Trust and Love

Hindi about kay LO, pero about 'to kay partner. Naghiwalay kami last year october-november, 2 months kami naghiwalay at 2 months din na nasa kanila sya. Puro sya tropa at bisyo nung time na hiwalay kami, then last december nagharap harap kami sa side ko at side nya. After a week ng usapan na yon gusto na nya makipagbalikan pero ako ayoko na, sabi ko nawala na tiwala ko sa kanya. Sabi nya magbabago na daw sya pero ganon pa rin pinagsasalitaan nya ako ng masasakit. Nagsasama kami ngayon pero wala na yung feelings ko sa kanya, di ko alam gagawin ko kasi naaawa din ako sa anak ko na baka hanapin nya tatay nya. Until now, di kami naguusap. Ang gusto ko lang naman mangyari magsorry sya personal kasi hanggang text lang sya. Ni hindi nya ako masuyo pag personal. Natutulog kaming hindi naguusap. Nasanay na ko saganong set up. Lagi din nya hawak phone nya, pag nanunuod si lo sa phone nya lagi sya nakabantay lalo na pag nasa harap nila ako. Pag may tumatawag sa kanyan kailangan pa nya lumabas. Gusto ko na makipaghiwalay pero ayaw ng mama ko at sa side nya kasi kawawa daw bata, sabi ko mas kawawa ang bata kung nakikita nyang nagsasakitan kami at di na mahal isat isa. Di ko na alam gagawin ko kaya sana may makapag advice sakin ano ba dapat gawin.

Trust and Love
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

I agree with you. Kawawa lalo yung bata kung ganyan ang kalalakihan nya. Hindi pa nya naiintindihan ngayon, pero mase-sense nya yan na hindi ka happy. Kayong mag asawa ang nasa relationship, hindi ang magulang mo or mga kamag anak nya. Madali para sa kanila na sabihing wag maghiwalay dahil hindi naman sila ang nasa sitwasyon mo. Kung maghiwalay man kayo, pwede naman may arrangement yan kanino si baby, paano ang sustento, gano kadalas ang pagbisita, etc. Pero kung willing naman sya magpa-marriage counseling, bakit hindi. Minsan sa mga simbahan may mga ganyan for free. Or itanong nyo po sa barangay/check se city hall kung nag ooffer sila. Baka lang options kung worried po kayo sa gastos. Good luck po.

Magbasa pa