Ayaw magpakasal.

Tinanong ko yung livein partner ko kung gusto nyang magpakasal, sabi nya ayaw daw nya. Di ko naman sinabing ngayon,gusto ko lng marininig na oo, kahit sa ssunod na dekada pa, at least alam ko na may plano sya, pakiramdam ko kasi wala syang plano sakin,samin ng magiging baby namin. Pano ba kami matatawag na pamilya dahil may anak kami,dahil magkasama kami sa bahay. Para sakin kasi pag sinabing pamilya may basbas, hindi man ngayon pero at least man lang kasali sa plano nyang gawin. Napaisip tuloy ako,kung mahal ba talaga ko o dahil may pakinabang lang ako 😔.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman po jan masusukat kung nagmamahalan kayo mamsh.. Ako po 5x ko tinurn-down offer ng live in partner ko, wala pa kaming baby niyaya na nya ako, ngayon buntis po ako niyayaya nya nanaman ako pero ayaw ko po.. Trauma po sa parents ko na napakaengrande ng kasal, sa hiwalayan din bagsak.. For me lang po yan ha, diko nilalahat.. I guess ang hirap po tanggalin sa systema kung galing ka sa ganong pamilya.. Basta sabi ko sa partner ko, ibuhos nya na lang lahat ng effort para d kami maghiwalay at para sa mga anak namin dahil ayaw ko talaga makasal.

Magbasa pa
3y ago

Broken Family din po ako galing, alam ko po yung pakiramdam ng hiwalay yung magulang. Siguro nga po magkakaiba tayo, ako kasi gusto ko ng basbas pa din ng batas ng tao at ng diyos.