IN-LAWS

Hi mga momsh, ang OA ko ba na lagi akong naiinis kapag sinisilip ako dito ng in-laws ko? I'm 36 weeks preggy. Nakabukod naman kami ng bahay ni hubby pero katabi lang namin ung bahay ng in-laws ko. Nung una okay naman. Simula nung di ako naglalabas dahil sa virus, nagsimula nang sumilip dito at sabihan ako lagi na lumabas naman at maglakad lakad. Take note ah, 5 months palang ako nun gusto nya magpakatagtag na ko. Then yung mga unang prenatal check up ko, pinupuntahan pa kami dito sa bahay para lang itanong nang itanong kung san kami pumunta. Like wth, mukha ba kaming namasyal? Fast forward, ngayon ayaw na magwork nung brother-in-law ko which is kasama nung in-laws ko sa bahay. Napapansin ko na nagpaparinig si MIL samin na nahihirapan daw sila (si hubby ko lang kasi professional sa mga anak nya). Naistress ako. Lalo na dahil kahit nasa ibang bahay kami, ramdam ko parin na binabantayan nila ko maya't maya. May times na pagnapapatingin ako sa pinto, nakasilip sila. Although kung they want to check kung okay lang kami, ayos lang sana. Kaya lang ang tagal kami sinisilip mula sa labas. Ang gastos pa nila sa bahay nila gaya ng tubig at kuryente. Di naman ako against dun kung kaya naman tumulong ni hubby (no work kasi ako) kaya lang kung laging ganun, kami ang mahihirapan. Hirap din mamalengke/magrocery kasi all eyes sila sa mga binibili namin (madalas silang nakatambay sa labas ng pinto namin). Kung ako tatanungin, gusto ko bumukod completely kaya lang ayaw ni hubby. Hays. Any thoughts po mga momsh?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Semi ganyan din yung inlaws ko dati nasa iisang bahay kami may pgka pasimpleng pakialamera, pero laking pasalamat ko nalang nung dina natuloy ibenta ng mayari yung lupang binibili nila kapitbahay lang di naman, ayun napilitan silang magpatayo ng bahay sa malayo, imbyerna kasi talaga yung ganyan tipong kahit yunh hipag ko lang pag naggo grocery ako pinapakialaman isa isa yung nga items na pinamili ko hays kairita parang walang pinag aralan, to think na pkikialaman ng di sakanya. Hayaan mo na muna mga inlaws mo siguro tska ka nalang magsasabi sa asawa mo kung nasa punto na kayo nadedebalde na kayo magina. Observe observe kalang muna ngayon kasi mahirap din Ka misunderstanding yang mga inlaws nayan minsan. Timpi ka muna.

Magbasa pa

yan ang negative effect pag malapit lang o nakatira sa in laws. imbes na gusto mong maging independent at magkaroon ng sariling desisyon para sa inyong magasawa, laging may side comment ang in laws hanggang sa sila na ang magdecide ng mga bagay bagay na dapat kayo ang gagawa. kausapin mo si mister tungkol sa concern mo. maganda na magkaron kayo ng time na pagusapan at pagplanuhan ang mga bagay bagay ng kayong dalawa lang at walang anupang comment ng in laws mo. saka positive lang mommy. para sa inyo ni baby kelangan good vibes lang. 😊

Magbasa pa

May ganun talagang in law pero mas maganda wag mo nlng pansinin mgfocus ka ky baby pag na nganak kana mas maganda my kasamang inlaws para may ibang titingin kay baby para makapag pahinga ka din ganun kc kami ng inlaws ko pag labas ni baby ung MIL ko ang nglalaba ng damit namin kc mahirap ng mabinat lalo na sa paglalaba isip mo nlng na makakatulong mo din sila pag nanganak ka na sa pamimili nmn bigyan nio ng konting pasalubong ung MIL mo kc dapat matutu tayo makisama lalo na sa pamilya ng hubby ntin

Magbasa pa

Relevant naman reason mo mainis. Need nyo pag usapan ng hubby mo mabuti. Sabihin mo sa kanya ng maayos na nasstress ka sa inlaws mo at living condition nyo Similar tayo ng situation, lagi ko kinukwento sa husband ko mga concern ko. Kung wala man kmi magawa pero khit papaano nkakatulong na nailalabas ko nararamdaman ko at naiintindihan niya ako. Khit moral support malaking bagay na. Kung sinubukan mo na ito at ayaw makinig husband mo, eh.. di pwde kamo ganun hehe.

Magbasa pa
5y ago

Sinasabi ko talaga sa kanya sis. Eh kaso family nya yun eh. Sabi nya di ko naman daw makokontrol iniisip ng iba kaya hayaan nalang. Hays. Naaawa tuloy ako sa baby ko kapag naistress ako

ako din sis mejo naiinis ako ng ganito .. kalapit lang din kasi namen house ng mil ko kaya madalas dalaw kwento . hinde namn xa nakabantay sa mga pinagggwa namen kasi di namen inaallow n pakelaman kame .. naiirita lang ako lalo pag makwento tas haba2 ng kwento 😅 .. isara mo pinto ngu sis lagyan mo .. Do not disturb! . hayaan mo sila magalit 😊 ipafeel mo sa knila na hinde pede ganun lagi.. maski pa sa MIL mo .. dikana bata noh

Magbasa pa

Kaya better na bukod talaga kayo sis yung malayo-layo😊 kaya ako po ganon plano namin mag asawa, gusto ng parents niya dito din kami sa side nila, pero napag isip isip kona yung ganyang bagay, lalo na sila samin ganyan din. Mabait naman po as in kaso ayaw kolang na parang may nakabantay samin lalo na pagdating sa pagpapalaki ng mga bata.

Magbasa pa

Kapag nakahanap hanap ka ng medyo may kalayuan sa bahay ngnin laws mo. Magusap kayo ng asawa mo. Obviously you were treated like that kasi inaasahan lang nila e napangasawa mo. Kasi kung gusto nman tumulong ng asawa mo sa kanila kahit malayo kayo tutulong at tutulong sya 🙂 Kakaloka yang mag anak nila ha

Magbasa pa

Bumukod na kayo momsh. Di po makakatulong sa inyo na lagi kayong stress especially now na buntis kayo. Importante po yung mental health kapag nagbubuntis. Kausapin nyo po ng masinsinan yung asawa nyo. Paintindi nyo po sa kanya kung baket kelangan nyong bumukod at manirahan malayo sa inlaws mo.

VIP Member

Kausapn nyo po asawa nyo mommy. Dpat po tlg malayo kayo sa kahit kninong family, sau o sa knya, pra po matuto mamuhay ang magasawa. Mhrap din po sitwasyon ng husband nyo if sya lang ang professional. Mababago din po c hubby hbng tumatagal pagsasama nyo lalo na po at lumabas na c baby.

Ano pong reason ni hubby bakit ayaw niya bumukod? Sa amin kasi laging may macomment na lang yung family niya, sasabihin suggestion lang pero sasama loob pag hindi nasunod. Siya na mismo nagdecide na lumayo kami tapos dadalaw na lang para mas tahimik buhay namin.

5y ago

May prinsipyo kasi sya na kapag mag asawa na, babae ang sasama sa lalaki. Mukhang di rin sya maiwan parents nya kasi senior citizen na. Hays. Kapag nagsasabi naman ako, ang comment nya lang "yaan mo na yun". Kaya minsan sinasarili ko nalang. Ako nalang tuloy gumagawa ng way. Pumapasyal ako sa family ko (sa kabilang barangay) para makapag unwind