Parang mas lumalala ang preggy symptoms ko every week

Halos wala akong symptoms when I found out that I was pregnant nun 5 weeks palang. Light lang symptoms ko like sensitive lang sa smell, feeling nasusuka but hindi ako sumusuka, I think once twice lang nun around 8th week ko. I am at my 14th week now and akala ko mawawala or mababawasan yun. Feeling ko mas aggressive ang pangamoy ko, and mga around mga dinner time parang ayaw ko na kumain dahil feeling ko isusuka ko lang kinain ko. Lagi rin maasim ang panlasa ko. Is this normal lang kaya mga mamsh?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa pangangasim mo Acid yan , which is common sa 1st Trimester. Ang gawin mo ay wag ka munang kumain ng maaasim na ulam ,prutas at snacks. Lalo kang mamimilipit sa sakit. During din sa 1st 3months pwedeng iwasan ang maternal drink kasi nga gatas pwedeng maka triggered din sa paninikmura mo. Ang best advice saken ng OB , small frequent meal lang gawin ko. Kung dati kailangan 3x a day na Full Meal kakainin sa plato, ngayon konti lang daw ga -mangkok lang na kanin ,ang kainin mo mga isang sandok lang ng kanin at ulam nandon na ganon kapag breakfast mo , lunch at dinner. Then kada meal mo kain ka uli AFTER 2 to 3hrs nang snacks na pwede sayo ha. Para di ka manghina. Pwedeng small rice uli or snacks na healthy, basta after 2 to 3hrs yan lagi. At pag 6pm na wag ka na kumain ng mabigat sa tyan. Snacks na lang after 2 to 3hrs ng huli mong meal. Laking tulong saken ng oatmeal na may halong fruits noon. Pati aroz caldo na ginisa lang sa luya. Nakaka kalma sa tyan ko lalo pag hinang hina na ko kakasuka. 🙂

Magbasa pa