas frustration ko kasi inis na inis na talaga ako.