sa loloobin

Gusto lang ishare yung nararamdaman ko ngayon. Saming mag asawa, ako yung nag wowork tapos sya yung nag aalaga sa baby namin. from work to our house mga 15mins lang layo (swerte ako ngayon kase malapt na ako sa baby ko) Dito kami ngayon nag stay sa bahay ng parents ko, di pa kase tapos yung pinapagawa naming bahay. Halos gabi gabi nag iinom asawa ko, which sa isip ko sige go lang para bang reward mo nalang din sa sarli for the whole day pag aalaga sa anak namin. After work ko, ako din naman agad nag aalaga sa baby namin. Ang di ko lang maintindihan, pinapayagan mo na't lahat, binibigay mo na ang lahat, pero pag pinag sabihn mo para lumalabas ikaw pa yung masama. Gaya neto week, may namatayan kami halos gabi gabi nasa lamay asawa ko sympre may kasama ng inom. Tapos ubos na gatas ng baby ko Ako nalang ba lagi gagawa ng paraan para samin?? Pag pinag sabihan ko sya, ngayon OO. pag dating ng ilang araw wala na yung pinag usapan. Before naman nag wowork asawa ko nun wala pa kaming baby at bago plang kami ikasal. Ewan ko ba, tamad talaga or ano di ko alam. minsan kase, nakakasama ng loob. alam ko hirap sa pag aalaga, alam ko din hirap ng nag tatrabho. pero yung ba naman ako naman sana isipin nya. sa point na, sya yung gagawa ng paraan para saming pamilya, yung ako namn iiintndhn nya. basta diko alam.........#1stimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy. Sa tingin ko, si hubby nagseself pity kaya ganyan yung way nya to cope. And if whole day sya nag aalaga ng baby.. ang hirap mag singit maghanap ng work kung gabi lang talaga yung time nya. Pero syempre kanya kanya naman ngang diskarte yan. Baka lang din mailap ang opportunity kay hubby. You both should support each other. Naiintindihan ko yung side mo na work ka na nga whole day then pag uwi mo ikaw naman nakatoka sa baby. At nakakadisappoint na ikaw na lang ang kumakayod para sa family nyo tapos si hubby puros pag iinom pa ang inaatupag. Pero try to understand din si hubby. It’s always best to be partners at wag na magsumbatan. Both of you naman do your part.

Magbasa pa
VIP Member

Seek counselling po. Hindi naman tama na wala na panggastos puro inom pa asawa mo. Maybe he needs to find something useful while at home. Magbenta ng meryenda or lunch tapos imbis panginom niya ipunin nio sa future ng anak nio. Aba hindi natin alam kung kelan tayo sa mundo maganda na may maiwan sa mga anak natin

Magbasa pa