Okay lang ba na magpakasal kahit hindi kasundo ang pamilya ng partner?
Moms, dads, okay lang ba na magpakasal kahit hindi kasundo ang pamilya ng partner? Comment your thoughts and kwentos!

dedma nalang sa byenan at mga in laws.. mabait naman asawa ko. mahal ako at ang anak namin.. responsable at hindi kami pinapabayaan.. kaya kahit walang pakialam at hindi kami mahal ng in laws ko.. wapakels na ko.. importante lang sakin ang asawa at anak ko.. maaalala lang kami nung mga yon pag kailangan nila ng pera. ATM lang ang peg namin. kahit nung hindi pa kami mag-asawa ni hubby ganun na sila.. kaya sanay na ko.. kaya ngayon dedma nalang ako.. wala naman ibang sinasabi sila, lalo yung mga byenan ko kundi, "pahingi pera", "padala ka pera", "may pera ka ba?", "padalhan mo naman ako ng pera mo". yung mga kapatid naman ni hubby puro, "ya pahiram naman", "ya bigyan mo ko pera pang apply", "ya ambag ka sa ganito, padala mo na ngayon", "ya paload nga". pati mga pamangkin nya puro, "tito load". loading station lang ang peg namin. kaya wala na kong amor sa kanila. ni hindi man lang kamustahin anak ko. lalo yung father in law ko. pinakawapakels.. pera pera lang sila..
Magbasa pano, ipapakasal nga sana ako para sana ma beneficiary ako sa Philhealth ng partner ko kasi malaki babayaran ko sa Philhealth. Hindi ako papayag na makasal lang dahil don, chinichismis ako pag nakatalikod ng nanay nya. Kung ikakasal man kami gusto ko kapag may Sarili na syang bahay at kaya na nyang bumukod sa parents nya. Kasi parang hindi sya naniniwala na may masamang ugali mama nya , na chinichismis ako ng mama nya. Ako lang daw nag iisip ng masama kung ganon. Kung ayaw man nyang bumukod , bahala sya sa buhay nya basta ako aalis ako kahit hindi sya kasama. Kasi mas importante mental health ko para sa anak ko. Ayoko bumalik noon na mag brereakdown nalang ako bigla. At takot ako makihabilo sa tao dahil sa anxiety. Ayoko mangyari nang yari kay mama na nung nabuntis kasal agad, ngayon nagsisisi si mama kasi walang kwenta tatay namin at nang tre threaten pa kung hindi papadalhan ng pera. Walang divorce sa Pilipinas.
Magbasa paCase to case basis ika nga. Ayos lang magpakasal as long as nakabukod kayo at nagkakaintindihan kayong mag asawa lalo kung hindi kasundo ang pamilya ng kapartner mo mainam na nakahiwalay para walang gulo. Kung hanggang sa pagkakaroon ng sariling pamilya nakapisan ka parin or umaasa pa din sa pamilya ng asawa better yet huwag kang magpakasal or else para ka na din kumuha ng bato o lubid. In my case naman kase yung mga in-laws ko mababait naman sila sa akin ung parents naman ng asawa ko matagal ng namayapa pero para sa akin your house, your rules! Hindi pupwedeng sa isang bahay 2 or ilang kayong reyna dahil mas mapayapa kapag mag isa kang nasusunod sa mga nais mong gawin sa loob ng pamamahay mo unlike ung magkakasama lahat sa iisang bagay hindi ka makakakilos ng malaya.
Magbasa paIt's a BIG NO for me. Mahirap kasi sa case ko super family-oriented si husband. Lalo lagi may family gatherings. Though nakabukod naman kami. Kaso ramdam ko talaga na ayaw nila sa akin,mother's side niya. Matapobre yung byenan kong babae. Yung tipong lahat ng gusto niya ang dapat masunod kasi may kaya nga sila. Pero sa totoo lang,ako ang provider sa amin ng husband ko at sa upcoming baby namin. Pero yung nanay niya akala mo naman habol ko pera nila,ganun ako itrato. Ang ayaw ko sa lahat,kung magsalita siya tungkol sa nanay ko parang wala nagawa nanay ko sa pagbubuntis ko. E sa totoo lang,nanay ko nag aasikaso sa damit ng magiging anak ko. E yung byenan ko puro kuda,wala pa maitulong. Madamot yan sa amin ng asawa ko pero sa iba todo bigay kahit hindi kailangan.
Magbasa paYes naman! ang pinakamahalaga naman e yun kayo ng mapapangasawa mo ang nagmamahalan at magkasundo. at kayo naman ang magsasama ngbpanghabambuhay sa hirap at ginhawa. ang magulang basta makita masaya at nagagawa ng ayos ang obligasyon ng asawa mo yung tungkulin syo ng asawa mo. matatanggap din yan sa huli. at syempre pagsikapan mo pa din makuha ang loob ng magulang ng partner mo. at higit sa lahat Gof be the Center of your Family and Relationship. ipagpray mo yan kay Lord, walang impossible kay Lord
Magbasa paFor me, ok lang as long as magkasundo naman kayo as a couple kasi at the end of the day, it's you and your partner who will raise a family. Yes, they're vital part of your journey as a team pero kung di rin lang magkakasundo better decide for yourselves. In the end, matututo din ang mga 'yan na magkasundo for the sake of their grandkids. Most of all, idaan sa PRAYERS. 🤗🙂🙏🏻💪😇👼
Magbasa paokay lang for me as long as nagkakasundo naman kayo ni hubby. For me, what's really important is the love you have for each other. Di na bale yung tingin or relationship niyo sa ibang tao(family). I mean, yes, it is important pero kung ang usapan ay para sainyong dalawa, why bother right? It all boils down kung kayong dalawa mismo ay nagkakasundo at syempre you always put God in the center of your relationship.
Magbasa paFor me oky lang naman.. kaya nang laging sinasabi sa akin ng mister ko.. Nanay hindi naman sila ang pakikisamahan ko at makakasama ko habang buhay.. mahirap kung nasa puder ka nila pero kung nakabukod naman kayo madali lang.. for me kasi hindi ko kasundo mother ko pero dahil wala pa kaming bahay nakikitira muna ako sa bahay ng kapatid ko at kasama mother namin since namayapa na ang tatay ko
Magbasa papwede nmn po..basta in good terms ka sa isang side either sa girl or boy.mahirap kasi kapag parehas hindi kasundo.lalo pag may trabaho kayo parehas at walang mag aalaga ng mga anak nio in times na need mo ng tulong may malalapitan ka pero madami masasabi.mas ok din kung nakabukod.not my personal thing dahil swerte ko sa byanan ko at kasundo nmn ng asawa ko ang side ko.😊
Magbasa panever... super regret ko ngayon kasi sila ang cause ng stress at depression ko lagi lalo na pag buntis ako at walang trabaho ang hirap magpigil pero kinakaya mahirap maging bastos lalo na't sa kwento nila pero wala nmn silang napaptunayan kaya tiis na lng habang buhay para sa binuo naming pamilya ng asawa ko
Magbasa pa




Firstime Mum ❤