ANONYMOUS

Hellooooo, may aask lang. Ganto kasi, yung parens ko sobrang strict, to the point na nakakasakal na. One time may plan akong ipakilala sakanila bf ko kaso nung narinig nila yun, binantaan nila agad na susuntukin nila bf ko or the worst, babarilin. So natatakot na ako magdala ng lalake samen ngayon. Then at this point, naiisip ko na lumayas at magsama kami ng new bf ko. I already have a daughter na din, tanggap naman ng current bf ko yun. Okay lang ba na magstay muna ako sa bf ko kahit ilang araw, tapusin ko muna midterms ko sakanila? Then saka ako uuwi? Inaalagaan naman ng tatay ko anak ko.

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

lagi po natin isipin na ang desisyon natin sa buhay ay may consequences. Batang-bata ka lang at akala mo na, na alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman Buhay ay 'di ganyan Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam Makinig ka na lang, makinig ka na lang

Magbasa pa

selfish mo. sarili mo lang iniisip mo wag ka padalos dalos kase pag nagkamali ka ulit sa parents mo pa din naman ka tatakbo. sila at sila lang sasalo sayo. di kita kilala pero tingin ko may pagka pasaway kang anak kaya naghihigpit sila sayo. pasalamat ka nalang may magulang ka na concern sayo.

hindi ka isang maria. isa kang imoral na babaeng mababa ang lipad. hindi ka isang ina sa anak mo dahil nagagawa mong ipagpalit sya sa lalaki mo. hindi ka rin isang mabuting anak dahil puro pasakit ang hatid mo sa magulang mo. isa kang pabigat sa mundong ito.

Ewan ko po ha. Pero natakot ka pa sa mga magulang nyo sa lagay na yan? mukhang nag aaral ka pa po tapos may daughter ka na? di kita jinajudge po ha, pero dun sa tanong mo napaka dali ng sagot. nag pasaway ka na dati, edi gawin mo ulit ngayon. TSHHH

that would be very selfish for me. magtapos ka muna ng pag aaral at maghanap ng work. wag mong i-take advantage pag aalaga ng parents mo sa anak mo. konting hiya sis. tumatanda din parents mo. bumawi ka muna sa lahat ng hirap nila sayo

landi mo po. bubuntisin ka lang ulit nyan bf mo tapos iiwan ka tapos tatay mo pahihirapan mo magalaga ng mga anak mo. swerte mo nakakapagaral ka pa. di ka po mauubusan ng lalaki,iiwan ka rin nyan kasi isip bata ka.

magpaka anak ka muna sa magulang mo at magpaka ina sa anak mo . taasan mo ang pangarap mo hindi ung nagaaral ka lang para magasawa. nakakapanlumo ang sakripisyo ng magulang.mo sayo. apakalandi mo po.

TapFluencer

Nagkamali kana sa una uulit ka pa? Ikaw pa galit sa parents mo eh para lang naman sayo, isipin mo MUNA lhat ng sacrifice na ginawa ng magulang mo sayo ghorl bago mo isipin lumandi ulit. Selfish asf

nako makinig ka sa mga magulang mo sila parin ang tutulong sayo kapag iniwan ka ng new bf mo. nasasakal ka man ngayon maswerte ka parin kasi may mga magulang kang nakaalalay sayo.