Sama ng loob
Free to judge. Ganito kase yun 35weeks na ang tiyan ko ngayon lang kami ng bf ko magpapakasal sa civil muna para di maging illegitimate amg baby namin. Nung una ayaw pumayag ng magulang ko kase gusto nila church wedding. So ayun na nga pinaliwanag ko sakanila ang magigjng sitwasyon ng magiging anak namin. Pero sinigurado naman namin ng bf ko sakanila na magpapakasal kmi sa simbahan. Napapayag ko sila to the point na pinapinta nga magulang ko yung magulang ng bf ko dito saamin para pagusapan. Nagkasundo na magcicivil muna kami para sa baby namin pero after 2years magchuchurch wedding kmi. After 2days, habang kumakain kami nagsalita nanay ko na kung kailangan ba talaga ba ng magulang kahit sa civil lang sabi ko siguro. Sinagot mya ako maghanap ndaw ako ng ipoproxy ko sakanya kase di daw sya pupunta kase hindi daw yun ang gusto nyang mangyari. Para akong binagsakan ng langit at lupa jung sinabi nya un. Wala akong ginawa kundi tanungjn sarili ko kung bakit ganun sya? Di ako nakapagsalita. Sinarili ko lahat ng katanungan at sakit. Iniyak ko nalang. Di ko na alam ang gagawin ko kung itutuloy ko pa ba.