advice naman jan oh

Hindi kami kasal pero may anak na kami 2 yrs na kami mag t-three years na sa august. Nagkamisunderstanding kami last week then nagkabati din nung sabado. Chineck ko yung fb niya and may mga bago na siyang mga friend sa fb na puro babae na ka schoolmate niya. Sabi niya sakin dati nung unang pasok niya di daw siya mag aadd ng mga babae. Then nagulat ako sa limang araw naming di paguusap may mga babae nang bago sa friendlist niya na siya pa mismo nag add sabi ko sino yan ang sabi niya lang i.t yan na hindi naman siya ganon magkwento pag may tinanong ako sa kanya kung sino yon sino yan madami agad siyang sasabihin tas ngayon i.t lang sasabihin niya? Wala ng iba? Section 1 sya dati lumipat ng 2 eh dalawang section lang naman ung first yr sa kanila. So sino yon. Umalis siya sa bahay kasi nga di ko siya kinakausap. Tas nung pag uwi niya sa kanila tinext ko siya kung bakit tas ang dami na niyang sinasabi na kesyo di ko daw muna inaalam eh ilang beses na kong nakatanong puro i.t lang sagot niya tas kukuhain niya na sakin phone niya. Sabi niya pa kausapin ko nalang siya pag may tiwala na ko sa kanya. Okay lang naman sakin na may babae eh, basta ang sakin lang sabihin kung sino ba yon magkwento ganon kasi ganon naman siya eh. Tas sabi ko sige wala ng mangungulit sayo, wala ng magseselos tas sasabihin niya hindi daw ako nagseselos potek ano to? Sabi niya wala lang daw talaga akong tiwala. Sabi niya pa pinangako niya daw sa sarili niya na di siya magkkwento ng babae sakin kasi nagagalit daw ako di naman ako magagalit kung sinabi niya agad na 4th year yon na sa ojt nila yon. Tyaka sabi niya isang babae lang nakausap niya sa school nila tas biglang sasabihin sakin nakausap niya yon? Talagang puro babae lang ha. Please enlighten me nga po. Balak ko na ngang di siya kausapin ngayon bahala na siya magkakaron naman na ko ng trabaho pang tustos sa baby namin. ??

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Be mature enough, hindi lang isa dapat kayong dalawa. And kung ganyan ang asawa mo, hayaan mo sia. Kase isipin mo lage na walang lihim na hindi nabubunyag. Kahit gano pa nia itago yan, maniwala ka o hindi, bigla biglang lilitaw ung kalokohan na ginagawa niya. Nung bf/gf plang kame ng lip ko, ganyan dn sia. Pero pag sinabe niya yun na yon. Di na ako nangungulit. Pero sa isip ko di ako naniniwala sa sinasabe nia kase ilang beses na dn ako naloko ng lalake kaya yung tiwala ko ubos na. Iniisip ko na lang kung my kalokohan sia, mlalaman at malalaman ko naman yon. Ngayong magkakaanak na kame, dinadaan ko sa biro ung mga pagdududa ko sknya. At sinasabe ko din na kung mgloloko sia umalis nlang sia s buhay ko kase ayokong madamay ung magiging anak namin sa mga kalokohan niya. Kase my case na, babaero/makalokohan ung tatay, tas sa anak napupunta ung karma. Kausapin lang na mahinahon e. Saka pag sinabeng kaibigan, sige lang, wag kna magtanong ng magtanong. kase lalabas naman ang totoo. :) Mag focus ka na lang sa anak mo. Malalaman niya kung ano mawawala sa kanya pag nagloko pa sia.

Magbasa pa

qng Ganyan pag uugali ninyong dalawa..talagang nde kau mgkakasundo ma.uwi Yan sa hiwalayan..ung binuo ninyong pamilya Alam mo qng baket..pareho kau matataas Ang mga pride..walang Ng pa kumbaba sa inyong dalawa..qng ako sayo sis hayaan mo cya qng marami cyang friends na Babae sa fb. Asawa ko nga din eh..at least na monitor mo ung fb. Nya..konting problema Lang mg asawa Yan..pinapalaki nyo Lang...be mature po...pag Ng hiwalay kayong mg Asawa Ang mg sakripisyo Jan mga anak nyo din...

Magbasa pa

Kung Ayaw ka nyang kausapin sis about Sa issue nyo, Hayaan Mo nalang sya. Focus ka nalang kai baby Mo. Kaya Mo Yan sis, Be strong always, Pray lang Tayo palagi πŸ˜‡ Ako nga dati di Lang isang beses, Ang Dami na di na nga mabilang Sa kaka.add friend nya Sa mga babae and worst is Sa.kaka.ML nya Mai nilalandi sya na babae . Iwanan na Sana namin Ng Anak ko, Kaso magbabago na daw sya. Kaya BAWAL na sya mag.ML forever! 😁 Be strong Lang Tayo sis, Magiging okay din ang Lahat. πŸ˜‡πŸ™

Magbasa pa

10 years na kami ng asawa ko and we have 2 kids. May password ang mga cp nmin pero alam namin ang password NG bawat isa. Ang lalaki kasi kung walang gawa hindi sya takot maglapag NG cp nya kahit saan sulok NG bahay nyo pero kung may gawain sya hawak lang nya yon at hindi ipapahiram sayo. Kung wala ka naman nababasa mommy na sweet mess. Kalma lang 😁 saka wag po puro away and namamagitan dpat ang respect nyo sa bawat isa kasi kung wala yon bale wala ang pagsasama nyo.

Magbasa pa
5y ago

Agree. Hubby ko walang password ang phone, may mga kaibigan na babae pero lagi nyang kinukwento saka nakikita ko naman personally, di rin nagbubura ng history sa phone pag nanunuod ng p*rn, kahit saan iniiwan yung phone, pag may nakausap na babae (kahit sino, kahit kaibigan pa nya) di yan magbubura ng message kahit alam nya na mababasa ko yun kasi wala syang tinatago. Pag faithful talaga yung napangasawa mo wala yan itatago sayo kahit anong liit na bagay pa.

be mature enough to handle your tantrums hindi na s inio dlwa lang iikot mga buhay nio may baby kyo wag kayo mga immature d na kayo mga dalagat binata na mga nagpapabebe p. pag usapan nio ang dpt pg usapan . hndi ung uuwi s knla dhl a konting isyu. ang prblema inuupuan yn ng mgprtner ska pnguusapan at ssolusyunan ndi ung aalis at tatakasan. mging responsble kyo s mga kilos nio

Magbasa pa

Sana wag kang maoffend. Pero ang immature ng relationship nyo. Kung kayo man hanggang sa huli im sure sobrang dami nyo pang pagdadadaan. Nasa highschool stage palang kayo ng relationship. Kawawa ang baby sa totoo lng. Mukang mga bata pa kayo at gustong maenjoy ang buhay ng dalaga at binata. Sana lang lagi nyong isipin ang anak nyo at hindi ang sarili lang.

Magbasa pa
5y ago

True

VIP Member

Isang bagay kung bakit nagtagal kmi ng asawa ko we respect each other privacy. Lalo sa social media di ko alam pw nya di rin nya alam sakin. Naghihiraman kami ng phone pero di kami nagbabasaan ng mga msg😊at kapag nagtatampuhan pareho kaming lumulunok ng pride chicken tapos ok na kmi ulit.

5y ago

Hindi Naman sis. ❀️

wag mo muna kausapin, magpalamig at saka mo itanong at sabihin ang mga saloobin mo ng mahinahon, wag uunahin ang galit.

Ang tanong, yang tiwala bang dapat mong ibigay sa kanya e worth it ba? Deserve ba niya?

Jusko mga bata pala to. Mga uhugin pa πŸ™„

5y ago

So imma