Ako pa din ba ang mag sosorry?
Ako pa din ba ang mag sosorry? Nag away kami ng husband ko kahapon dahil sa nakita lo sa fb nya. Out of boredom sa pagbabantay sa anak kagabi, binuksan ko fb nya since nakalog in sa tablet na iniwan nya sa bahay. Chineck ko lang yung fb activity nya kasi wala lang. Ganun kasi ginagawa ko sa fb ko pag bored ako. Nakita kong may recently added friend sya na babae. Puro sya naka heart reaction sa lahat ng stories ni ate girl. Isa pa, nakita ko din nag join sya sa group na “p*kp*k ako, syempre chineck ko kung anong klaseng group yun and yun nga, mga babae at lalake naghahanap ng ka one night stand at nagpopost din ng mga sexy pics nila. Syempre ano ba iisipin mo kung makita mong nagjoin sya sa ganung group diba. Cinonfront ko sya, nung una todo deny na kesyo baka napindot lang daw nya kasi mabagal daw yung tablet etc etc. hanggang sa umamin din sya na sinend daw ng mga barkada nya sa gc. Ending, sya pa nagalit sakin. Ano daw ba masama sa pag sali sa ganung group. Wala naman daw masama. At yung girl daw eh tropa nya na hindi ako naniniwala kasi in the first place, kung barkada mo yun, bakit di ko kilala at recently mo lang naging friend? Wala nga bang masama sa pagsali sa ganung klaseng group? Ako pa ba yung dapat mag sorry? Ako pa ba yung dapat magpakumbaba at suyuin sya? Ako ba dapat? Enlighten me please. Damay pati 2 mos baby namin di nya kinakausap or karga man lang. Thank you po.
ig: millennial_ina | TAP since 2020