Hello. May issue ba kayo sa family ng husband nyo? Hindi ba talaga maiiwasan makialam sila? Mahal ko asawa ko pero hindi ako masaya kasama Family nya. 1year na kami nakatira sa poder ng parents ng husband ko. Kasama namin mga siblings nya. Though naka-separate naman kami ng room. Sobra ko nahihirapan at ang hilig mangialam ng biyenan ko at kapatid ng husband ko sa pag-aalaga sa anak ko. (First apo, first pamangkin) Ang masakit pa ay nararamdaman ko na parang gusto nila ilayo ang loob ng anak ko sa akin. Lagi nila sinasabi sa anak ko na kapag hindi na daw sya nagbreastfeed, doon na sya matutulog sa kwarto nila at iwan na kami. I know 1year old pa lang baby ko at hindi pa naiintindihan. Pero natatakot ako na kapag lumaki sya ay kung anu-ano na ang sasabihin nila. Gusto ko nang bumukod pero wala pa kami kakayahan. :(

67 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

oo karamihan tlga sa mga mother in law ganyan pati nga sa asawa ko iaasa nila lahat nlng pati sa kapatid nya na mai anak nya sya pa nagpapadala ang hirap makisama kung ganyan ugali ... pati yung ina kahit anoano nlng mga kasinungalingan na mai sakit si ano ganyan... ai wala tlga d naman sa selfish pero ginagawa ng hubby eh... nangutang pa ng 10k sa mama ko dpa bayad... pero ako ayaw ko dun tumira sakanila . ang hirap tlga...

Magbasa pa

normal issue na yan, mas mabuti talaga ang nakabukod. pagusapan nyong mag-asawa ng husto ang pagbubukod kasi hindi talaga kayo magkakaroon ng harmonious relationship habang nasa iisang bubong kayo ng in-laws mo. i've been through that situation but in different case. kaya mahalaga talaga na nakabukod kayo. sa umpisa mahirap pero ipagdasal mo at hingin ang tulong ng Dios, may awa ang Dios malalampasan mo rin yan.

Magbasa pa

Obv mas in favor po opinion mo sa Husband's side. Halata naman kasing may problema sila ng in-laws niya and wala siyang sinabing titira siya sa parents niya. Ang gusto niya ay bumukod which is actually better if you plan to build a family. In-laws are good but just because they are your husband/wife's parents doesn't mean you need to always listen to them. OWN family first before anyone else's family.

Magbasa pa

i feel you sis, haha mostly mga byenan pakielamera talaga, pati sahod nyo mag asawa papakielamanan kala nila nagbubuhay donya ka sa pera ng anak nila.. tapos sa pagpapalaki pa ng anak lagi nalang sila tama.. mahirap din magdecide sa mga bagay2 kasi gusto din nila makisawsaw sa decision ng mag asawa.. wala ka magagawa kasi nakatira ka sa bahay nila

Magbasa pa

kmi ni hubby ng bukod na from the very start.. npakahirap kasi ng rent.lng kmi ng bahay , from the scratch talaga bumili kmi every single gamit..tiis2 lng talaga.. kinaya naman.. never ko naranasan tumira sa biyenan. nkikialam nga kahit nkabukod, how much more kung kasama mo sa bahay.. bukod na pra less stress.. bweset talaga mga byenan🤣🤣

Magbasa pa

nq ganian din mga kapatid ng asawa ko although ndi nmn first pamngkin kala mo makasabi na hihiramin sila ngpakahirap sa sinapupunan hbng ngbubuntis hahaha .. pero d pde skn un kht nasa side nila aq may bibig aq para mgsalita .. kakausapin ko dun si hubby ko kht na naiyak ang nanay nya pag gusto ko ng bumukod tlg..naawa nlng din aq .

Magbasa pa

yan ang mahirap momie lalo nat first apo nila at first pamangkin, parang ini spoiled nila ung bata, lam mo momie meron ako frnd parang same lng ng sitwasyon mo , naghiwalay sila ng asawa nya dhil sa byenan nya nangingialm kc palagi, kauspin mo s mister mo momie iba pa rin talaga ung nakabukod kau

Sa side naman ng husband ko wala naman pakielamero sa pagpapalaki ng anak namin. Full support naman sila sa way na pinapalaki namin ang anak namin. Pero hindi ko rinu-rule out na dadating kami sa situation nya pero we will keep on reminding them na kami ang masusunod sa pagpapa takbo ng pamilya namin.

Magbasa pa
7y ago

Lucky you mommy.

Unfortunately, isa yan sa hindi maiiwasan if living with inlaws lalo na if bahay nila. Hindi maiiwasan na makialam sila sa mga desisyon ninyo. Ang magagawa mo nalang ay magbuild ng maayos na relasyon sa inlaws mo. Para madali mo sabihin yung opinion/requests mo sa kanila.

VIP Member

bumukod po kayo kasi mahirap nga ang nakikipisan sa pamilya ng asawa, danas ko po yan.. kung hindi naman po kayang bumukod umuwi ka sa family mo atleast don po sariling pamilya, kung ayaw ni hubby sumama hayaan mo sya don sya sa family nya basta suportahan nya si baby..