asar sa bayaw?

hays share ko lang mga momsh... nakikitira ngayon yung bayaw ko samin, mag iisang taon na... ang nakakainis lang eh naghahanap siya sa akin lagi ng makakain nya eh wala nmn siya share sa pagkain at kung minsan dinadala nya pa GF nya sa bahay na napakalakas din kumain? samantalang may work siya at yung budget nya sa sarili nya ng isang buong kinsenas is budget ko na para sa family namin sa isang buwan? naStress ako pagAndito sila sa amin parang ako pa nahihiya at kung minsan ako nlng umaalis para hindi ko sila makita? hindi ko nmn masabi sa asawa ko kasi nahihiya ako at baka pagmulan pa ng pagtatalo nmin.. haist..

45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

bakit nyo po pinapatira ng libre kung may work nmn pala? kasama din nmin sa bahay kapatid ko n single kc bumalik kmi sa bahay ng parents, pareho na silang pumanaw kya walang kasama kapatid ko. Hati kmi sa lahat ng expenses - kuryente, tubig, pagkain pati mga iba pang dapat bilhin sa bahay or ipaayos share kmi. Kausapin mo po asawa mo para malaman nya kesa sinasarili mo

Magbasa pa