need advice

Hindi ko alam ano gagawin ko. 1month 6days na baby ko. Yung pagod,puyat sa pag aalaga ramdam ko lhat. Pero bakit yung mga kasama ko dito sa bahay, yung nanay ng asawa ko, walang pakialam. Hindi man lang tumulong wala naman sya ginagawa dito. Tapos kapag kelangan nmin umalis ng asawa ko para mag bayad ng bills etc pwede nya bantayan pero dapat patulugin ko daw muna. Hindi ko alam kung nag seself pity lang ako pero wala kasi tumutulong sakin. Mula sa pag aalga sa baby ko umaga gabi ako lang lhat. Ako pa laba ng damit nya linis ng dede. Ako pa nagluluto ng ulam. Sabayan ko daw tulog ng baby ko para makapag pahinga. E pano ko gagawin yun kung pag tulog baby ko tsaka ako gagawa ng chores. Yung asawa ko naman walang kusa. Kung di ko sasabihin na sya mg sterilize ng dede di sya kikilos. Pag sinabi ko na kumuha kami ng katulong ksi nahihirapan na ko sasabihin sakin di namin afford. So pano na ako lahat tapos sila relax lang ?????

101 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ask mo yung asawa mo na tumulong din. Tulungan kayo dapat sa pag-aalaga kay baby. Hinay Hinay lang din sa gawaing bahay, mahirap na baka mabinat ka.

Naku sis same tayo hindi kikilos ung asawa ko paghindi ko pa sinabi kaya minsan naiiyak nalang ako sa pagod sa puyat🙁 pero kinakaya ko para kay baby.

Sabi nga mamsh mapag nanay kana wala na sa bokabolaryo mo ang salitang pagod😅 Kaht my sakit ka ikaw parn a ng kikilos at magaalaga sa nga babies .

Responsibility mo yan kasi may anak ka na. Wala kang karapatan magreklamo. Bago ka sana nag anak, inisip mo muna kung kaya mo.

Open up ka sa kanila kung hindi muna kaya. Exhausting ang pagiging ina. Hindi iyong binuntis ka tapos ineneglect ka lang kaoag nanganak kana.

Dapat po sabihan mo din po asawamo n hndi lahat ay iaasa sayo daapt mgkusa din po sya hndi po pwde ikaw lng lahat .kahit o my work p sya .

Kaso...yung iba...sarili mo na ngang kapamilya...kailangan abutan mo muna ng pera...para tumulong sayo...saklap diba...

5y ago

Hahaha

VIP Member

sis wag k masydo paapekto ksi apektado dn health m pag masyado ka magisip try to seek help sa mother m kaya? and talk dn sa hubs m

maganda kung bbukod kau at magsama ka ng kapatid mo para ksama mo katulong mo sa lahat mahirap nga yan kung ganyn mkakasama mo

first of all mahirap magalaga w/o katulong. kung d niyo pa afford sana d muna ng baby. that should be part of fam planning