Parang mas lumalala ang preggy symptoms ko every week
Halos wala akong symptoms when I found out that I was pregnant nun 5 weeks palang. Light lang symptoms ko like sensitive lang sa smell, feeling nasusuka but hindi ako sumusuka, I think once twice lang nun around 8th week ko. I am at my 14th week now and akala ko mawawala or mababawasan yun. Feeling ko mas aggressive ang pangamoy ko, and mga around mga dinner time parang ayaw ko na kumain dahil feeling ko isusuka ko lang kinain ko. Lagi rin maasim ang panlasa ko. Is this normal lang kaya mga mamsh?
Sa pangangasim mo Acid yan , which is common sa 1st Trimester. Ang gawin mo ay wag ka munang kumain ng maaasim na ulam ,prutas at snacks. Lalo kang mamimilipit sa sakit. During din sa 1st 3months pwedeng iwasan ang maternal drink kasi nga gatas pwedeng maka triggered din sa paninikmura mo. Ang best advice saken ng OB , small frequent meal lang gawin ko. Kung dati kailangan 3x a day na Full Meal kakainin sa plato, ngayon konti lang daw ga -mangkok lang na kanin ,ang kainin mo mga isang sandok lang ng kanin at ulam nandon na ganon kapag breakfast mo , lunch at dinner. Then kada meal mo kain ka uli AFTER 2 to 3hrs nang snacks na pwede sayo ha. Para di ka manghina. Pwedeng small rice uli or snacks na healthy, basta after 2 to 3hrs yan lagi. At pag 6pm na wag ka na kumain ng mabigat sa tyan. Snacks na lang after 2 to 3hrs ng huli mong meal. Laking tulong saken ng oatmeal na may halong fruits noon. Pati aroz caldo na ginisa lang sa luya. Nakaka kalma sa tyan ko lalo pag hinang hina na ko kakasuka. 🙂
Magbasa panormal po and dont worry matatapos din po yan. ☺️ mas light pa po yang sa inyu compared sakin na isang ulam lng kinakain breakfast lunch dinner for 3 months 😅 tapos 20times a day kung sumuka. para pang mamatay kung gabi. hindi pa pwede maglakad mag isa kasi hindi alam baka anytime mahimatay ako. sa wakas now mag 4months na si baby. :) good luck and a healthy pregnancy po sa inyu
Magbasa payes sis normal yan. mawawala din yan pag nasa 2nd trimester ka na. ako dati sobrang talas ng pang amoy ko. si hubby working kc sa petroleum at pagka uwi nya ng bahay naliligo yun bago tumabi sa akin pero sa sobrang talas ng pang amoy ko every strand ng buhok nya naamoy ko na amoy gasolina though nasa office man lang sya hindi man mismo sa mga truck area.
Magbasa pasalamat sa mga reply mga sis.. pasensya na first time ko kasi, medyo nagworry lang me kasi alam ko dapat pa subside na dapat ang symptoms ng ganitong week. tomorrow sched ko ng checkup kay doc, I'll bring it up din para aware siya. thank you for your kind words, I'm happy to be with this community. 🥰
Magbasa payes sis. ako sobrang lala ng paglilihi ko. kala ko mawawala na rin pagsusuka ko ngayong 14 weeks na ko di pa pala pero nakakakain naman na ako ng marami. Kaya niresetahan ako ng Ob ko ng Nausea para sa pagsusuka. 3xa day for 2 weeks.
maselan ka po. ganyan ako, namayat tuloy ako. pero at about mga 6 mos lakas ko naman kumain tumaas naman sugar ko.. balance diet po. for now kain ka paunti unti pero mayat maya.. do not skip meals
me to sis lalo na pag bago mag 2 months palang ung halos akala ko puputok na ung dede ko sa sakit. ngayon 13 weeks nako pregy hirap parin ako 😣 kaya natin yan sis laban lang 💪
Ako po buong 1st trimester ko ganyan na ganyan po ko. 14th weeks na rin po ko ngayon mejo hindi na nagiging maselan pero sa pagkain ganun pa rin. Mawawala rin po yan.
Ako nman 5 months nung grabe ang paglilihi pag kumain ako ng mga fruits halos mamamatay na ako sa sakit ng tyan. Kaya ayaw ko na magkababy ulit hirap maglihi
ganyan din po ako mi di ako msyado nag susuka nung 5 to 7 weeks... ngayong 10 weeks grabe parang ayaw ko n nga kumain kase sinusuka ko lahat😥