asar sa bayaw?

hays share ko lang mga momsh... nakikitira ngayon yung bayaw ko samin, mag iisang taon na... ang nakakainis lang eh naghahanap siya sa akin lagi ng makakain nya eh wala nmn siya share sa pagkain at kung minsan dinadala nya pa GF nya sa bahay na napakalakas din kumain? samantalang may work siya at yung budget nya sa sarili nya ng isang buong kinsenas is budget ko na para sa family namin sa isang buwan? naStress ako pagAndito sila sa amin parang ako pa nahihiya at kung minsan ako nlng umaalis para hindi ko sila makita? hindi ko nmn masabi sa asawa ko kasi nahihiya ako at baka pagmulan pa ng pagtatalo nmin.. haist..

45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naranasan ko na yan sis . Ang ginawa ko kinumprunta ko ang bayaw ko sabe ko kung gusto mo tumira dito magshare ka kc hindi kaya ng kapatid mo na pati ikaw kargo ka pa mabuti kung walang sariling pamilya kapatid mo mabuti kung walang anak na ginagatas . ayun simula nun nagshare na sya sa lahat ng gastusin sa bahay .

Magbasa pa
6y ago

Good job momshie. Karapatan mo ring magsalita.