19 Replies

aay parang kang ung girl version ng kapatid ko makapal ang mukha 🤣 maaga naka buntis ang kapatid ko for 8yrs kami nag alaga sa pamankin ko. Now nakikipag live in na sya sa GF nya. So funny noh, Pinagsabihan namin na focus sa work at sa anak pero anong ginawa matigas ang ulo. Kaya ayun pinalayas na din namin kasi total ayaw na naman makinig samin. Basta ang sabi namin sknya is ni pisong tulong wag syang lalapit samin kasi tapos na kami na tulungan sya. Sya pa galit kapag pinagsasabihan. Sino ba nagpapaaral sayo? kapal ng mukha mo sis ah nabuntis ka na nga tpos iiwan mo anak mo sa parents mo? saan ang utak mo? Hindi ka man lang muna mag focus sa anak at studies mo gusto mo pa lumandi noh? Hayss kawawa ang anak mo sayo. Inuna pa lalaki kaysa sa anak. Imbes na ang mahalin mo nalang anak mo muna gusto sasama pa sa bf 😩 Maawa ka naman sa magulang mo at sa anak mo!

sadly, hindi lahat ng naging magulang eh priority ang anak nila..iba iba den talaga..in my case kasi mula nun naging nanay ako, anak ko lagi inuuna ko eh bago sarili ko.. selfless and unconditional love ng nanay sa anak.. unsolicited advice lang neng, isipin mo lahat ng magiging desisyon mo sa buhay eh may consequences.. blessed ka dahil may mga magulang kang naka suporta sa inyo ng anak mo pati sa pag aaral mo..gusto lang nila maayos ka kaya ka pinagsasabihan..para sayo din naman yung mga pangaral at ginagawa nila..in the long run makikita mo yung result..yang bf, yang lalake dadating yan anytime madami nyan.. pero ang magulang mo iisa lang yan sila..mag isip isip ka te..

napaka immature ng ganitong way of thinking.. ayaw na nga muna ng magulang mo magdala ka ng lalaki sa bahay niyo tapos maglalayas ka pa at sasama sa lalaki???? Asan ang respeto mo dyan sa magulang mo sis? nag aaral ka pa at nagkaanak na agad Mali na Yun e tapos uulit ka pa?? Inuuna mo sarili mo. .nakakahiya naman sa tatay mo di ba? sila na nag aalaga sa anak mo.. sasama ka pa sa jowa mo.. mag isip ka girl.. anak mo pa naman babae din sana Balang araw di siya maging sakit sa ulo kagaya mo.. Tama nga yung Kasabihan Aral muna bago lande. magtapos ka muna at magtrabaho saka ka mag isip ng Sama sa jowa ... jusko kung anak lang kita sasabunutan talaga kita

naalala ko sau sis ung kabit ng bayaw ko. Husband ko nag alaga sa bata tas so kabit nkkitira lng. Gnyan din si kabit gusto mag aral at magtapos pero inuuna panlalaki. She's 16 nung nabuntis sya. Tauhan sya ng husband ko nung kumerengkeng sa kpatid na lalaki ng aswa ko. At now 19 sya, gusto nya dalhin ulit dto anak nya pra husband ko ulit mag alaga. Ang kapal ng muka, Pra sau sis konting kahhiyan sa ktwan, yung mga taong nag aalaga sa anak mo , pasalamatan mo di ung lalayas kpa. Kau gumwa nyan sa ibang tao nyo ippaalaga. Damn! 🤦

Naisip mo ba pano kung wala kang tatay sino mag aalaga ng anak mo? kung wala kang pamilya paano kayo ng anak mo ngayon? tingin mo nakakapag aral kapa ulit? mapapag aral kaba ng jowa mo if ever na mas piliin mo siya? ilang beses kba dapat magkamali bago mo maimulat yang mata mo at magpasalamat na my magulang kapa? sorry huh pero my anak kana pero yung mga desisyunan mo sa buhay eh pang dalaga na ayaw masabihan. Ngayon na my anak kana di mo na priority sarili mo. Nakaka gigil ka ate girl.

sis pls think of the pain and the trauma that you've caused them nung una kang nabuntis kaya siguro ayaw ka nilang mag bf muna para di maulit yun. makakabawi ka pa naman sa kanila by focusing on your study and taking care of your daughter. privileged ka pa po sa lagay na yan kasi nakaalalay pa din sila sayo and sila pa nag aalaga sa baby mo. bumawi ka sa kanila before it's too late. mahahahanap pa ang asawa pero ang mabuting magulang nag iisa lang yan.

ITO! Solid!

iha huwag ka padalos dalos. nadapa ka na nung una gusto mo ulit madapa. ang unahin sa ngayon ang makatapos at magfocus ka muna sa iyong anak. kung gusto ka talaga nf bf mo hindi ka niya hahayaang makituloy sa bahay nila dahil sa mababaw mong dahilan. huwag mo unahin ang kapusukan. i priority mo ang pagaaral para makatapos at matulungan parents mo para sa mga nasayang na panahon. kapit ka lang at manalig.

Nagaaral ka pa pala, kaya siguro ganyan ang parents mo kasi nagkaanak ka agad... tpos baka maulit pa ulit dahil ganyan po.. tapusin mo muna pagaaral mo at gawin mong motivation anak mo kesa sa pag.bbf. pinaplano mo pang lumayas tapos iiwan mo anak mo sa parents mo? tjats very irresponsible hija. Bumawi ka muna sa parents mo. konting hiya lang pati sa parents ng bf mo kung dun ka makikisiksik pa.. Godbless.

Nagkamali ka ng ng una, not by having a baby but being immature and irresponsible..tapos uulitin mo na naman? Now i know bat gnyan parents mo sayo. mag aral ka muna. saka mo na isipin yang pagjojowa. may anak kana at dpt sya priority mo at mgiging future nyo. at kung mahal ka talaga ng lalake, hihintayin ka nyan mktapos. pinag aaral ka ng mgulang mo, suklian mo naman ng katinuan.

i get why ur parents said that. imagine nabuntis ka ng walang ama given the fact na inaalagaan ng tatay mo ang anak mo.at nagaaral kapa then naisip mo pa magjowa. ate girl . magtapos.ka muna bago lumandi ulit. isipin mo man lang na ibalik kahit papano.lahat ng sakripisyo ng magulang mo sayo kung hindi sa kanila sa anak.mo.na lang. para kang mauubusan ng lalaki

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles