Mas maganda kung mag-usap kayo ng ayos ng asawa mo. Pakiusapan mo na baka pwede tulungan ka nya. Alternate kayo ng gagawin para sa baby. And si baby dapat di sinasanay sa karga ikaw din mahihirapan.
Yes po mommy napakahirap talaga pag walang katulong sa newborn, yung asawa mo man lang sana kahit paano noh, just be strong na lang sa una po talaga mahirap, makakaya nyo po yan tiis lang.
aq lang din mag isa sa bahay kami lang dalwa nang baby q kc nasa ibang bansa ang husband q...mahirap talaga pero masasanay ka din... para sakin ok lang din kami lang pra wala aq asahan
Magkasama po ba kayo sa bahay ng biyanan mo? Mas maganda po sana kung nakabukod kayo sis. I hope na magkaron ng sense of responsibility ang husband mo para di ka gaanong nahihirapan
Ganun talaga sis may asawa ka na eh di mo maiexpect na may tutulong at tutulong sayo lalo na mil mo dapat ang ineexpect mong tutulong sayo is yung husband mo.try to talk to him
Try mo po magpatulong sa mama mo at kausapin asawa mo. Baka mabinat ka po nyan. Kahit pa 1month na baby mo andyan parin ang binat di ka parin dapat nagpapagod ng sobra.
Good communication with your husband is the key. Pag usapan nyo po ng maayos kung pano nyo aalagaan si baby na parehas kayo may time parin somehow mag rest.
Sasabihin ng in laws mo noon wala din tumutulong sakanila nun nagbuo sila ng pamilya. If kaya mo umuwi muna sa parents mo much better. Iwasan ang PPD.
well d nmn sa pagjajudge huh. pero anak mo yan e. wala ka dapat obligahin kung hindi sarili mo. may tumulong man sayo o wala pasalamat kanlng. just saying.
Kaya mo yan mommy. Masasanay ka din mag multitask. Gnyan tlga. Mga nanay na tayo, isa palang anak mo, what more kung masundan pa. Kaya dpt strong tayo. 👍
Anonymous