Pusod ni Baby
Hi moms and dads! my concern lang ako regarding sa pusod ni baby ko para kasing di siya natutuyo ng lubos namamasa siya from time to time tapos nadikit sa damit niya 3months po yung baby ko. Wala kasi yung pedia niya dko macontact :( sana may makapansin sa post ko salamat. eto yung photo ng pusod baby ko.

Lagyan Mo mayat maya ng alcohol . at wag mo din Lagyan ng bigkis . Ganyan Ginawa ko sa baby ko . 4days Lang sya natangal na Pusod nya ..
hala bakit umabot 3 months mi? wag na wag mong lalagyan ng tela na binabalot sa pusod ha, water or alcohol lang pang linis mo. matutuyo yan.
ganyan din sa baby ko tapos nagsugat pa nga ang advice lang sakin ng pedia namin lagyan lang alcohol. twice a day. sa umaga at sa gabi lang.
mie dapat di yan mabasa ng tubig lagyan mo ng alcohol tapos mag lagay ka ng betadine sa cotton dikit mo sa pusod at bigkisan sure po yan mie
mupirocin po, tapos betadine muna una.after 1 day sa baby ko nun nagtuyo din twice a day linis suggest ng pedia ko effective naman un dlwa.
sa baby ko wala pang 1 week na laglag nalang ng kusa pusod nya eh. ang ginagawa ko 70% alcohol tas dapat hindi sya nababasa or nagagalaw.
continue mo pa din po linisin ng 70 % ethly alcohol then lagi mo po pahanginan para ms matuyo po agad, wag ka po maglagay ng bigkis
yung sakin po wala 1 week natangal na. Lagi kolang po nilalagyan ng alcohol tsaka hindi naman binabasa ng tubig pag naliligo si baby.
damp mo lang po yung cottonbuds with alcohol yung ethyl alcohol 70% then wag muna tatakpan patuyuin muna po para matuyo sya ng ayos.
sakin po .. wala pang 1 month baby ko tuyo na at gumaling pusod niya.. linis ng alcohol then lagyan ng pulbo para madry siya ..



